WORLD OF MORTALS
THIRD PERSON POV
Sa kabilang dako, dinala ni winter ang batang si kryshan sa kweba kung saan sila nakatira. Hindi na bumalik ang kanyang ina doon, at laking gulat nya na makitang sunog ang lahat ng gamit ng kanyang ina. Umiyak ito ng umiyak, hindi nya inaasahan ang pagkawala ng kanyang ina...
May hinukay ito sa ilalim ng lupa sa loob ng kweba, at kinuha mula dito ang isang bote na may laman na itim na likido.
"I will be an immortal and I will bring you to life." Ininom ni winter ang naimbento ng kanyang ina, ang immortal drug, na kahit sinong uminom nito ay sa isang iglap ay magiging immortal. Nagiisa lamang ito at ibinaon sa lupa ni Mira upang kapag dumating ang tamang panahon, magamit ito sa tama at kapag kinakailangan na.
Bumagsak sa lupa si winter. Nakaranas siya ng kakaibang kirot sa dibdib niya. Napahawak sya dito at ininda ang sakit. Napasigaw sya at pumikit na lamang. halos mamatay sya sa pamimilipit. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinapatay ka ng buhay, ang puso ay parang sinusunog. Hanggang sa maging kalmado muli ito. Minuto ang tinagal ng epekto ng gamot. At sa pagmulat niya, nagbago na ang mata nito, naging kulay ginto.
Bumangon ito at lumapit sa batang si kryshan. Pinagmasdan nya ang muka nito.
"Hindi ako ang magpapalaki sayo. hindi sa tulad kong pumupuksa sa mga vampira. Wala ka dapat matandaan na galing ka dito. Dahil isa ka ng mortal, kailangan mong mabuhay bilang isang tao."
Mula sa gubat ay pumunta ito sa mundo mga mortal. ang dalawang mundo ay magkasama but theres a barrier that separates the world of mortals to the vampire world, and its only visible to vampires, samantalang mahirap naman itong matunton ng mga tao. at tanging mga hunter lang ang nakakalam nito.
Iniwan niya sa bahay ampunan ang pitong taong gulang na si kryshan. wala itong malay, ang tanging palatandaan lang nito ay ang bloody gem of alpha at may isang sulat.
dito na nagsimula ang buhay ni kryshan bilang isang mortal.
"Tatawagin kang Krysh Ann." Sabi ng babaeng nakapulot kay kryshan sa harap ng ampunan at dinala ito sa loob.
"Oh ayun ang sabi sa sulat Ms. Maria, krysh ann daw ang ipangalan sa bata." Sabi ng babae at habang pinagmamasdan ang nakahandang box na paglalagyan ng mga naiwang gamit dito.
"Akin na ang sulat at kwintas, ibibigay natin ang mga nakuhang gamit sa kung sinong mag aampon kanya."
Nilagay ito ni Ms. Maria sa isa sa mga volt sa loob ng kanyang opisina. Bawat volt ay may pangalan ng batang napupulot nila. Ang iba ay walang apilido, nagkakaroon lamang ito ng kilanlan sa oras na may mag ampon dito. Kaya ang nakasulat sa volt ng bata ay "krysh ann".
Pitong taong gulang ang bata na si kryshan ng matagpuan ito sa harap ng bahay ampunan. Simula ng dumating ito dito ay lagi itong umiiyak at hindi nakikisali sa mga bata doon. nakaupo lang ito sa isang swing na nakasabit sa puno, malayo sa mga pwede naman nyang makalaro.
Dumating ang batang yan na hindi nagsasalita. Akala nila ay may kapansanan ito na hindi nakakarinig. Hanggang sa isang araw,
ang nagtatrabaho ditong si Francheska ang unang nakapag pasalita kay krysh at tinawag siya nitong mama. Siya lang ang nakakausap ng maayos ang batang si kryshan dahil ayaw nito sa iba, Sa kanya lamang ito nakikipag laro.
"Bat di mo na lang ampunin si krysh." Sabi ng isa sa mga katrabaho niya. ngumiti ito ng malungkot. At pinagpatuloy ang pag aayos ng higaan ng mga bata.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Empress of Alckestra: (Blood of an Ultimate Vampire)
VampireIt is the story of a lady vampire who wanted a normal life for her daughter, causing its own daughters bloody death, killed by the hierarchy order of the Alpha, his father. She was torment and tortured to death commanded by the Strigoi Lords from th...