Laptrip

23 0 0
                                    

Nakahiga ang tatlo sa bubong habang nagyoyosi si Markito at si Ramir ay nakahiga at pinagmamasdan ang kawalan habang hawak ang bote ng bir.

Malamig ang bubong na dumidikit sa balat.

Maginaw ang simoy ng hangin senyales na papalapit na ang pasko.

Tahimik at taimtim ang mga kapitbahay.

Tanaw sa baba ang pagchichismisan ni aling Apple at manang Bonsai sa upuan ng tindahan ni manong Rogelio.

"Tol, pano kaya naimbento yung pakyu, noh?" Tanong ni Ramir habang nakatitig parin sa kawalan at halata pa ang amats at pagkatuyot ng utak dahil sa tinira kanina.

"Tanginang tanong yan Ramir." Sabi ni Markito habang ibinubuga ang usok ng yosi na galing sa baga. "Sabog ka lang, gago." Dagdag pa niya.

"Tado. Pero palatanong talaga 'ko dati pa nung bata ako." Sumbat ni Ramir

"Sus." Panlilibak ni Markito.

"Oo nga, gago. Tignan mo yung mga sayantis andaming natututunan kasi palatanong sila. Tignan mo si amsatym."

"Sino yun?!" Tanong ni Jun habang nakakunot ang noo.

"Tanga ka talaga! Yung umimbento ng kompyuter, bobo! Yung mukang nakuryente yung buhok. Section ko yun nung grade six, tol." Sabi ni Ramir na may halong yabang at pagtawa.

"Tanga si Bitoven yun!" Apela ni Markito

"Tangina mo baka Einstein. Hindi siya yung nakaimbento ng computer, bobo. Ikaw naman Markito, baka Beethoven yung sinasabi mo. Hindi scientist si Beethoven, kumpositor yun ng mga symphony." Nanahimik ang dalawa sa pakikinig.

"At naimbento, Ramir, ang pakyu dahil sa mga sundalong Ingles na hinuli ng mga Pransiskano at pinutol ang mga gitnang daliri bilang pagpigil ng paggamit ng pana. Pero yung mga nakatakas na sundalong Ingles, kapag nakikita nila yung mga Pransiskano, tinataas nila yung daliri nila tsaka iwawagayway sabay sabi ng "pluck yew!" Pero naging "fuck you" rin kinalaunan." Paliwanag ni Jun.

"Tangina mo, ingat tayo dito Markito, puta andito pala si kuya Kim! Puta, pa-otograp naman idol!" Pang-aasar ni Ramir kay Jun.

"Bobo ka lang kasi." Kampi ni Markito kay Jun habang nagsisindi ng panibagong yosi.

"Lul!" Sumbat ni Ramir.

"Pakyu!" Balik ni Markito habang nakataas ang gitnang daliri.

Umalingawngaw sa tahimik na kalsada ang laptrip ng dalawang sabog sa droga.

Nakakunot lang ang noo at umiling si Jun habang tumatanaw sa baba ng bubong...

NaspiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon