Tina's POVThe next day maaga akong pumasok ng School dahil cleaners ko. Nakakatawa mang sabihin pero tuwing cleaners ko lang ako pumapasok ng maaga dahil may penalty kaming mga cleaners kapag hindi kami nakapaglinis.
Naglalakad ako ngayon papuntang room namin at ng makarating ako sa tapat nito ay nakita ko kaagad si Ren na binubuksan ang mga. bintana ng classroom namin. Ang aga naman ata niya?. Madalas din kasi siyang late pumasok kagaya ko. Nakapagtataka lang na maaga siyang pumasok ngayon eh hindi niya naman cleaners ngayong araw?Ayss~_^
At kesa pasakitin ang ulo ko kakaisip kung bakit maaga pumasok ang bestfriend ko, dumiretso na ko pumasok sa room.
"Goodmorning^_^" masigla kong bati sa kanila.
Actually hindi lang naman si Ren ang maagang pumasok. Nasa anim na sila sa room at syempre pangpito ako.Hihi
"Ang aga mo Tina ah? Pustahan cleaners mo nu?" Biro ni Cheska isa sa mga kaklase ko.
"Sort of haha" sagot ko at tumawa
Napatingin naman ako kay Ren na nakatingin lang sakin na nakangiti.
Ngumiti din ako sa kanya sabay bati ng
"Goodmoring besprend :)""Goodmorning din besprend" sagot niya ng nakangiti pa rin sakin.
"Ayiiiiieeeeeeeeeeeeeeee!!" Katyaw samin ng mga kaklase namin.
Napailing na lang ako habang tumatawa . Alam ko namang nagbibiro lang ang mga kaklase namin dahil alam nilang magbestfriend kami ni Ren. Pero may part sa puso ko na kumirot dahil alam kong bestfriend lang talaga ang turing sakin ni Ren no more no less.
After that naglinis na ako ng room. Tinulungan naman ako ng ni Ren at ng iba sa paglilinis para daw madali akong matapos. At syempre nagpasalamat ako sa kanila.
FastForward....................
Third subject na namin ngayon para sa afternoon session ng klase pero 20mins. na ang nakalipas wala parin si Ma'am kaya ito kami ngayon may kanya-kanyang mundo.
Merong may lumabas ng room at nagsipagtambayan sa labas since hindi naman kami lumilipat ng room at yung mga teachers na lang ang pumupunta sa kada room. Meron din nakaupo lang sa kanilang upuan kagaya ko. At meron din namang naghaharutan sa loob ng room. Lovebirds?? Hayss mga PDA.=_=
Pero mas nakaagaw ng pansin ko ang isang tawa ng kilala kong tao. Ang tawa ng Besprend ko.
Napatingin naman ako sa gawi niya at nakita ko siyang nakangiti ng malapad habang kausap ang iba kong mga kaklase.
"Kung ice cream lang yan si Ren, panigurado kanina pa yan tunaw sa lagkit ng tingin mo" dinig kong bulong sa likuran ko dahilan upang mapatingin ako sa likod ko at nakita ko ang nakangising mukha ng bakla kong kaklase na si Francis.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Sus, indenial ka pa girl, alam kong may gusto ka sa so called 'bestfriend' mong yan" sabi niya sabay nguso pa sa gawi nila Ren.
Inusog ko naman ng kunti ang upuan ko patalikod para makalapit kaming dalawa at makapag-usap ng mahina baka kasi may makarinig sa sinabi niya maging issue pa yun.
"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya ng makalapit na ko sa kanya.
"Ay,anubeyen beh aminin mo na kasi lab mo yang si Ren halata naman eh,saka don'tcha worry I can keep a secret parang hindi naman tayo friends niyan." maarte niyang sagot.
Napatitig ako sa kanya sandali...
Sasabihin ko ba?
Hindi sa wala akong tiwala kay Francis, alam ko namang mabait siyang tao at medyo close ko rin kasi siya kaya sasabihin ko na lang siguro, wala namang mawawala sakin kapag sinabi ko sa kanya. Mapagkakatiwalaan naman tong baklang toh.
Kaya ayun, sinabi ko sa kanya ang lahat lahat...
"Best"
Dinig kong tawag ni Ren sakin kaya napatingin ako sa gawi niya at nakita ko siyang papalapit sakin.
Dugdug
Shit! Puso tumahimik ka.
"Bakit best?" Tanong ko ng makalapit na siya sakin.
"After this class, may sasabihin ako sayo" sagot niya sabay kurot ng pisnge ko.
"ARAY!!" reklamo ko
Bwesit na toh, ang sakit mangurot!!
"Hahahaha ang cute cute talaga ng bestfriend ko" natatawa niyang sabi habang hawak ang pisnge ko.
Napatitig ako sa kanyang gwapong mukha.
Hays bakit ba mahal kita Ren kahit alam kong hindi tugma ang nararamdaman mo sa nararamdaman ko?
"Oh? Nakatitig ka naman sakin best? Haha Sabi ko sayo eh gwapo ang bestfriend mo" aniya
Napaiwas naman ako ng tingin.
Shit!"Huh? Ang pangit mo kaya duhh" palusot ko sabay tapik ng kamay niyang nakahawak pa rin sa pisnge ko.
Tumawa lamang siya sabay sabing"Basta later best ha?" Aniya bago bumalik sa mga kakulitan niya sa harap.
May sasabahin daw siya mamaya pag-uwian na.
Ano kaya yun??
YOU ARE READING
Fallin (One Shot story Completed)
Teen FictionFalling in love with your bestfriend unexpectedly is one of the hardest thing that you feel isn't it? Especially when your heart and mind are both contradicting. Your heart says "I love him" BUT your mind says 'I don't want to ruin our FRIENDSHIP" ...