Isabelle POVBumaba din ako ng taxi ng makitang bumaba ng sasakyan ang lalaking sinusundan ko.
Naglakad ito patungo sa eskinita sa pangatlong kanto. Familiar saken tong lugar. Minadali ko ang paglalakad ng makitang nakaliko na ito.
Di ako komportable sa suot ko ngayong jeans at loose na shirt. Feeling ko ang baduy ko. Pramis.
Paliko nako ng kanto nang biglang may humablot sa akin. Tinakpan nito ang bibig ko at hinigit ako. Di ko sya makita kase nakatalikod ang ayos ko sa kanya.
'Sinusundan mo ako? Nasaan ang bag na inabot ko sayo?'
Pilit akong nagpupumiglas pero malakas sya. Nakilala ko agad sya sa tanong pa lang nya. Pero ang tanga lang pano ko sya masasagot e tinakpan nya bibig ko.
'Bitawan mo muna ako!' Sigaw ko pero tanging tunog lang ang madidinig dahil sa kamay nitong nakatakip sa bibig ko.
Laking gulat ko nang itulak ako nito dahilan para masubsob ako sa lupa. Bwiset lang!
Nakita kong napatingin sa akin ang mga tao dun pero parang wala silang pakialam.
'Sumunod ka sa akin kung mahal mo pa ang buhay mo!' Utos nito na ibinulsa ang mga kamay at tumalikod na sa akin.
'Are you threatening me?' Sarkastiko kong tanong habang nagpapagpag ng mga lupang dumikit sa katawan ko.
Pero di nya ako pinansin. Tuloy-tuloy ito sa paglalakad. Sinundan ko nalang ito.
'May kinalaman ang bag sa pamamaril dun sa babae?' Tanong ko nang makalapit na ako dito.
'Someone is following us. Watch your words.' Mahina nitong sabi na saktong madidinig ko.
Napatahimik ako saka pasimpleng luminga linga sa paligid. Sabi ko na ba kaya familiar tong lugar na to saken. Taga dito si Abee.
Nang makarating kami sa dulo, highway ang bumungad sa akin. Isang itim na vios ang huminto sa harap namin at sumakay sya sa front seat. Sumenyas ito saken na sumakay sa likod na syang ginawa ko.
Pagkaupo ko palang ay humarurot na ang sasakyan. Nilinga ko ang katabi ko. Nakashades ito at black suit.
'You handed the bag to the wrong person, Manlegro!'
'Boss wala naman syang sinabi sa mga pulis.' Sagot ng lalaking sinusundan ko at sumulyap pa sa akin. 'Diba Miss?'
'Anong meron sa box?' Usisa ko.
Biglang naglabas ng baril ang katabi ko at kinasa.
'Boss kalma! Wala naman syang alam sa box.'
'Who told you to open the bag?'
Nakakatakot boses nya kesa sa mga ninuno namin sa Fantasia.
'Ano bang meron dun at papatay kayo ng tao para dun?'
Naramdaman ko ang dulo ng baril sa sentido ko.
'Boss walang silencer ang baril na gamit nyo. Mahirap na. Nakakalat ang pulis ngayon dito sa Edsa.'
Hinde natinag ang katabi ko sa sinabi ni Manlegro.
As if naman matatakot ako sa baril nya. Gusto ko tumawa e. Mas natatakot nga ako sa boses nya. Parang yun mga ninuno namin kapag may nagagawa kaming di maganda sa Fantasia.
Napahikab ako to show them a sign na wala lang sa akin ang mga kaganapan. Saka hinawakan ang dulo ng baril na nakatutok sa akin at ibinaba ito.
'Chill babe, hinde din naman ako tatablan nyan.' I said in a soft voice.
BINABASA MO ANG
The UNTOLD Fantasy Love Story
FantasyNaniniwala ka bang may ibang nilalang sa mundo? Minsan ba naisip mo na nakakasalubong mo na sila? Or isa sila sa kaibigan mo? Paano kung ibang nilalang pala yung nakatadhana sayo? Kelan mo malalaman na ang panaginip ay totoong pangyayare? O ang inaa...