Chapter 00

2.3K 45 2
                                    



Hindi ako mayaman, nag-iisa ako sa buhay dahil iniwan ako ng mga magulang ko sa lola ko. Ilang taon rin ang lumipas namatay ang pinakamamahal kong lola na nag alaga at nag aruga sakin. Maaga akong namulat sa karahasan ng mundo at nagpursiging buhayin ang sarili ko. Nag pa-part time ako sa isang magazine store habang nag-aaral. Hindi nga ako mayaman pero marami akong kaibigan at karamay. Matalino din ako at miyembro ako-hindi, presidente ako ng student council. I was normal.

May nagustuhan akong lalaki apat na taon na ang nakalilipas. Magkasama parin kami sa isang paaralan.Hindi kami childhood friends pero close na close kami na parang magkapatid. Kahit isang beses hindi ko nagawang sabihin ang nararamdaman ko sa kanya, takot ako eh, takot akong iwanan niya ako gaya ng mga magulang ko. Isang araw habang nagtatrabaho ako, napag utusan akong I display ang life sized celebrity stand sa labas. Halos di maipaliwanag ang sunod na nangyari. Ang pagkamatay ko.

''We decided to give you a special rule.''

''Anong rule?''

''Bigbigyan ka namin ng isandaang araw para bumalik sa human world.''


Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Iyon ang mga katagang gustong-gusto ko marinig. To live again.


''Pero may dapat kang gawin.'' He added. ''Of course we are not sending you back for free. Kailangan may bayad.'' He grinned.


Totoo nga. Mahilig ang devils sa paglalaro ng mga damdamin ng mga tao.

''Let's make her do something embarassing.'' Ngumisi si Kaf.

''Oh, gusto ko yan.'' Zet nodded in agreement.

''Wala akong pakialam...'' binuksan ni Davion ang librong hawak niya at nagsimulang magbasa.


These rascals!


''Hmm, let's see...'' lumapit si Azreigh at dumampi ang kamay niya sa buhok ko. ''As for you, as much as I'd want to see humans struggle pero ibibigay ko sayo ang pinakamadaling task.''


''E-excuse me...masyadong malapit...'' Tinulak ko siya ng mahina.

''Ah, sorry sorry.'' He moved away. ''Your task is...kailangan mong paibigin ang taong mahal mo sa iyo. If you managed to do that, babalik sa normal ang buhay mo.''


Nabigay niya ang task pero sa iniisip ko, malabo na mangyari ang hinahangad ko. I had lost hope. Ibinaba ko ang mga kamay ko. ''Hindi ko magagawa iyan...''


Nagulat silang lahat sa sagot ko.

''Hoy babae, binibigyan ka namin ang once in a lifetime chance para mabuhay ulit at sasayangin mo lang?!'' Sumigaw si Kaf sa iritasyon at hinila ang kwelyo ko.


''Claude isn't a toy. He's my bestfriend. Wala akong intensyong gamitin siya para sa sariling kong interes.''

''Nakalimutan kong sabihin sayo. Once you begin, ibabalik ka namin sa mundo mo ngunit walang ni isa sa kanila ang makakaalala sa'yo. Not even your precious Claude.''


What did he just say?

''Make him fall in love with you starting from scratch is what I mean.'' Azreigh winked.

''Kung ganon, mas lalong imposible ang pinapagawa mo. Hindi ko nga alam kung kakausapin niya pa ako pag bumalik ako. He won't remember me anyway.''


''Tch!'' binitawan ako ni Kaf at tumalikod.

''Pasensya ka na kay Kaf.''


If I think on the bright side, I have nothing to lose. I can use those hundred days to live my life to the fullest without any regrets. I'll correct everything I've done wrong, I get to see my friends, I get to see Claude. And if it really goes well, I can live again...

Huminga ako ng malalim at tumayo ako mula sa sofa.

''Naiintindihan ko. I will take your offer.''

''That's a good girl.'' Azreigh snapped his fingers.


May isang papel na may nakasulat ang nag pop up at lumutang sa harap ko. Kinuha ni Azreigh ang kamay ko at inilapit niya sa mga labi niya.


''Ah-''

Napa-urong ako ng isang segundo. Kinagat niya ang kamay ko at pinatulo sa papel ang dugong lumalabas mula rito. Nang tumulo ito sa papel, nagkaroon ito ng kakaibang sign.


It has my name on it...


Sabay sabay silang tumingin sa akin.

''You have officially entered a contract with the devils.''


100-Day Contract With The Devils (Original Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon