Chapter 03

1.7K 40 1
                                    


                                                     Chapter 3: Why Davion Hates Humans

                                                                                   Annaise


"I...hate humans."

Binitawan ko siya at pinabayaang umalis.

Ang sakit niya namang magsalita 

"Ayaw niya sa mga tao...bakit?"

Paulit ulit kong tinanong ang sarili ko.
Bumaba ako at hinanap si Davion pero sa kasamaang palad, si Kaf ang nakasalubong ko.

Here comes the devil.

 "Oh, saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Si Davion, nakita mo?" I replied.

"Di ko naabutan, hayaan mo na." He walked past me.

"Tekaaaa!" I grabbed him. "Hoy ano ba babae!" Napasigaw siya, pinatingin ko siya sakin and I looked at him with serious eyes.
"Tell me about Davion, bakit ayaw niya sa mga tao." I need to know.

"Tch, fine." Pumunta kami sa sala at nag-usap. "Si Vion ay isang half-devil." Half...?
Tinuloy niya ang pagkukuwento. "Ang mama niya ay tao at ang tatay niya at devil, kaya magkaiba ang kulay ng mga mata niya.

Kaming mga devil ay may mapupulang mata ngunit si Vion, isa lang ang mata niyang pula. Ang isang eye color niya, nakuha niya sa nanay niya."

"Tapos?" Lumapit pa ko ng konti.  

Matapos ang usapan namin, bumalik ako sa kwarto ko at napaisip ng malalim. I guess the devils have their own problems to deal with too. 


Naalala ko ang kwentong sinabi sakin ni Kaf sa infirmary. "Namatay ang ina niya...?"

Malungkot kong tanong kasabay nito ang pagyuko niya.
"Hmm...pero dahil high-rank ang ama niya sa underworld, di masyadong mabigat ang parusa pero masakit parin." I balled my hands. "Anong parusa...?" tumingin siya sakin ng diretso.


"Madalas namamatay dahil sinusunog ng lord of underworld ang mga kasintahang tao ng mga devils. Pero ang nanay ni Vion, naiwan ng ama niya bago pa ito nanganak dahil binilanggo siya ng lord of underworld. Her body was frail to begin with."
Paliwanag niya pero alam kong nasasaktan rin itong si Kaf, kitang kita ang mata niyang puno ng kalungkutan.


Ang saklap pala ng pinagdaanan ni Davion.


Tumayo si Kaf. "Teka, di mo pa nasasabi kung bakit ayaw niya sa mga tao." Nagpatuloy siya sa paglalakad. "Mabuti si Vion, hintayin mong maging komportable siya sa pakikipag-usap sayo.''

Nang gabing yun, di ako makatulog. Di rin umuwi sina Davion, Zet at Az. Madami akong inisip. Hinawakan ko ang hour glass necklace na binigay sakin ni Az ng tinanggap ko ang inalok nilang contract. Ang hour glass na to ang palatandaan ng natitira kong oras. I sighed.

"Papano ko mapapainlove si Claude ngagong may girlfriend na pala siya."

Kinaumagahan, wala paring tao. Kumain ako ng mag-isa at pumasok sa school.
"Annnnnnnaiiise!" tumakbo papalapit si Yeli sakin. "Yelissei, good morning." Bati ko.
"Okay ka na ba?"

"Oo salamat sa pag-alala."

Umupo kami sa mga silya namin at nagkwentuhan.
Ang saya, parang ganun padin si Yeli.

"Hey hey, may crush ka ba dito?"

100-Day Contract With The Devils (Original Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon