Part 2

682 12 0
                                    

29 days before my birthday! Excited na ako sa debut ko pero walang celebrasyon na magaganap sa birthday ko dahil mahirap lang kami. Kaya naging scholar ako upang hindi ako pabigat sa aking Lola na kumikita lang sa kanyang sss pension. Oo lumaki ako na walang ina at ama. Hindi ko alam kong bakit iniwan nila ako simula pagluwal ko.

Tulala na naman ako uli ng naisip ko ang kagabing nangyari sa stockroom. Parang nandidiri yata ako sa sarili ko? Bakit ko hinalikan ang istatuwang yon?

"Hoy! Angel nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"

"Ha! Ahh, oo naman."

"Abir ano nga ulit ang sinabi ko?"

"Ahm..yong ano..ahh.. pakiulit nga yong sinabi mo beshy?"

Sinapak ako sa likod ni beshy. Ganon talaga kami kapag nag-asaran dalawa. Tinitingnan tuloy kami ng mga estudyante sa canteen. Akala nila baliw na tong kasama ko. Mananapak nalang bigla.

"Sobra ka namang makasapak, wagas ah!"

"Kaw kasi palagi ka nalang nakatulala. Ano bang iniisip mo ha? Yong birthday mo o yong istatuwang nakita mo sa stockroom na hinalikan mo pa! Ay naku nakakadiri ka besh!"

"Pwede both?"

"Hindi ka pa mauubusan ng lalaki besh, bakit pa sa istatuwang yon ka pa nagkagusto? Ang rami kayang single dyan at gwapo."

"Oo gwapo nga pero beki naman. Wala na yata akong makikitang gwapo at matinong lalaki sa panahon ngayon besh."

Napabuntong hininga ako. Muli kong kinagat ang kamote cue na hawak ko. Napatingin ako sa entrance ng canteen. May isang gwapong lalaking nakatayo at nakatingin sa direksyon ko. Lumingon pa ako sa aking likuran baka nag-aassume lang ako pero wala naman nakaupo sa likuran ko. Nilingon ko ulit ang binatang nakatayo sa gilid ng entrance na nakatingin parin sa akin habang nakasandal ito sa pader. Madalas naman ako sa canteen ngunit ngayon ko lang nakita ang pagmumukha nya.

"Besh, sssssttt."

Hindi ako pinansin ni Carla dahil busy ito sa paglalaro ng Mobile Legends kaya tinapik ko na sya.

"Besh, may gwapo sa entrance oh! Nakatingin sya sa akin besh!"

Hindi parin nya ako pinansin kaya niyuyuyog ko na sya para lingunin nya ako.

"Mamaya na yang MOL mo! Dali na sulyapan mo na ng konti."

Lumingon naman si Carla sa entrance. Napangiwi sya ng makita nya ang binatang nakatayo na may kausap na kapwa nya lalaki.

"Ano ka ba besh! Si Jeyrick Milyonaryo yan!"

Lumingon din ako ulit sa entrance. Katabi nya pala si mayabang na Jeyrick na yon. Kilala ko si Jeyrick na puno ng bilib sa sarili. A certified playboy ka mo! Gwapo nga sya pero hindi ko type ang ganon. Gusto ko na lalaki na mahinhin, maginoo, maalalahanin, mapagmahal at higit sa lahat stick to one.

"Hindi yon! Kilala ko sya eh. Yong katabi nya oh! Yong nasa likuran ni Jeyrick na nakatayo din."

Niyuyogyog ko parin si Carla kaya lumingon sya ulit sa entrance.

"Wala naman akong nakikitang gwapo dyan besh. At wala naman ni isang nakatingin sayo. Ambisyosa ka naman. Walang titingin sayo na gwapo at kong meron man ay duling yon o malabo ang mata.", wika nya seryoso paring nakatutok sa MOL nya.

"Awts naman! Ang sakit mo naman magsalita! Nagkaroon ka lang ng first ever boyfriend ganyan ka na kayabang!"

Tinulak ko sya kaya nabitawan nya ang cellphone. Nahulog ito at nakakahiwalay ang battery at ang cellphone. Ang sama ng tingin nya sa akin bago nya kinuha ito sa sahig. Nagpeace sign ako sa kanya.

"Hehe.. sorry.."

"Oh my gosh! Ang MOL ko!"

Napaiyak na nga si Carla. Ganon nya kamahal ang larong yon. Pinatahan ko na sya at inakay ko sya papalabas ng canteen. Sinulyapan ko ng tingin ang lalaki na nakatayo parin sa gilid ng entrance.

"I will wait for you after school."

Wika ng binatang lalaki bago kami tuluyang makalabas ng canteen. Ako ba ang sinabihan nya? Hindi naman sya lumingon sa akin. Ako nga kaya ang tinutukoy non? Wag ko nalang pansinin. Sabi nga ni beshy eh na hindi sya nakatingin sa akin.

~~~~

Vomment po kayo!! Salamat!!

"My Spirit Angel" (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon