JUST ONE BITE
KRYSH POV
Dumating ang araw ng school fair. Dumagsa ang tao sa aming school, sobrang ingay ng paligid pero mararamdaman mo ang saya sa kanila. kaliwat kanan din ang mga booth! Kaya lahat kami ay hindi na magkanda ugaga sa mga utos ni Marc! Ala una ang start ng play namin at 12:30 na ng tanghali. Sumilip ako sa gilid ng stage at napanganga na lang ako! sobrang punong puno ang theater!
"Okay guys this is it! Giver your best para hindi masayang ang pinaghirapan natin!" Sigaw ngaming president
"Alright!"
As we shouted, nagsimula ng umalis si marc para pumanik sa control room. Sya din kasi ang magiging narrator. Mabuti na yung wala siya dito sa backstage dahil maninigaw lang yan! At syempre ako ang taga salo ng lahat!
Nireready ko na din ang iba pang mga props. Magpapahinga na sana ako kaya lang ---
"pakiayos naman yung gown ko sa likod krysh!"
"hoy, pakintabin mo muna tong hills ko."
"Pa make up naman ako krysh"
"Krysh! ibigay mo to sa narrator!"
"SANDALI LANG PWEDE!"
Isa lang ang katawan ko mga hinayupak kayo! Gusto nyo yata hati hatiin ko ang kawatan ko. grabe tong mga to! akala nyo ba nakalimutan ko na yung atraso nyo sakin pagkatapos nyo akong ikulong dito sa hall!
pero wala akong nagawa, sinunod ko ang lahat ng utos nila. kaya nung mismong play na...
"Ayos ka lang krysh?"
tanong ni yuki sakin na nakaabang sa susunod na eksena.
"Oo naman, ako pa ba?"
mukang bagay talaga sakin ang role ko, ako yung magkukulam sa snow white, nakuba na ko sa dami ng utos nila! Eh kung ihagis ko kaya tong apple sa bibig ni snow white na muka naman espasol!
"Krysh ikaw na, in 3, 2, 1 pasok!"
hawak ko ngayon ang mansanas, handa na kong maglaro ng baseball. hinahagis hagis ko na to sa kamay ko, bahagya kong pinatunog ang leeg ko, I'm ready! tinaas ang isang paa ko at nag bend ng onti, eto na ko! ---
"Do you want to taste my apple?"
sabi ko. oo lahat nasa isip ko lang! baka kasi pag ginawa ko yun mag trending ang aming play.
"It looks delicious!" lumapit si espasol white sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ngumisi ako na parang isang witch at ginaya pa ang tawa nito. My character is not bad!
"Oh yes my dear, would you like to try? I will give it to you for free and I promise, in just one bite my dear and all your dreams will come true!"
Kakagatin na ni snow white ng biglang mamatay ang ilaw. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Lahat ng estudyante ay nagsigawan, sobrang dilim sa hall at di talaga magkakitaan. Nakaramdam na lang ako ng kamay na yumakap sakin mula sa likod ko. Sinong hinyaupak ito! Sinubukan kong kumawala pero mahigpit ang kapit nito sakin. Sobra akong nanlamig kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. I don't like this kind of feeling...
"Really? Just one bite?" kinilabutan ako ng tumama ang labi nito sa tenga ko. Para akong nahipnotismo, nanlambot ang mga tuhod ko.
"M...make a wish."
bigla kong nasabi ang lines ko sa play.
I felt something sharp on my neck. pumikit ako, hindi ito masakit pero ramdam ko ang talim. hanggang sa marinig ko na lang ang halakhak nito sa aking tenga.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Empress of Alckestra: (Blood of an Ultimate Vampire)
VampiroIt is the story of a lady vampire who wanted a normal life for her daughter, causing its own daughters bloody death, killed by the hierarchy order of the Alpha, his father. She was torment and tortured to death commanded by the Strigoi Lords from th...