Nakaupo ako sa field habang nanunuod sa mga kapwa ko estudyante na masayang nakikipagbonding sa kani-kanilang mga kaibigan.
Maganda kasi ngayon ang sikat ng araw at maging ang hangin ay parang hinihele ka sa sobrang gaan ng pagtama nito sa buong katawan mo.
"Tin!!!" tawag ng kilala kong boses.
Napatingin naman ako sa kanya at nguniti ng malapad.^_^
"Naks, iba ang ngiti natin ngayon best ah?" Panunukso niya ng makalapit na sya sakin saka umupo sa tabi ko.
"Loko" sagot ko sabay hampas ng braso niya.
Tumawa lang siya ng mahina dahil sa ginawa ko.
Baliw talaga tong bestfriend ko.
Ayy nga pala, Ako nga pala si Tina Jen Lopez at ang kakulitan ko naman ay si Ren Rodriguez my childhood bestfriend.^^
Since elementary classmate ko na siya at besfriend ko pa until ngayong nasa 4th year high school na kami dito sa Malaga National High School.
"Alam kong gwapo ako best kaya wag mo na akong titigan" aniya
Ha?? Anudaw??
"Ang hangin ha??Hahaha" natatawa kong sabi ko sabay binatukan ko nga.Ang hambog talaga nito.
Tumawa lang siya sabay akbay sakin.
Dugdug.
Bumilis naman ang pintig ng puso ko sa ginawa niyang pag-akbay.
Alam ko namang walang malisya yun sa kanya pero saakin kasi meron yun kahit pa sabihin kong magbestfriend kami. Datirati kasi okay lang saakin na inaakbayan niya ko pero ngayon naiilang na ko, lalo pa at may nararamdaman ako sa kanya.
This is clichè to say but I'm in love with my BESTFRIEND. I'm falling in love with my BESTFRIEND. And everyday na magkasama kami mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya, and its kinda hard for me.Damn T'T
At ngayong graduating na kami sa High School, malapit na kaming magkakahiwalay dahil sa magkaibang Universities kami papasok at hindi ko alam kung sasabihin ko ba tong nararamdaman ko sa kanya o hindi dahil natatakot ako sa posibleng mangyari pagsinabi ko sa kanya na Mahal ko siya at baka masira ang pagkakaibigan namin.Ayoko kong mangyari yun. Ayoko.T'T
"Uy,okay ka lang?" Dinig kong sabi niya
"Ha? Ah- oo naman best, bakit?" awkward kong tanong sa kanya.
"Sigurado ka? Bigla ka kasing natulala may problema ka ba best?" Tanong niya naman
Umiling lang ako saka umiwas ng tingin.
"Uwi na tayo best" yaya ko kay Ren sabay tayo.
Tumayo din naman siya at sabay kaming naglakad paalis ng field.
Kung sana ganito na lang kami ni Ren forever..SANA
YOU ARE READING
Fallin (One Shot story Completed)
Teen FictionFalling in love with your bestfriend unexpectedly is one of the hardest thing that you feel isn't it? Especially when your heart and mind are both contradicting. Your heart says "I love him" BUT your mind says 'I don't want to ruin our FRIENDSHIP" ...