Desisyon

8 0 0
                                    

Tina's POV

Lumipas ang dalawang linggo at madami nangyari between sa friendship namin ni Ren. Tulad nalang ng tuwing uwian hindi na kami kasabay umuwi, pag recess at lunchtime hindi din kami magkasama dahil kasabay niya lagi si Mika. At ako, kami ni Francis ang lagi ng magkasamang kumain. Lagi naman siyang nagpapaalam sakin pag ginagawa niya yun at ako namang dakilang martyr sa pagmamahal ay pinapayagan naman ito. Wala eh, hindi talaga ako ang Mahal niya kaya bilang best friend susuportahan ko nalang siya siguro kahit masakit.

Kasalukuyan kaming nag-aantay sa adviser namin at maya-maya lang din ay dumating na ito.

"Good Morning Class" masiglang bati samin ni Ma'am

"Good Morning Ma'am" masigla din naming tugon sa kanya.

"Before we started, I would like to tell you that 2 weeks from now is our JS Prom and everyone should join. It is a Mandatory as what our principal told us and by the way choose your own partner".

February na din kasi at malapit nang mag March,malapit na  kaming gumadruate.

Dinig ko ang samo't-saring reaksyon ng mga kaklase ko. Mayroong mga excited at kinikilig dahil panigurado ay makakapartner nila yung mga taong gusto nila. At may mga kaklase din akong katulad ko na walang pakialam sa sinabi ni Ma'am. Last year sumali ako at kapartner ko nun si Ren pero ngayon alam kong hinding-hindi na mangyayari yun dahil siguradong naman akong si Mika ang kapartner niya.

"Pst teh, partner nalang tayo panigurado namang hindi ikaw ang partner ni papa Ren" bulong sakin ni Francis.

"Sige, ikaw ang maggown ako ang magtotuxedo" pagbibiro ko naman.

"Ay'bet ko yan" aniya pa na parang ang saya-saya dahil sa sinabi ko.

Tumawa ako ng mahina at sinabihang joke lang yun. Napalitan naman bigla ng lungkot yung mukha ni Francis at ngumuso pa.

"Gaga ka talaga" aniya pa sabay hampas pa sakin. Umiling-iling lang akong muling humarap sa harapan kung nasaan si Ma'am.


Nakinig lang ako sa buong klase hanggang sa sumapit ang recess time.
Masaya kaming kumakain ni Francis ng lumapit ni Ren samin.

"Best" panimula niya. " Hindi muna kita makakapartner sa JS Prom ha,Alam mo na?" sabi niya sabay kamot ng batok niya na parang nahihiya pa.

Tumitig muna ako sakanya ng ilang segundo bago nagsalita.

"Okay lang best,ano ka ba. Isa pa si Francis na lang yung kapartner ko okay naman sa kanya eh." tuloy-tuloy kong sabi kahit alam kong sa kaloob-looban ko ay nasasaktan ako. Ngumiti pa ko ng pilit para mas maniwala siya.

Gumihit naman sa mga labi niya ang isang napakagandang ngiti.


How I wish I was the reason of that smile but I'm not.

Parang piniga naman yung puso ko dahil sa naisip ko.

Pinatong pa nito yung kamay niya sa ulo ko at sabay sabing "Your the best, Besprend" sabay gulo pa ng buhok ko. "Sige, puntahan ko muna si Mika" aniya ulit,ngumiti pa bago umalis. Sinundan ko lamang ito ng tingin.

"Ayooooonnn tayo eh, MARTYR" dinig kong pang-aasar ni Francis dahilan upang mapatingin ako sa kanyang may nangigilid pang luha sa mga mata ko.

"Wala eh, hanggang bestfriend lang eh" nakanguso ko namang sagot sabay kagat ng sandwich na kinakain ko. Naramdaman ko naman yung paghaplos ni Francis sa balikat ko, pahiwatig sa pagsisimpatya niya sa nararamdaman ko. Ngumiti lang ako ng malungkot.

"Malapit na tayong gumadruate teh at magkaya-kanyang tahak patungo sa nakapalarab satin sa college, kailan mo balak sabihin yang nararamdaman mo kay Ren?" biglang tanong sakin ni Francis.

Napatingin naman ako sa kanya habang ngumunguya pa rin. Nagkibit-balikan lang ako bilang sagot.

Kailan ko nga ba balak sabihin,o may balak nga bang ako ipaalam kay Ren itong nararamdaman ko?. Hindi ko din alam kong nararapat pa bang sabihin ko ito kung ngayon ay nakikita ko sa kanyang mga mata yung kislap kabag si Mika ang pinag-uusapan. Inlove nga talaga siya.

"Bakit hindi ka kaya magtapat kay Ren sa JS Prom?" suhistyon naman ni Francis kaya napahinto ako sa pagkain at tumingin sa kanya.

"Natatakot akong umamin" sinsero kong sagot at yumuko.

"Natatakot kang umamin o Natatakot Kang mareject o Natatakot kang masira yung friendship niyo?" sunod-sunod na tanong ni Francis.

Napaisip ako dun. Natatakot nga ba akong umamin o mareject o mas natatakot akong masira ang friendship namin?..

Nalungkot ako sa mga naisip ko.

"Natatakot ako sa pwedeng mangyari at magbago saming dalawa ni Ren bakla." nalulungkot kong sagot.

Kita ko ang awa sa mga mata ni Francis dahilan para mas lalo akong malungkot. Kinginang puso kasi toh, titibok nga lang doon pa sa taong malabong mahalin din ako. Doon pa sa bestfriend ko.

"Try to take a risk, if you fail then move-on and accept. I'm always here for you girl" this time yumakap na sakin si Francis. Napayakap na din ako sa kanya at hayaang tumulo yung mga luha sa mga mata ko.

Take a risk.

Yeah maybe let's give it a try. If I fail then goodbye FRIENDSHIP that I keep on holding for my entire  life.



Nakapagdecide na ako. Sa JS Prom magtatapat na ko sa bestfriend ko...

Fallin (One Shot story Completed)Where stories live. Discover now