Usok na pangarap

30 0 0
                                    

May mabuhok na nilalang na nakatayo sa pinto ng kuwarto ko.

Buong katawan niya ay natatakpan ng balahibong itim.

Malaki siyang nilalang.

Umiilaw ang mata niya na parang bituin sa gabing mabilim.

Lumapit siya sa kinahihigaan ko.

Bawat apak ay tunog sapatos ng kabayo.

Nilapit niya ang muka niya sa akin.

Naging pula ang kaniyang mga mata at inamoy ang aking muka.

Naaamoy niya ang takot ko.

Alam ko.

Tumawa ang maligno.

Parang kulog ang boses nya.

Nilabas niya ang dalawang pangil na sobrang talim.

Akmang kakagatin ang aking leeg.

Lumindol ang paligid, bumuka ang lupa, kumidlat at kumulog.

Pilit kong isinisigaw ang pangalan ni lolo ngunit walang boses na lumalabas sa aking lalamunan.

"LOLO TULOONG!!!" Naisigaw ko na rin.

Ngunit sa isip ko lang naririnig.

Tagaktak ang pawis ko na parang tumakbo na parang nagnakaw ng kwintas sa baboy na babae.

Lumundag sa kisame ang maligno. Kumapit.

Lumundag sa pader. Kumapit.

Lumundag sa kama ko.

Iniangat niya ang kamay niya.

Hawak niya ang pugot na ulo ni lolo Domeng.

"APOOOO!!!" Sigaw ng ulo.

Nasuka ako sa kama.

Pinilit kong igalaw ang aking kamay at hinila ang baril sa drawer.

Nagkaroon na ako ng boses sa wakas.

"TANG INA MO! TANG INA MO! TAAANNG IIINAAA MOOOOOO!!!!!!"

Nakalimang putok ako sa maligno.

Bumagsak ang maligno sa sahig.

Bumalik ako sa ulirat at sa katotohanan.

Nakita ko si lolo Domeng sa sahig.

Butas ang bungo at butas butas ang katawan.

May lawa ng dugo sa kama at sa sahig.

May mga usiyoso sa pinto ng kuwarto.

Mga kapitbahay.

May nakisiksik at pumasok sa kuwarto.

Si Markito at Ramir.

Hindi makapaniwala sa pangyayari.

Binitawan ko ang baril.

Niyakap sa sahig si lolo.

"Lo?! Lo?! Gising lo!" Tapik ko sa pisngi ni lolo habang naliligo ako sa malamig na dugo ng lolo ko.

Niyakap ako ng dalawa kong kaibigan

"LOOLOO DOMEENG!!!!!" Sigaw at hinagpis ko sa amoy ng kamatayan sa kuwarto at ang ginaw ng konsensiya sa aking buto.

Hinigpitan ko ang yakap kay lolo.

Ayoko siyang iwan.

Gagawin ko ang lahat para mabuhay siya.

Unti-unting lumipad at inagos ng hangin ang mga mala-usok na pangarap.

Natangay ng hangin.

Nanlabo.

Nawala...

Naspi.

NaspiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon