Chapter 8

34 2 0
                                    

ALEC'S POV

"Mahal andito na tayo sa inyo." Wika ko habang tinatapik sya sa pisngi.

Agad naman syang nagmulat ng mata. Nang aktong lalabas na sya ng sasakyan ay napaupo sya, tanda ng kalasingan.

Bilang boyfriend nya syempre agad ko naman syang inalalayan patungo sa pintuan ng kanilang bahay.

Kinuha nya ang susi mula sa kanyang bag at tipong ipapasok nya na sa seradura ng pinto ang susi ay hindi nya magawa, hilong hilo na talaga siguro sa kalasingan si Jaja.

Kaya ako na mismo ang nagpasok ng susi sa seradura upang mabuksan ang pinto. Pagpasok namin doon ay gumawa agad ako ng mainit na kape para sa kanya upang mahimasmasan sya kahit konti.

"Mahal inumin mo muna 'to para mabawasan ang hilo mo."

"Oh. . Yes! Thanks mahal."

Aktong aabutin nya na ay muntikan nya itong maitapon. Kaya ako na mismo ang humawak ng baso at itinapat sa bibig nya upang mainom ang kape.

Presto! Matapos nyang maubos ang kape ay nabawasan nga ang kalasingan nya dahil kahit paano ay medyo okey na syang kausap.

"O sya mahal umuwi ka na at matutulog na ko." Sabi ni Jaja at tipong aakyat na sya sa hagdan ay bigla syang nadapa.

"Oh! Tsk. Nahihilo ka parin pala hindi mo sinabi sakin." Nagaalalang sambit ko habang inaalalayan sya patayo. "Saan ba yung kwarto mo at ng maihatid kita?"

"There's only one room at the 2nd floor."

Pagkasabi nya ay sinimulan ko na syang akayin paakyat sa 2nd floor. Iisa nga lang ang kwarto dito, kaya pagbukas ko ng pinto ay inihiga ko na sya sa kama.

Sa sobrang bigat nya at kalasingan ay napasama akong bumagsak sa kama nya. Akmang tatayo na ako ay biglang yumakap sa leeg ko si Jaja.

Nagtama ang aming mga mata. Mapapansin mo sa mukha nya ang kasabikan na gawin ang isang bagay . . . bagay na ginagawa ng nagmamahalan.

Masuyo nyang hinalikan ang mga labi ko. Ganun din ako sa kanya. Naging maalab ang aking pagnanasa.

Mula sa pagangkin sa kanyang labi ay bumaba ako sa kanyang pisngi, patungo sa kanyang leeg at sa malulusog niyang dibdib.

Ramdam ko ang pagkagusto ni Jaja sa ginagawa ko dahil padiin ng padiin ang yapos nya sa likuran ko.

Muli ay umangat ako upang halikan ang kanyang mga labi. Naging mapusok ang aming paghahalikan dahilan upang pati ang aming mga dila ay tila eskrimang nagpapaligsahan sa galing.

Naging abala ang aking mga kamay sa paghaplos sa mgandang katawan ni Jaja. Sa sobrang abala naming dalawa ay hindi na namin namalayang natanggal na pala namin ang saplot sa isa't isa.

Sa init ng aming pagnanasa ay tuluyan ko nang pinakawalan ang aking pagkikimkim.

Sa panahong iyon ay nawala na ang pagiging maginoo ko dahil sa pagmamalabis ng kamay kong humahaplos sa hubad na katawan ng aking mahal.

Naramdaman kong nasisiyahan sya sa ginagawa ko. At napaungol ako ng lumikot din ang kamay ni Jaja sa harapan ko.

At dahil alam kong nasa sukdulan na ako ay ginawa ko na ang dapat gawin.

Napakagat labi siya ng maramdaman nya ang pagangkin ko sa kanyang kayamanan.

Dahil sa sakit at hapdi na kanyang naramdaman ay napakapit sya ng mahigpit sa aking buhok.

Gusto ko sanang kunin ang dalawa niyang kamay upang pigilan ang pagsabunot sa akin, ngunit huli na ang lahat. :(

Sa higpit ng pagkakahawak niya ay natanggal ang mahaba kong buhok. O.O

Ako Nalang kase ;) ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon