Chapter 10

38 2 0
                                    

JINCA'S POV

Sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog.

Akalain mong nakatulog pa pala ako ng mahimbing nun sa kabila ng masalimuot na nangyari kagabi sa amin ni Jake.

Siguro dahil na rin sa pagod, puyat at kalasingan kaya mahimbing akong nakatulog.

Pagbangon ko sa higaan ay namataan ko ang aking repleksyon sa salamin.

Awang awa ako sa ichura ko. Magang maga at mudoto pa rin ang mata ko.

Kahit na mahimbing akong nakatulog ay mababakas pa din sa mata ko ang lungkot at sakit na idinulot ni Jake.

Hindi ko na naman napigilang umiyak. At sa puntong iyon napahagulgol ako ng malakas.

Ewan ko ba pero siguro ganito talaga ang mga first time magka boyfriend at first time masaktan. O.A. mag emote at umiyak.

Nasa ganun akong kalagayan ng biglang bumukas ang pinto at patakbong lumapit si Mommy sa akin.

"Anong nangyari sayo? Bakit umiiyak ka?" Nagaalalang anito.

"Ganito pala kasakit kapag niloko ka ng mahal mo Mommy! Para akong mababaliw!" Naiiyak na wika ko.

"Bakit mo naman nasabing niloko ka nya anak?"

"Bakit hindi Mommy? E ako mismo ang nakabisto sa tunay na pagkatao nya!"

"Alam mo ba ang totoong dahilan kung bakit sya nagbalatkayo?"

"Opo! Para paghigantihan ako!"

"Paghigantihan? bakit?"

Sa puntong ito ay napaisip ako sa mga turan ni Mommy. Bakit parang tila may alam sya? Hindi kaya nakipagusap si Jake sa kanya kagabi?

"Alam nyo Mommy, hindi ko lang naikukwento sa inyo na si Jake ay katrabaho ko. At para kaming aso't pusa kung magbangayan sa trabaho." Aniko sabay buntong hininga.

"Lagi ko kasi syang nababara at nasusungitan. Kaya siguro, ito ang ginawa nyang paraan para paghigantihan ako! ang paibigin ako at mahulog sa kanyang patibong!" At muli ay naiyak na naman ako.

"Halika nga dito anak!" Aya niya sa akin. Sabay yakap ng mahigpit.

"Sobrang saket talaga, dahil kung kelan mahal ko na sya. . . Saka ko pa malalaman ang buong pagkatao nya. . ."

"Naiintindihan kita Jaja, anak kita e. Pero sana hinayaan mo muna syang magpaliwanag sayo."

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Dahil kung niloko ka lang nya talaga, bakit sya umiiyak at lumuhod sa harap mo para pakinggan ang paliwanag nya?"

"Alam mo yung nangyari kagabi Mommy?"

"Oo ipinagtapat niya sa akin kagabi."

"Pero malakas ang kutob ko na pinaghigantihan nya lang ako."

"Alam mo anak, kung ganun ang balak nya, diba dapat nagsasaya sya kagabi sa harapan mo dahil nahulog ka sa bitag nya? E bakit nagmamakaawa syang pakinggan mo ang paliwanag niya?"

Sa pagkakataong yun ay nabuksan ang aking isipan. Naging makitid na naman nga ako sa pagaakalang pinaghigantihan lang ako ni Jake.

Pero bakit nga ba sya nagpanggap na ibang tao? Aaahhhhh! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

Sa puntong iyon ay hindi na ako nagaksaya pa ng panahon. Nagbihis nalang ako at nagpabango, hindi na ko naligo.

"Oh saan ka pupunta anak?"

"Papasok po ako sa trabaho, kelangan ko syang makausap."

"Osige! Pero bago ka umalis kumain ka muna may niluto ako sa ibaba."

"Sige po Mommy."

MUYEN INCORPORATION

Mabilis kong tinungo ang opisina namin ni Jake. Hindi ko talaga palalampasin ang araw na ito. Gusto kong malaman ang totoo.

"Good Morning Ma'am Jinca, buti na lang pumasok kayo!" Medyo may pagaalalang sambit ng sekretarya ko.

"Bakit Angel anong problema?"

"Si Sir Jake kase umuwi biglang sumama ang pakiramdam."

"Ha? Hindi pwede 'to!" Medyo pasigaw na sambit ko.

"Bakit Ma'am? Magkagalit na naman po ba kayo?"

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Angel. Bagkus ay mabilis kong tinungo ang opisina ni Sir Mike upang hingin ang address ni Jake.

Oo maga-undertime ako, at oo pupuntahan ko sya sa bahay niya,. gaya ng sinabi ko kanina hindi na ako magaaksaya ng panahon na malaman ang totoo.

Sa hallway ng condo ay tinanong ako ng receptionist kung kaninong unit ako pupunta. Ibinigay ko ang buo kong pangalan at maya maya'y pinaakyat na ako.

Agad kong kinatok ang pintuan ni Jake. At sa puntong iyon ay pinagbuksan niya ako.

Nagulat ako nang makita ang ichura nya. Maga at nangangalumata. Parang kakatapos lang umiyak.

"Bakit naparito ka Jinca?" Nakayukong anito.

"Hindi mo muna ba ako papapasukin sa loob?"

Agad na inuwang niya ng malaki ang pinto, gawa upang makapasok ako sa loob.

"Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit nandito ako, Jake." Kaswal ngunit malumanay na sabi ko.

Tumungo sya palapit sa akin, hinawakan ng masuyo ang aking pisngi. Habang patuloy sa pagpatak ang kanyang luha.

"Ginawa ko ang pagbabalatkayo dahil sa laki ng pagmamahal ko sayo."

"Kung mahal mo ko bakit kailangan mo pang magbalatkayo?"

"Kung hindi ako nagbalatkayo, magpapaligaw ka ba sa akin? Diba hindi? Dahil umpisa pa lang muhing muhi ka na sakin."

Hindi ako nakapagsalita. Tama sya, at totoo hindi talaga ko magpapaligaw sa kanya dahil sa ugali nya.

"Kaya nagpanggap akong ibang tao para malaman mong ang taong kinamumuhian mo ay may malaking paghanga at pagmamahal sayo. At sa takot ko na hindi ka mapunta sakin kaya nagaw...."

Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Dahil buong suyo kong hinalikan ang kanyang labi.

Oo nauunawaan ko na kung bakit sya nagpanggap! Ang kitid talaga ng utak ko no? Kung tutuusin dapat sa umpisa pa lang minahal ko na ang taong ito.

Dahil sa despedida pa lang inamin nya na ang paghanga sa akin. Ako lang itong sinapian ng masamang espirito kung bakit inaway ko ang gwapong kaharap ko ngayon at kahalikan.

Ako talaga ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging komplikado ang pagmamahalan namin. . .

Kapwa kami humihingal ng matapos sa mainit na paghahalikan. Matagal na nagtama ang aming mga mata. Muli nyang hinaplos ang aking pisngi.

"Mahal na mahal kita Jinca Panlilio, lahat gagawin ko mapasakin ka lang."

"Nako Jake huwag ka nang gumawa nang kung anu-ano, dahil Iyong iyo na ako!" Natatawang sagot ko.

"Bitin naman yang sagot mo e." Nagtatampong aniya.

"Paanong bitin?"

"Sabi ko mahal na mahal kita Jinca Panlilio!" Sigaw nito.

"Hmmmm. . Yun ba? At dahil ang sarap sarap mo Jake Salcedo! Osige mahal na mahal din kita!" Ganting sigaw ko sabay halik sa kanyang labi.

♥♥♥♥ The END ♥♥♥♥

Ako Nalang kase ;) ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon