Desperadong luha

15 0 0
                                    

Nakatalikod na nakaupo si Jun sa upuan ng lamesa. Nakatitig sa malayo habang nakangalungbaba. Pumasok si Markito at humakbang sa kahoy na harang sa anak ni Jun para hindi makalabas.

"O, Jun. Si Ramir?" Tanong ni Markito.

"Nandun. Binabantayan si lolo sa ospital." Sagot ni Jun.

Tinabihan ni Markito ang kaibigan at tumingin din sa malayo.

"Musta si lolo Domeng?" Tanong ulit ni markito.

"Ayun. Kaylangan ng 'raw ng kidney donor sa lalong madaling panahon sabi ni Dr. Gonzales..." Buntong hininga ni Jun habang hinahawi ang buhok sa noo. Halata ang pagpigil ni Jun sa luha.

"Pano yan 'tol? Nakahanap na ba ng donor?" Tanong ni Markito.

"Napagdesisyunan ko na 'tol... Ako nalang ang magbibigay ng bato kay lolo." Sabi ni Jun habang nakatingin sa sahig.

"Sigurado ka tol? Pano yung gastusin?" Tanong ni Markito.

Inilabas ni Jun ang kuwintas na nanakaw noong isang gabi sa palengke.

Inakbayan ni Markito ang kaibigan.

Hindi na napigilan ni Jun ang luhang tumutulo sa mga mata.

Pinunasan nya ang mga luha niya sa tshirt.

"Sensya na tol ah." Singhot ni Jun.

"Mahal na mahal ko lang talaga si lolo. Siya nalang ang meron ako..." Iyak pa ni Jun.

"Gagawin ko lahat mabuhay lang si lolo, 'tol..."

NaspiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon