An Ending for a New Beginning

7 0 0
                                    

Tina's POV

Matapos ang nangyari noong JS Prom, hindi na kami muling nagkausap ni Ren. Noong gabing din yun ay hindi na kami ni Francis nagpatuloy pa bagkus ay sinamahan niya akong umuwi sa bahay. Nagtaka pa noon si Kuya Jiv pero pinaliwanag sa kanya ni Francis kaya grabe na lang yung pag-aalala niya sakin.
Umiyak lang ako ng umiyak sa araw na yun hanggang sa mapagod na yung mga mata ko at nakatulog.

May 2 weeks na rin matapos yung downfall days ko. Sa nagdaang mga araw ay naging matamlay ako. Tinamad magsalita, at kumilos. Nagtaka pa yung mga classmates naming noon kung bakit hindi kami nagpapansinan ni Ren, hindi daw  kasi sila sanay na hindi kami nakikitang  nagkukulitan o nag-uusap ng bestfriend ko kaya ganun na lang yung pagtaka nila. Hindi ko pinansin yung mga tanong iyon bagkus nanatili kaming tahimik ni Ren sa tuwing nagtatanong yung mga kaklase namin isa pa kalat na din naman sa school yung tungkol sa kanila ni Mika kaya busy din si Ren sa relasyon nilang dalawa. Si Francis lang ang sumasagot sa kanila na ang dahilan daw namin ay yung "nag-away" lang kami.
Thankful ako sa lahat ng efforts ni Francis at masasabi kong tinuturing ko na rin siyang bestfriend ko. Siya ang naging karamay ko sa mga panahong yun.

Sunday ngayon at nakakatunganga lang ako magdamag sa kwarto ng biglang may kumatok dito.

"Bunso? pwede ka bang makausap?" boses iyon ni Kuya Jiv. Napaupo naman ako Mula sa pagkakahiga ko.

"Bukas yan Kuya,pasok ka na lang" sagot ko naman habang inaayos yung magulo kong buhok.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Kuya Jiv na nakangiti nung magtama yung mata namin.
Naglakad ito hanggang sa makarating sa gawi ko at umupo pa sa tabi ko.

"How are you?" panimula niya.

"Better, I guess?" diretsang sagot ko.

Nakita ko naman muli yung pag-aalala niya kaya ngumiti ako bilang pagtitiyak sa kanya na maayos na ko kahit medyo masakit pa rin.

"Ano ba yung sasabihin mo kuya?" pag-iiba ko baka kasi mapunta naman samin ni Ren ang usapan. Ayoko ng isip pa yun.

"Nakausap ko sila Mama at Papa about sa pagcocollege mo. Total naman ilang araw nalang graduation niyo na." aniya

Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Oh, eh ano naman po yung tungkol Doon kuya?" taka kong tanong.

" Would you like to study college in Manila?" tanong niya naman.Natahimik ako bigla sa tanong yun. Napaisip ako.

Study in Manila? Sounds great total maraming magagandang College Universities  doon. It is an opportunity for me to have better job in the future and para na rin mawala tong nararamdaman ko kay Ren.  Isa pa matagal ko ng pangarap ang makapag-aral sa Manila.

"Kung papayag ba ako kuya,papayag kaya sila Mama?" I asked

"Napag-usapan na namin ito last time and guess what they agreed. Hindi ka naman mag-iisa sa Manila dahil kasama mo ko at doon din nakadestino yung trabaho ko so they don't need to worry about us." masayang tugon niya kaya napangiti ako at napayakap sa kanya sa sobrang saya.

"Yieeeeeee!!!Thank you Kuya the best ka talaga!" masayang sabi ko habang yumayakap sa kanya. Rinig kong tumawa lang si Kuya habang nakayakap din sakin.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at masayang nakangiting tumingin sa kanya.
"Thank you ulit kuya" sambit ko.

Ngumiti si Kuya sakin sabay tayo at pinat yung ulo at ginulo yung buhok ko.

"But promise me mag-aaral ka dun ng mabuti ha? Kung hindi papauwiin kita pabalik dito. After ng graduation niyo umaga, pagkahapon ang alis natin. Nakapabook na sila ni Mama"  aniya pa.

Fallin (One Shot story Completed)Where stories live. Discover now