Part 5

563 8 2
                                    

"Gosh you did that to him! Boba ka bang talaga o nagpapakaboba ka lang. Wag mong gayahin si Ethel Booba dahil inborn na yon eh ikaw hindi!!"

Sermon ni Carla sa akin sa cellphone habang naghihintay sya sa boyfriend nya sa mall. Maaga syang umalis sa bahay dahil sobrang excited daw sya sa first date nila ng boyfriend nya. Akala mo dalawang oras syang umupo sa tapat ng mall. Sabi nya ay nasa harap talaga sya habang naghihintay na magbukas ang mall. Nauna pa nga sya sa mga trabahante doon. Ganon ka excited ang beshy ko! Diba bongga!

"Hindi ba talaga tama ang ginawa ko?"

Napakalaking buntong-hininga ang binuga nya sa taenga ko sa telepono.

"Nakuuuu!! Ang aga-agay maloloka ako sayo bes!!!"

Nakokonsyensya na tuloy ako. Hindi nga ba tama ang ginawa ko sa kanya? Natataranta na kasi ako sa sitwasyon na yon kaya ko nagawa ang bagay na yon.

"Masama ba talaga ang ginawa ko sa kanya bes?"

"Oo sobra! Dahil sa ginawa mo mas lalong hindi ka na tatantanan ng stalker mo! Baka mapatay ka pa non!"

"Ha...!!!!!???"

"Anong ha ha!!!? Mas mabuting tumawag ka na sa Imbestigador dahil hindi ka nya tatantanan!"

"Di na siguro babalik pa yon dahil sa ginawa ko sa kanya kahapon, bes."

"Ai! Loka loka kang talaga. Mababaliw ako sayo eh!!"

"Aray bes, malapit ng matanggal atuli ko sayo. Kanina mo pa ako sinisigawan."

"Dahil napakaboba mo! Bye na nga! Magpapahangin mo na ako rito para maibsan ang highblood pressure ko sayo Bye!"

Ganon ba sama ang ginawa ko sa kanya? Yon nga ang nakikita ko sa action movies eh! Kapag alam mong trap ka na yon lamang ang huling solusyon upang makatakas ka sa kanya. Naalala ko tuloy ang pangyayari kahapon.

~~~

Dahil sa ang lapit na nya sa akin ay napapikit ako sa mata. Nararamdaman kong lumayo na sya sa akin kaya minulat ko ang sarili. Nakangisi na naman syang parang aso. Baliw ba tong stalker ko?

"You think I will kiss you?"

"What!? Pakiulit mo nga sinabi mo?"

Mas lalong lumapad ang ngiti nito. Nagpapacute pa sa akin habang kinindatan ako.

"Ew! Feeler lang! Akala mo may gusto ako sa yo! Nek nek mo! ", sabay taas ng gitnang daliri.

Ang ngiti nya kanina ay mabilis na napalitan ng galit sa mukha.

"Aba't ang babaeng to!"

Muli syang nag wall banging. Yong dalawang kamay nya na ay nasa pagitan ko. Bakit ba ang hilig nyang magwall banging? Ganyan ba talaga ang mga lalaki isasandal ang kamay sa pader? Kung gusto kong tao na to. Kinikilig na sana ako pero kapag sa kanya natatae ako eh. Naalala ko kasi ang bahong hininga nya noon.

Nanlaki nalang ang aking mga mata nang dinampi ang labi nya sa akin. Mas lalong binuka ko ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwalang hinalikan ako ng stalker na to. Gosh! Nakakadiriiiii!!!

"Hmmm!!"

Idiniin nya lalo ang labi nya sa akin kaya hindi ko na kinaya to!










































Booogggsshhh...


























Tinadyakan ko ang balls nya. Nagmamadali akong tumakbo. Napalingon ako sa kanyang namimilipit sa sakit habang hawak-hawak nya ang junior nya.

"Bleh! Buti nga sayo!"

Yon ang nangyari kanina kaya na sabi ni besh Carla na boba daw ako. Tama naman ang ginawa ko sa kanya ah. Hinalikan nya ako na walang permiso at isa pa first kiss ko yon for gaaadsake. Walang kapatawaran ang ginawa nya sa akin kaya buti sa kanya yon.

~~~~^^^~~~

Kinabukasan maaga akong pumasok sa skwelahan. Dahil sa ang aga koy ako pa ang mag-isa na naglalakad sa hallway malapit sa classroom namin.

"Despacito, Quiero respirar tu cuello despacito, Deja que te diga cosas al oído
Para que te acuerdes si no estás conmigo."

Kumakanta akong humakbang papasok sa aking classroom habang hawak ko ang mga libro sa subjects ko ngayon. Papasok na sana ako sa pintuan.

"Baklang kalabaw!!"

Napaatras ako dahil ayan na naman ang bakulaw nakaupo sa desk ko. Nahulog tuloy ang mga hawak kong libro. Nakikita kong nanlilisik ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Mabilis akong tumalikod at takbo ako ng takbo. Tama nga talaga si Carla baka mapatay na ako ng taong ito. Pagliko ko nasa may locker ay laking gulat koy kaharap ko na pala sya. Nabundol pa ang ulo ko sa dibdib nya kaya napaatras ako ng konti. Paano nya ginawa yon? Napapikit ako sa lakas ng paghampas ng kamay nya sa locker na nagbuo ng ingay sa hallway ng paaralan.

Gosh nanginginig na ang kamay ko sa takot. Ang lakas pa naman ng paghampas nya. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ko sa gilid ng locker ang paglubak nito. Ganon ba sya kalakas na nag-iwan sya ng butas sa locker? Kung mahuli sya kay teacher, patay talaga sya?

"Hey! Tumingin ka sa aking babae ka?"

Hinay kong nilingon ang sarili ko sa kanya. Kita ko ulit ang mga mata nyang papatay na ng tao. Juice ko po! Gusto ko pang mabuhay. Please!

"Please, please! Wag mo akong papatayin! Nagmamakaawa po ako sir."

Nakapikit ang mga mata kong nagmamakaawa sa kanya habang nakadikit ang dalawang palad ko. Lumuhod na ako upang makumbinsi ko syang wag na akong patayin.

"Hoy! Sinong kausap mo dyan ha?"

Minulat ko uli ang aking mga mata at wala na sya sa harapan ko. Palinga-linga ako kung nasan na sya. Nakatingin ang isang babaeng estudyante sa akin. Kinakalmot pa nya ang kanyang ulo.

"Nerd ka na nga. Weird ka pa! Makaalis na nga rito!"

Tinataguan pa nya ako! Grrrrr.. Nakakainis sya! Pag nakita ko siya ulit lintik na walang ganti!

Nagdadabog akong papasok sa aking classroom. Nagtataka nalang akong ang mga libro ko ay nasa desk ko na ngunit wala pa naman ni isang tao na pumasok maliban sa akin. Di kaya'y ang bakulaw na yon ang nag-ayos sa mga libro ko?

~~~~°°°~~~~

Kindly vomment po below!!! Sarangheyo!

"My Spirit Angel" (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon