Mga bato sa bulsa

23 0 0
                                    

Hinakbangan ni Jun ang kahoy na harang sa pintuan papasok sa sala ng barong barong.

Napansin niya na nakabihis ang tatlo niyang anak at ang kaniyang asawa.

"O, san punta?" Tanong ni Jun sa asawa.

Hindi pinansin at walang imik si Marie sa asawa niya habang pinapakain ang tatlong nagngangawaan, gusgusin at uhuging mga bata.

"Tangina, di ka ba sasagot?!" Sumbat ni Jun kay Marie. Halatang pinipigilan ang init ng ulo.

"Aalis muna kami. Dun muna kami sa amin. Kela nanay." Kalmang sagot ni Marie habang pinupunasan ang sipon ng bunso. Hindi parin nakatingin kay Jun.

"Tangina, anglayu-layo ng Romblon, Marie!" Asiwang sagot ni Jun.

Humarap si Marie sa asawa habang karga ang anak na gumuguhit ng "11" ang sipon.

"Nilalagnat si Jojo. Ayaw kumain. Si Tintin isang linggo nang inuubo. Si Alex antaas rin ng lagnat. May pambayad ka?" Paliwanag ni Marie.

Napatalikod si Jun habang nagkakamot ng ulo.

Humarap ito at iniabot ang 400 sa ina.

Tinignan lang ni Marie si Jun at hindi tinanggap ang pera.

"Bakit?! Tangna, kulang ba 'yan?!" Dabog ni Jun. Pinipigilan parin ang galit.

"Yan na ba lahat ang kaya mo para sa lahat ng gastusin?" Tanong ni Marie.

"Ilegal ang tubig, jumper ang kuryente at nakaw lang ang cable natin... Gastusin?!" Sigaw ni Jun. "Nakakapag-aral ba yan mga anak mo?! Ikaw ba ang napapagod sa pagpapasada araw-araw?! Hindi naman ako humihingi ng bacon para sa ulam ah?!" Dagdag pa nya.

Natahimik si Marie habang nangingilid ang mga luha.

"Putragis na buhay to! Oh, eto na sayong lahat, tangna!" ibinagsak ni Jun ang 400 sa mesa at inihagis sa mesa ang mga natitirang barya sa bulsa. Tumalsik ang iba asin at toyo sa ulam at sa kinakain ng mga bata.

Nagngawaan ang mga anak sa takot.

Nakiusyoso sila aling Baby at ang iba pa.

Hindi na nakayanan ni Marie na magpigil.

"Jun, hanggang diyan ka na lang ba?! Hanggang diyan na lang ba talaga ang kaya mo?! Alam 'kong maabilidad ka at matalino ka! Pero bakit ganiyan ka?! Hanggang diyan na lang ba talaga ang pangarap mo?!" Sigaw ni Marie sa asawa habang bumibiyak ang boses kakaiyak.

"Puta, may pangarap ako, Marie! At lahat nang iyon ay nanglabo dahil sa pamilyang 'to!" Sabay sipa ni Jun sa batsang nakasandal sa upuan.

Nagsitahulan ang aso sa kapitbahay.

Nilapitan ni Marie ang asawa at niyakap.

Niyakap rin ito ni Jun.

"May kanser ang lolo mo Jun... May kanser si lolo Domeng." Bulong ni Marie sa kaliwang tenga ng asawa habang humihikbi.

"Wag kang matakot, Jun." Sabi ni Marie.

Naluha na rin si Jun sa nabalitaan.

Hinigpitan ang yakap kay Marie.

NaspiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon