Chapter 01

2K 53 1
                                    

Chapter 1:  😈 The devils are in the same class!

Annaise

Matapos ang sinabi ni Azreigh, bigla akong napadpad sa classroom.

What the?!

"Siya ang bago nating transfer student." Wika ng  katabi kong guro.

B-bakit ako nandito?

Tumitingin silang lahat sakin at tinignan ko din sila at napansin kong nasa likod sina Kaf at Davion.

Hala, bakit nakauniform sila? At bakit sila nandito?

"Miss?"
"A-ah opo, starting today dito na po ako mag-aaral.
Ako nga pala si Annaise Alexandravich, ikinagagalak ko kayong makilala."

Bakit dito agad ako napadpad? Wala man lang silang sinabi. I'm confused.

I smiled awkwardly matapos kong mag bow. Biglang naghiyawan ang lahat.

"Ayos! Magandang babae!"
"Model ba siya?"
"Ang cute niya" panay puri lahat.
"Doon ka umupo sa tabing desk ni Claude." Sabay turo ng guro.

Siya?!

Tiningnan ko siya at biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Si Claude-
ang pinakamamahal ko.
Dumaan ako sa gitna papunta sa desk na katabi ni Claude.
"Nice to meet you, Miss nagkita na ba tayo?"
Iniabot niya ang kamay niya and nag hand shake kami.
"H-hindi pa hehehe...’’

Claude...di niya na nga ako naaalala.

May lumapit sa akin. A  familiar  face. It was my bestfriend, Yeli.
Nakita ko old desk namin na sinulatan ng mga nicknames namin noong buhay pa ako.

"Nagkita na ba tayo? Ako nga pala si Yelissei."

Pareho sila ng itinanong ni Claude.

"Hindi pa." ngumiti ako.
"Ahh ganun ba? you look so familiar kasi. Gusto mo bang ipasyal kita sa school mamaya?"
Tanong niya.
"Oo naman, salamat Yelissei."

Gusto kitang yakapin Yeli...

Lumingon ako at nakitang natutulog si Kaf na nakatakip ang libro sa mukha niya, si Davion naman nasa kabila malapit sa bintana, nagbabasa. Bakit kaya ang laki ng eyebags ni Davion?

Natapos ang 2nd period at lumabas ako sa classroom nang may tumakip sa bibig ko at dinala ako sa likod ng comfort room sa ilalim ng staircase.

"Ano ba Kaf?!"

"Wag mo kalimutan ang mission mo." Napayuko ako.
"S-siyempre naman!"
Napatingin ako kay Davion.

Bakit laging nagbabasa ng libro to? Parang walang pakialam sa mundo.

100-Day Contract With The Devils (Original Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon