Kamay ng kapatiran

33 0 0
                                    

Dumilim ang paligid. Bilog ang buwan. Tinapik ni Jun si Markito para hiramin ang lighter para sindihan ang gasera sa gitna ng bilog na mesa.

Magkakasama ang tatlo upang kainin ang ipapakain na kaluwalhatiang butil ng langit galing sa biyaya ni Darna.

Nakalagay ang mga kristal na bato sa maliit na pakete.

Iniabot ni Markito ang lighter. Sinindihan ni Jun ang gasera.

Lumiwanag ng kaunti ang paligid.

Tahimik ang tatlo upang hindi magising si lolo Domeng sa kalapit na kuwarto.

Nauna nang suminghot si Ramir sa biyaya.

Sumunod si Jun. Sabay si Markito.

Umubo si Jun upang maginhawaan ang lalamunan at kinausap ang dalawa.

"Mga 'pre, nabalitaan niyo na ba yung kay lolo Domeng?" Tanong ni Jun na parang wala nang lakas.

"Oo, tol. Maski kami neto ni Markito namomoroblema kung san kukuha ng panggamot eh." Sabi ni Ramir.

"Tangina, ang mahal pala 'pre ng dialysis..." Sambit ni Jun habang kinakamot ang likod ng ulo habang nakayuko sa mesa.

"Magkano tol?" Usisa ni Markito habang sumisinghot ng biyaya.

" Pang milyonaryo." Sagot ni Jun. Sumunod na suminghot.

"Limang libo bawat session. Apat na beses sa isang linggo. Dapat tuluy-tuloy yun sa isang taon. Imposible na yun, 'pre." Dagdag ni Jun.

"Transplant na lang daw sabi ni Dr. Gonzales kelangan lang ng donor na magbibigay ng kidney.." Sabi ni Ramir.

"Bakit, sa tingin mo libre lang yun?" Sagot ni Jun.

Napansin ni Jun na nakatayo malapit sakanila si lolo Domeng. Malalim ang mata at maputla ang muka.

"O, lo!" Gulat na sabi ni Jun habang tinatago ni Markito at Ramir ang biyaya.

"Tumambay ho muna kami dito. Galing po kasi kaming puntod ni aling Siming." Pagsisinungaling ni Ramir.

"Tulog ka pa, 'lo. Sensya na sa ingay namin." Paumanhin ni Markito.

Walang reaksyon sa muka ni lolo Domeng.

"Lo?" Tumayo si Jun at hinaplos at pinakiramdaman ang noo ng matanda. Nag-aapoy sa init.

"Pre, tubig nga." Natatarantang sabi ni Jun sa dalawa.

Iniabot ni Markito ang plastik na baso.

Bago pa makainom si lolo Domeng ay sumuka ito sa sahig habang hawak ang tyan.

"Ay shit!" Sabi ni Jun na nataranta pa lalo.

"Isang linggo nang ganto si lolo pre." Paliwanag ni Jun na halatang kabado at humihingi ng tulong ang mga mata.

Nataranta na rin ang dalawa at halatang hindi alam ang gagawin.

"Tara 'tol, takbo na natin sa ospital. Tatawag na ko ng 'sikel!" Sabi ni Ramir.

NaspiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon