Chapter 06

1.3K 34 2
                                    

Davion's POV

Nagulat si ako ng nakita kong maraming pasa Annaise. Sinara ko ang libro at nilapitan ko siya.

"Sumama ka sakin..."

Sinamahan niya ako sa non-crowded na lugar sa likod ng campus at pinaupo sa bench. "Anong gagawin natin dito?..." tanong niya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya lalo na ang mga mata ko. These eyes carry a great power. Kaya kong mag hypnotize at mapapasunod ko sakin ang sinuman both devils and humans. "Tumingin ka sa mga mata ko..."

Napansin kong namula ang mga pisngi niya. Baka nilalagnat?...

"Sinong may gawa nito sayo?..." ginamitan ko siya ng kapangyarihan ko. "Look into my eyes...and tell me what you see." napalunok siya.

"I think your eyes are pretty."

Nagulat ako. Siguradong ginamitan kita ng hypnotism pero di tumalab...?

"Huh...?"

"Ang sabi ko, maganda ang mga mata mo."

Di gumana sa kanya...anong meron sa babaeng ito?

Ito nalang ang magagawa ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Stay still."

I moved my hands slowly and scanned her from head to toe. Mapapagaling ko ang mga sugat mo. It's one of my abilities. Ikinagulat niya ito at napaurong ng kaunti.

"Waaa! nawala ang mga sugat ko!" natataranta niyang pagsigaw kasabay ng pag galaw niya sa paa at kamay niya.

"S-salamat Vion..." she smiled wryly.

Hindi ko inaasahang magpapasalamat siya kaya umiwas ako sa tingin niya.

"Gagamitan din sana kita noong nadulas ka pero...I wanted to see you struggle like a human being again..."

Ano ba tong sinasabi ko?...I hate humans...why would I-

"Basta, salamat." she cutted in. I looked at her intently. Her eyes...nararamdaman kong pwede ko siyang pagkatiwalaan...I guess I'll...

"Aalis na ko."

''G-ganun ba? okay sige...salamat ulit ha?''

I looked at my palm. It isn't like me to help a human pero bakit? gusto kong mabuhay kang muli pagkatapos nitong kasunduan mo samin. With that thought, tumalikod ako at umalis.

Annaise's POV

Dahil di ako makabalik sa classroom, tinawagan ko nalang si Yeli.

"Nandito ako sa baba."

"Papunta na, hintayin mo ko."

Then the call ended. After a few minutes dumating na si Yeli.

"Wha-bakit nawala mga sugat mo?!" she freaked out. Natural lang naman ang reaksyon ni Yeli. Sino ba ang hindi magtataka na mawawala ang mga sugat mo matapos ang ilang minuto?

Mukhang kailangan ko na talagang sabihin sa kanya ang totoo. Alam kong hindi dapat pero it will clear up things at mas madali kapag isa sa mga pinagkakatiwalaan ko ang tutulong sa akin o makikinig man lang.

"Yeli...may sasabihin ako sayo."

Pinaupo ko muna siya tsaka pinaliwanag ang lahat lahat mula nang mamatay ako, nang napunta ako sa abyss at nang nakipagkontrata ako sa mga demonyo.

"Devil?! patay?!" sigaw niya. Marahil hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko sa kanya. "Shhhh, wag kang sumigaw!" Nilapat ko ang pointer finger ko sa lips ko senyas na dapat siyang tumahimik.

"N-naguguluhan ako...magkakilala na tayo dati? p-pero paano?" I looked down.

"Namatay ako at pumirma sa contract nila, 100 days akong mabubuhay ulit at ang mission ko at ang...paibigin sakin si Claude..."

Her eyes winded and tilted her head in confusion.

"P-pero...sila ni Riya."

"Alam ko...pero mukhang malabo na matatapos ko to. I want to at least do the things I want bago ako mawala ulit."

"All this time...I knew something was missing, ikaw yun mahal kong best friend."

She hugged me and squeezed me so tight na halos di ako makahinga. I wanted to hug her just the same.

"Si Kaf at Vion ang naatasang magbantay sakin, ang sabi ng babae kanina layuan ko daw si Kaf." I explained.

"Anong karapatan nila para utusan ka? kahit ganun si Kaf, kaibigan parin natin siya kahit suplado siya." giit ni Yeli.

"Oo nga pero..."

"It's true that Kaf's popular with the ladies, pero unforgivable ang ginawa nila. Tara!"

Hinatak ako ni Yeli at dinala sa classroom. Pag bukas niya ng pintuan bigla siyang sumigaw. "Hoy mga pugitang nanakit sa best friend ko! let's settle this once and for all!"

Nako po!

"Kayo!" tinuro ni Yeli ang mga babae.

"At bakit?" tanong ng leader habang nakataas ng kilay at nakatupi ang mga braso. Nagsichismis ang mga nasa paligid habang nakatingin samin.

"Anong nangyari?" lumapit si Riya at Claude.

"Ang mga babaeng yan ang may gawa nito kay Annaise," galit na pahayag ni Yeli.

Bago kami pumasok kanina, nilagyan ni Yeli ng band aids ang mga binti ko para hindi halatang naghilom na ang mga sugat. Otherwise, it will cause confusion.

"Despicable!" tinignan sila ni Riya ng masama at hinawakan ako sa braso.

"Do you have any proof?" sabi ng babae.

"W-wala pero alam kong kayo ang huling nakipag-usap kay Yeli bago ako pumasok!" Giit ni Yeli. "Kahit na. Wala kayong proweba. Stop accusing us." she smirked and felt victorious. I know hindi na namin dapat ipursigi pa dahil walang ibang nakakita sa nangyari at wala kaming proweba. Hinawakan ko si yeli sa balikat.

"Tama na Yeli." lumingon siya sakin. "P-pero..."

"I've got proof," Biglang dumating si Kaf with a mischievous smile. Nagulat ang mga babae sa sinabi niya. Humakbang si Kaf sa harap nila at pinakita ang hawak na video cam kung saan ginugulpi nila ako.

"P-papano...?" nanlamig ang leader nila. Pano niya nakuha yun? Sinunggaban sila ni Kaf at tinitigan ng masama.

"You are to apologize to this girl whose uniform you have ruined, to her ears you have defiled nang tinawag niyo siyang malandi." Kaf said it with such a raging expression. Kaf...

Claude stepped in.

"As student council vice president, kailangan niyong sumama sakin sa office for further explanations para sa ipapataw na parusa sa ginawa niyo." sabi ni Claude, mukhang galit na galit din siya.

"Di ako hihingi ng tawad." sabi ng leader.

"K-Kaf, ayos na ko, hayaan mo na." His eyes narrowed. "Hindi," He pulled me and brought me forward.

"Magsorry ka sa babaeng to," tiningnan ng babae si Kaf ng masakit at tumingin ulit sakin. "...Sorry,"

Nabigla ang mga kasama niya. Hindi nag tagal, inako nila ang ginawa nila sa akin at sobrang hiya at galit sa iba pa naming kaklase ang natamo nila. Sumama na sila kay Claude sa principal's office at pagkatapos, sa guidance.

"Hay, buti natapos din. Pero paano mo nakunan yun?" tanong ni Yeli kay Kaf. Oo nga no? kanina wala si Kaf doon kaya imposibleng nakunan niya ang lahat ng nangyari. I wonder how he did that?

"Tara sa labas." he tapped my head.

100-Day Contract With The Devils (Original Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon