Part 6

482 16 2
                                    

~~>> Dedicated to AshlynMae194..😍

~•Drake POV•~

Maaga akong pumasok sa aking kwarto upang kunin ang damit na gusto ko.

"Shit! San na ba yong black jacket ko!"

Hindi ko namalayan na may pumasok na pala sa kwarto ko kaya natigil ako sa aking ginagawa. Nagulat pa ang maid sa nakita na nakakalat ang mga damit ko sa sahig, sa kama, sa ibabaw ng lampshades, sa sofa at sa kong saang sulok ng kwarto ko. Ganyan ako ka burara kapag nagbibihis ako ng damit. Mabilis na tumakbo palayo ang maid sa kwarto. Rinig nya siguro akong nagdadabog sa kwarto dahil sa kahahanap ng paboritong jacket ko.

"Maam!! Maam!! Sir! Sir!"

Sinundan ko ang maid patungo sa sala kong saan nandon nag-almusal ang mga magulang ko.

"Bakit ka ba sumisigaw, Leni?", tanong ng aking ina.

"Ang mukha moy para kang nakakita ng multo.", wika naman ng aking ama habang hinihigop ang mainit na kape.

Nagtago ako sa gilid ng pintuan habang nakikinig sa usapan nila. Nanginginig at garalgal pa ang boses ng maid.

"K-kasi p-o ma'am sir, rinig ko pong may nagdadabog sa k-kwarto ni sir kaya b-inuksan k-o p-po ang k-kwarto nya."

"Diba nilock na natin yon, h0n?", tanong ng aking ama sa aking ina.

"Oo, pinadouble lock ko nga iyon.", sabi naman ng ina ko.

"Oo nga p-o ni lock n-nyo n-ga po iyon kaso ilang a-araw ko po k-kasing n-naririnig a-ng pagdada-bog sa k-kwarto kaya kahit takot po a-koy b-binuksan ko p-parin ang k-kwarto ni sir."

Kumunot na ang kilay ng aking inang nakatingin kay Leni na matagal ng naninilbihan sa amin.

"Wag kang uutal-utal dyan hindi ka namin naiintindihan ng asawa ko. Ano ba kasi yon?"

Huminga pa ng malalim si Leni. Naggiling-giling pa sa harapan nila para malawa ang bad vibes sa katawan nya. Ginagalaw pa ang kanyang dalawang kamay sa ere na parang baliw para mawala ang nerbyos nya at huminga ulit ng malalim bago sya humarap sa kanilang dalawa na nakataas na ang mga kilay sa kahihintay ng mga magulang kong matapos sya sa ritwal nya. Ganito sya palagi kapag gusto nyang tanggalin ang panginginig sa katawan nya.

"And then anong nangyari?", tanong ng aking ina na napipikon na sa ginagawa nya.

Lumagok muna sya sa natitirang laway nya sa lalamunan sa kasasayaw kanina.

"Ma'am, sir! Pagpasok ko po sa kwarto ay natigil po ang ingay sa kwarto at nakita ko pong..e..e..e..."

"Wag ka ngang pathrilling! Spill it out!", sigaw ng ina kong hindi na natiis ang pasyensya nya

"Ma'am ang mga damit ni sir ay napunta sa kong saang sulok ng kwarto nya. Ang gulo ng kwarto nya, maam sir."

Nagsabay pang nagsitayuan ang mga magulang ko.

"Ano?!", wika nila.

"Puntahan natin.", sabi ng aking ama.

Mabilis silang naglakad. Kinaladkad din si Leni na nagsimula na namang nanginginig ang katawan. Papalapit na sila sa akin. Nakatayo ako sa harapan nila. Nakangiti ako sa aking ama at ina ngunit nagulat nalang akong nilampasan lang nila ako.

"Mom, dad! Hindi nyo ba ako nakikita!! Nandito lang ako sa harapan nyo!!"

Nakita kong napahawak sa labi si mommy at nanlaki naman ang mga mata ni daddy habang nakatingin sa magulong kwarto ko.

"Ma'am mauna na ako sa inyo. Naninindig kasi ang balahibo ko kapag nandito ako."

Nagmamadaling umalis ang maid naming si Leni habang papasok sa aming kusina. Nilingon ko ulit ang mga magulang kong gulat parin sa nakita. Hanggang tumulo na na mga luha ng mommy ko.

Doon ko lang napagtanto na matagal na pala akong patay sa kanila, sampung taon na ang nakakalipas. Hindi nila alam na sinumpa ako sa isang estranghero at ang nakakakita lang sa akin ay ang four eyed glasses na pangit na yon.

Sa sampung taon kong paghihintay bakit pa ang pangit na yon pa ang nagligtas sa akin sa pagiging istatwa ko. Naalala ko pang may dalawang stages pa akong gagawin para makabalik ako sa aking anyo. Kailangan kong mapagtagumpayan ito lahat upang makabalik ako sa pagiging tao.

Ilang linggo na ang nakalipas habang minamasid ko ang pangit na naglalaro ng volleyball sa gym. Gusto ko na sana syang i.approach ngunit hindi ko masikmura ang kapangitan nya eh! Nasusuka ako kapag nilalapitan ko na sya. Sana yon nalang si Carla, na matalik nyang kaibigan ang humalik sa akin, payts na sana.

Ilang araw narin ang nakaraan ay unti-unting humihina ang katawan ko. Nagunita ko ang bilin ng sumumpa sa akin na kapag hindi ako nakadikit lage sa nagligtas sa akin ay maghihina ako. Kaya isang araw naglakas loob na akong lapitan sya kahit nandidiri ako sa kapangitan ng babaeng ito.

"2nd Stage, aalamin mo ang petsa ng birthday nya at halikan mo ang babaeng nagligtas sa'yo. Kaya mo ito Drake! Kapag natapos na ito lahat. Kakalimutan mong nagkakilala kayo sa pangit na yon! Adja!"

Nakipag-usap na ako sa kanya sa gym. Pilit kong ningitian sya.

"Hintayin kita mamaya ha!", wika ko.

Ngumiti pa sya sa akin. Ewww! Nakakadiri talaga. Feelingera! As if na may gusto ako sa kanya.

Naghihintay ako sa harap ng gate. Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na sya habang nakasuot ng headseat.

"Aba't nilampasan lang nya ako! Itong gwapo na ito ini-ignore lang nya!"

Shit! Talaga! Bakit sya pa eh!? Kunting tiis lang Drake kaya mo ito. Sundan mo sya. Sabi nitong super ego ko.

Sinusundan ko na lang sya habang naglalakad. Wala na kasi akong choice. Sya lang talaga ang tanging babae sa mundong ito na magpabalik sa akin sa pagiging tao.

"Pakanta-kanta pa tong babaeng ito. Hindi naman maganda ang boses.", bulong ko sa sarili.

Habang naglalakad sya, napansin ko tuloy ang likod nya. Ang hubog din pala ng katawan ng nerd nato. Malaki ang pwet na sakto lang sa kanyang sexy na katawan. Damn! Did I say sexy? Sa pangit na to! I admit that she's sexy!? No way for gaaadsake! Hinding-hindi ako mahuhulog sa sexing katawan nya.

Napansin na nya sigurong sinusundan ko sya kaya sa pagtalikod nya ay mabilis naman akong lumiko paharap kaya paglingon nya ako napatalon sya sa sigaw na.

"Ay baklang palaka! Ikaw na naman!"

Miss Angel Cruz. Ngayon napagdesisyonan ko ng bumalik sa pagiging tao.... Wala ka ng kawala sa akin.

~~~~°°°•••~~~~~~•••°°°~~~~

Pasyensya na poz for late update. Inuna ko po kasi ang BOok 3 Intense Trapped. Napaka-intense na kasi ng storyang ito kaya ko sya inuna. But no worries I will still continue updating this story if I have time and I have already a plot for this next story. Thanks for continue reading this. 😘😘😘

"My Spirit Angel" (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon