Ren's POVKakauwi ko lang galing school dahil sa pa farewell party pa ni Ma'am,gabi na din ng matapos ito. Hinanap ng mga mata ko nun si Tina pero hindi ko nakita tanging si Francis lang. Hindi ko naman na tanong si Francis dahil pakiramdam ko galit siya sakin dahil sa nangyari noong Prom. Hindi ko siya masisisi. Kahit ako nagalit din sa sarili ko.
Kasalukuyan akong naglalakad paakyat ng kwarto ko ng marinig kong tiantawag ako ni Manang, isa sa mga katulong sa bahay. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Manang.
"Magandang gabi po sir" bati niya
"Goodevening din Manang, bakit po?" magalang ko namang tanong.
May inabot siyang sobre sa akin. Nagtaka pa ako nun kung ano yun at kanino galing ito ng sinabi niyang galing daw kay Tina. Agad ko itong kinuha at nagpasalamat sa kanya bago siya talikuran at tulo-tuloy na naglakad papasok ng kwarto ko. Agad ko tong binuksan at isang letter ang laman nito. Agad ko itong binasa.
To my bestfriend forever Ren,
Hi Besprend!! Congratulations satin :). Alam kong sa mga oras na mabasa mo toh eh, nasa malayo na ko. I'm sorry for greeting you through this letter, alam ko namang masama pa rin yung loob mo sakin dahil sa nangyaring pagtatapat ko sayo noong JS Prom pero gusto ko lang malaman mo na hindi ko yun pinagsisihan.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang binabasa yung letter niya.
Loving you as my best friend and as a man is the feeling that I will treasure forever. Matagal din tayong hindi magkikita, we will take our journey towards our dreams. Good luck sa college life besprend.... Surely I will miss you..
Naaalala mo pa ba kung paano tayo naging Bestfriend noon, nakakatawang isipin na posibleng mangyari yun sa totoong buhay. Nagsimula yun noon ng ipagtanggol kita sa mga bully na classmates natin diba? It is one of the memorable moment for me. Knowing you and having you as my bestfriend.Naalala ko bigla yung araw na yun. Yung araw na inaway ako ng classmates namin dahil bagong salta palang ako sa school kung saan si Tina nag-aaral. Grade 4 ako nun.
Flashback....
Hinahampas at sinusuntok ako nun ng mga bago kong classmates dahil hindi ako sumasagot sa tanong nila dahil nahihiya ako.
"Mommy... Mommy... Mommy...huhuhuhu" umiiyak lang ako habang paulit-ulit na sinasabi ang Mommy.
"HAHAHAHAA MOMMY..MOMMY..MOMMY..."Hahaha momie's boy" pang-aasar sakin ng mga kaklase ko pero umiiyak pa rin ako.
"HOOOOYY!! ANO YANG GINAGAWA NIYO?"
I heard someone's voice.. I look at my back and I saw a girl standing while pointing her to those bullies in front of me.
"Tigilan niyo yan, susumbong ko kayo kay Ma'am" she threatened them.
Natakot naman yung mga bullies at nagsitakbuhan. Kaya naiwan kaming dalawa.
"Ayos ka lang ba?" inosente niyang tanong ng makalapit sakin at pinunasan yung mga luha ko.
Nagulat ako sa ginawa niyang yun but at the same time thankful dahil sa ginawa niya.
"Thank you" seryoso kong Sabi sabay ngumiti sa kanya habang humihikbi pa. She smiled back.
" Ako nga pala si Tina, ikaw?" aniya sabay lahad ng mga kamay niya.
YOU ARE READING
Fallin (One Shot story Completed)
Teen FictionFalling in love with your bestfriend unexpectedly is one of the hardest thing that you feel isn't it? Especially when your heart and mind are both contradicting. Your heart says "I love him" BUT your mind says 'I don't want to ruin our FRIENDSHIP" ...