VAMPIRE CHILD (BEFORE THE EMPRESS ESCAPE)
THIRD PERSON POV
Nang dumating sa buhay ni Clementine si kryshan ay nagbago ang pananaw nito sa mundo. Sa tagal nyang nabuhay bilang isang bampira ay minsan sumagi na din sa isipan nito na wakasan na lamang ang kanyang buhay. Pero alam naman nya na kahit anong gawin niya sa sarili, hindi siya mamamatay.
950 years is long enough para sa buhay ng isang bampira.
Tumakas siya mula sa palasyo dahil sa pamimilit ng kanyang ama na ipakasal sya sa anak ni alpha maximo favero na si argos. Gusto ng dalawang alpha na magsanib pwersa para mapantayan nito ang lakas ng Gregori.
Sa pagsuyod niya sa kagubatan ay halos marating niya na ang kampo ng mga hunters. Ito ang gusto niya, ang mamatay. Alam nya na ang mga ito ay pumupuksa ng masasamang bampira kaya dito sya dumiretso.
Isang hunter ang tumutok sa kanyang ulo ng baril mula sa likod. Tumulo ang mga luha ni Clementine at hinarap ang lalaki.
"Anong ginagawa ng isang bampira dito?"
Hinatak niya si Clementine at isinandal sa puno. Hinarang nya sa leeg nito ang kanyang braso, laking gulat nya na hindi man lang ito lumalaban.
"isa kang hunter diba? Tapusin mo na ko."
Hinawakan ni Clementine ang baril at diniin pa lalo sa sarili nyang noo. Nakapikit na ito at patuloy sa pag agos ang luha. Ayaw nya ng mabuhay pa. Sawa na siya sa mundong kinagagalawan niya. Binabantayan ang bawat kilos niya at para bang isang puppet na kontrolado ang galaw. Nabuhay nga siyang nakukuha ang lahat ng gusto niya pero bakit hindi sa pagpili sa taong mamahalin niya.
Ibinaba ng lalaki ang baril at umupo sa nabuwal na puno sa harap ng babae. Laking gulat naman ni Clementine na hindi siya pinatay nito.
"Bakit di mo tinuloy! Wakasan mo na ang buhay ko!"
Sumigaw ang babae at nanatili lamang ang tingin ng lalaki sa kanyang mapupulang mata.
"Alam mo sa totoo lang, hindi pa ko ganap na hunter. Kaya okay lang na hindi kita patayin kahit na ito ang tungkulin namin. Pagbibigyan kita dahil may puso naman ako kahit papaano."
"If you kill me, you will be a hunter in an instant. Biruin mo, napatay mo ang anak ng alpha."
Nanlaki ang mata ng lalaki. At hinatak ang kamay ng babaeng bampira. Nagsimula na itong tumakbo habang hawak ng mahigpit si Clementine, napapatingin ito sa likod kung may nakasunod. Nagpatianod na lamang ang babae sa lalaki at napadpad sila sa may ilog.
"Umalis ka na dito."
Seryosong sabi ng hunter.
"Ayoko ng bumalik sa palasyo..." umupo ang babae sa tabi ng ilog at nilaro ang tubig.
"Hindi ka ligtas dito!"
"Mabuti na yon, ayoko ng madagdagan pa ang buhay ko. Sapat na ang itinagal ko sa mundo."
Napabuntong hininga ang hunter at umupo sa harap ng babae.
"Alam mo kaming mga tao, sandali lang ang buhay namin. Pero sa oras ng kamatayan, mas pipiliin naming mabuhay. Dahil may rason kami para ipagpatuloy ito. Ayaw naming iwan ang mga mahal namin."
"kaming immortal, kamatayan ang pinaka magandang mangyayari sa buhay namin."
Ngumiti ng sawi ang babaeng bampira. At napakamot na lang sa batok ang hunter
"Talaga ba? May naencounter kasi ako dati na tulad mo. Mapapatay ko na sana yun. Pero ang sabi niya sakin "Spare my life nakikiusap ako, paano na ang anak ko pag nawala ako!" kaya pinatakas ko na lang."
BINABASA MO ANG
The Forgotten Empress of Alckestra: (Blood of an Ultimate Vampire)
WampiryIt is the story of a lady vampire who wanted a normal life for her daughter, causing its own daughters bloody death, killed by the hierarchy order of the Alpha, his father. She was torment and tortured to death commanded by the Strigoi Lords from th...