Karipas

25 0 0
                                    

Umaalingawngaw parin ang tinig ng hiyaw ng baboy na babae sa aking mga tenga kahit malayo na ako rito.

MAGNANAKAW!!! TULUNGAN NIYO AKOOO!!!

Kumaripas parin ako ng takbo kahit na kaunti nalang ang humahabol sa akin.

Tinanggal ko ang aking mga tsinelas at isinuot ito sa aking parehong kamay.

Basa at malamig ang aspalto sa ilalim ng aking talampakan dahil sa ulan.

Nilundag ko ang mga malalaki at nagkalat na bilao ng mga binebentang prutas at gulay at ang mga timba ng binebentang isda sa tabi ng daan.

May mga kalalakihang nagtangkang manghabol ngunit napag-iwanan rin sa takbuhan.

Nagkahulan ang mga asong nakatali sa mga bahay.

Lumiko ako sa masikip at masukal na eskinita.

Lumingon ako.

Wala na at sumuko na ang mga tumutugis.

Bumuwelo at nilundag ang mataas na pader.

Bumagsak sa paa at tuhod sa sobrang hapo.

Dalawang kamay sa hita habang nakayuko sa aspalto at tumatagaktak sa pawis.

Sinigurado ko na nandoon pa ang kalansing ng kwintas sa aking bulsa.

Nilabas ko ang 18k na white gold.

Pinulupot ko ito sa saradong kamao.

Napangisi ako sa tuwa...

NaspiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon