Fallin'

10 1 0
                                    


Tina's POV

Mugto yung mata ko kakaiyak kagabi dahil sa nangyari kahapon at laking pasalamat ko nalang kasi weekend at dalawang araw kong hindi makikita si Ren. Kagabi ay iyak lang ako ng iyak sa kwarto ko. Wala naman sila Mama at Papa kasi parehong nasa duty pa yung Kuya Jiv ko naman ay busy din sa kanyang trabaho kaya mag-isa ako sa bahay pag-uwi ko at yun ang tamang oras para ilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko at di ko na malayang nakatulog ako kakaiyak.

Tinignan ko yung wall clock ko sa kwarto 8 a.m na pala pero wala pa rin ako sa mood na lumabas ng kwarto. Kahit gutom ay hindi ako nakaramdam kahit hindi din ako nagdinner kagabi. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala yung nangyari kahapon. Hays, siguro nga ay hanggang best friend lang ako ni Ren at kailanman ay hindi na magbabago yun. Siguro ngayon, ang best way na kailangan kong gawin ay tanggapin ang katotohanang bestfriend forever nga lang talaga ako ng taong mahal ko.



I can't pretend that I'm just a friend......

Co'z I'm thinking maybe were meant to be....

Napabangon ako sa kama dahil sa ingay na naririnig ko mula sa sala namin. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko yung kuya kong nakaupo sa sofa habang hawak yung gitara niya habang kumakanta ng nakapikit  animo'y feel na feel yung kanta.


I think I'm fallin'

Fallin' in love with you...

And I don't

I don't know what to do....

Kinginang kantang yan nanadya ba talaga tong kuya ko? Pero hindi naman niya alam yung nararamdaman ko ngayon ah baka nagkataon lang? Iba din talaga yung tadhana manadya ah kakabilib. Sapol na sapol yung nararamdaman ko.



I'm afraid you've turn away...

But I say it anyway..

I think I'm fallin' for you.....


Pakiramdam ko nangingilid naman yung mga luha ko.
Shit!!! It really hurts.Damn T_T


"KUYA!!! ANG INGAY MO!" sigaw ko dahilan para mapahinto si kuya sa kanyang pagkanta at pagstrum ng gitara at napatingin sa gawi ko.
Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa tabi niya.


"Good morning bunso" nakangiti niyang bati sakin. Ngumuso ako.


"Ang aga-aga ang ingay mo. Bat ka nga ba kumakanta ha? Inlove ka ba?" asar kong tanong sa kanya na nakabusangot pa rin.


"Haha, hindi naman bunso trip lang ni kuya kumanta. Gusto mo jamming tayo? Wala ka namang pasok eh" aniya

"Ayoko, wala ako sa mood kumanta kuya" walang gana kong sagot

"Asus nag-iinarte ka naman. Bigo ka ba? Pero wala ka namang boyfriend ah" pang-aasar niya pa. Letche! Pagdiinan ba namang wala akong boyfriend. Astig din yung kuya ko nu.Hmmmp


Hinampas ko nga "Loko ka ah" sabi ko pa pero this time eh nakangiti na ko.Tumawa lang siya at ginulo yung buhok ko.


"Kain na to bunso " pag-aaya sakin ni kuya at naunang naglakad papuntang kusina. Sumunod naman ako at umupo kaharap siya. Tahimik lang kaming kumakain ni kuya. Wala pa rin sila Mama at Papa siguro ay nasa hospital pa rin pareho kasi silang nurse. Si kuya kasi day off niya tuwing weekends kaya  kahit papaano ay nakakabonding ko siya.


"Kamusta school bunso?" pagbabasag ni kuya sa katahimikan

"Maayos naman po kuya." sagot ko

"Good. So,how's your lovelife?" aniya pa

Nagulat naman ako sa tanong ni kuya dahilan para mapahinto ako sa pagsubo ng pagkain at mapatingin sa kanya. Ngumisi lang siya ng makita ang reaksyon ng mukha ko. Alam kasi ni Kuya Jiv na may gusto ako kay Ren at siya yung napapagsabihin ko madalas ng mga drama ko tungkol kay Ren.

"Wala pa rin bang improvement?" aniya pa uli

Umiling ako bago tumingin ulit kay Kuya sabay sabing "Wala" napatahimik siya
"May nililigawan siyang iba Kuya". dagdag ko pa dahilan para mapatingin siya sakin. Ramdam kong nangigilid na naman yung mga luha ko sa aking mga mata kaya pilit akong ngumiti para di niya mahalata.

"Are you okay?" aniya na nag-aalala

"Oo naman Kuya. Ako pa ba?" agad kong sagot kahit alam ko sa sarili kong hindi.

Kita ko ang pag-alala ni Kuya kaya ngumiti ako at nagFighting gesture pa para kahit papaano ay hindi na siya mag-alala.

"It is okay to fall in love bunso.Why don't you confess your feelings towards him?. Hindi pa naman sila nung nililigawan niya diba? Why don't you try to take a risk sometimes to gain some experience. Malay mo may gusto din siya sayo?" payo ni kuya sakin. Umiling ako.


"Wag na Kuya. Ayokong masira yung friendship namin" malungkot kong sagot.



"There is no harm on risking bunso but make sure that  you're ready for the consequences and you'll never regret it in the end.Take a risk" aniya ni Kuya bago tumayo at ilapag sa lababo ang pinagkainan niya.
"Pakihugasan na lang bunso ha? I love you" dagdag niya pa at pinat yung ulo ko sabay lakad pabalik ng sala.

"Kuya!!!" tawag ko sa kanya dahilan para mapaharap siya sakin. "Thank you" nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti lamang siya at nagtuloy sa paglalakad


Confess???

Take a risk

What will happen then?


Will it be worth it in the end?

Natatakot ako.........

Fallin (One Shot story Completed)Where stories live. Discover now