Part 3

633 15 0
                                    

Ilang araw naring nakalipas at nag-insayo kami ulit sa gym. Nabalitaan kong nilock na ng caretaker ang stockroom na yon. Nakaupo kami sa gilid habang hinihintay ang ibang myembro. Si Carla ay panay parin ang laro sa MOL nya. Naadik na talaga sya sa larong yan. Tsk tsk tsk.

Hindi ko alam kong bakit bigla nalang nanindig ang mga balahibo ko. Parang may tumitingin kasi sa akin pero hindi ko alam kong saan. Palingon-lingon ako sa paligid. Hinahanap ko kong sinong nakatingin sa akin ngunit wala akong ni isang nakita kaya sumuko nalang ako at binanewala ang aking nararamdaman. Nababagot na ako kaya tumayo ako sa aking kinauupuan. Pagharap ko kay Carla, laking gulat ko nang nakita ko ulit ang binata sa likuran ni Carla.

"Ikaw na naman!", sabay turo ko sa kanya.

Si Carla ay kever lang dahil concentrate itong nakatutok sa MOL nya. Nakangiti sya sa akin.

"Hintayin kita mamaya ha!"

Tumayo narin ito at lumakad na palayo sa amin. Nang natapos na si beshy sa kanyang laro ay napalingon sya sa akin.

"Sino bang kausap mo dyan?"

"Yong lalaki na gwapo, sabi nya hihintayin nya raw ako. Di kaya'y manliligaw yon sa akin besh!?"

Napangiwi si Carla. Tiningnan niya ang direksyon kong saan ako nakatingin.

"Yong lalaking gwapo baka hihintayin nya ako sa labas ng gate.", dagdag kong sabi.

Tumawa ng malakas si Carla. Hinampas pa nya ako sa binti dahil nakatayo parin ako sa harapan nya.

"Asa ka pa! Ang pangit mo kaya! Halikana magpraktis na tayo. Dumating na mga kasama natin."

Bineletan ko si beshy bago ako lumakad papunta sa harapan.

"Inggit ka lang besh!"

"Naniwala ka don! Naku, wag ka nalang aasa. Masasaktan ka lang besh."

Napalingon ulit ako ng lumabas na sa gym ang lalaki. Kunsabagay, baka joke lang nga nya iyon dahil nakangisi sya kanina. Alas 6 na kami natapos sa pag-iinsayo. Nagpahinga muna ako ng limang minuto. Unang nagpaalam sa akin si beshy dahil may date pa daw sya. Nabihis uli ako ng uniporm bago ako humakbang palabas ng gym.

Sinuot ko agad ang headphone ko upang magkinig ng kanta. Labing limang minuto ko lang lalakarin ang bahay ng lola ko pauwi galing sa school. Nagpasalamat ako dahil tipid narin sa pamasahe.

Habang palakad na ako sa daan ay may napansin akong may sumusunod sa akin. Paglingon ko naman ay wala naman akong nakita. Lumakad uli ako at bigla akong lumingon sa likod ngunit wala parin. May mga naglalakad ding mga tao sa paligid pero hindi naman sila ang sumusunod sa akin. Hindi naman suspicious ang mga mukha nila at nilampasan pa nga nila ako.

Nanlaki nalang ang aking mga mata sa pagharap ko ay nakita ko ang binata.

"Ay baklang palaka! Ikaw na naman!", sigaw ko.

Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Ngumiti ako sa kanila nahihiya at kinalma ang sarili ko. Humarap ako uli sa kanya.

"Bakit mo ba ako sinusundan ha? Stalker ka ba ha?"

"Sinabi ko sayo na hihintayin kita sa gym. Tawag ako sayo ng tawag ngunit hindi ka naman nakikinig! Napaos na tuloy ang magandang boses ko sayo!"

Ay naku! Nakalimutan ko pala na naghihintay pala sya sa akin. Nawala sa isipan ko yon dahil akala ko ay hindi totoo ang sinasabi nya kanina. Pero napaos ang boses! Ang OA naman yata ng lalaking ito.

Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi ba sya para sigawan ako. Hindi ko nga siya kilala! At anong pakialam kong mapaos yang maganda kong boses.

"Wag mo nga akong sigawan ha! Wala naman nagpumilit sayong maghintay ka sa akin. Isa pa! Hindi naman maganda boses mo!"

"My Spirit Angel" (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon