Ikaanim na Hiwaga

745 24 34
                                    

*i-play ang video bago basahin. Salamat!

Sa loob ng sirkulo ng asin nakaupo si Menchie, kaharap ang itim na salamin, at nagiisip. Apat na kandila and nakasindi at nakatirik sa apat na direksyon. Isang puti, isang itim, isang asul at isang berde. Hindi na niya mabilang ang mga araw na nadoon siya, at mapupuno na niya ang itim na notebook.

Pumikit siya ng mahigpit. Pilit na inaalala ang lahat ng kanyang ginawa. Saan siya nagkakamali? Pilit niyang iniisip kung bakit siya walang mukha sa salamin.

Hinayaan niyang lumipad ang kanyang isip. Ano ba ang dapat niyang gawin? Hindi niya akalain na dahil lamang sa kanyang kuryosidad, siya ay napahamak. Sumagi sa kanyang isip na maaaring matagal na siyang nawawala. Na kung gaano siya katagal sa panahong ito ay ganoon na rin siya katagal na nawawala sa kanyang panahon. O baka naman hindi? Baka naman maaari siyang bumalik sa parehong oras noong siya ay napunta sa panahong ito. Baka rin naman nananaginip lang siya, at magigising sa kanyang kama upang pumasok sa eskwela.

Sa kailaliman ng kanyang pagiisip, napuna ni Menchie ang isang maliit na bagay: hindi niya kamukha ang babaeng naaninag ng walang mukha sa salamin.

Napadilat siyang bigla at napaisip, ano ang ibig sabihin nito? Sino ang babae sa salamin?

Kinuha muli ni Menchie ang salaming itim at inulit ang ritwal. At walang duda, muling lumabas ang babaeng walang mukha.

Tinignan niyang maigi ang itsura ng babae sa salamin: walang kahit anong birthmark na makatutukoy kung sino siya. Ngunit napuna niya ang isang mas matinding bagay: unti unting nalulusaw at naglalaho ang mga braso at paa ng babae sa salamin.

Hinawakan at hinaplos ni Menchie ang salamin, at sumabay sa kanyang kilos ang babae sa loob nito. Ano ang nangyayari sayo? Sino ka? Tanong niya, na para bang umaasa siya na sagutin nito.

Walang kulay, walang kahit na anong marka. Tanging buhok at hugis ng ng katawan na lamang ang tanging makikita sa babae sa salamin, ngunit may pamilyar sa buhok nito. Nilapit niya ang mukha ng dahan dahan sa salamin ng magulat siya sa biglaang pagbukas ng pinto. Napangiti siya ng makita ang binata sa pinto. "Ikaw", sambit niya. Ngumiti pabalik ang binata sa kanya at sinalubong ito. Nakalimutan na ni Menchie ang ginagawang ritwal sa harap ng salamin.

Nang tumalikod si Menchie upang salubungin ang binata, hindi nito napansin na unti unting naglalaho na parang usok ang babae sa salamin.

Hiwaga #PHTimesAwards2019 #YourChoice2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon