Part 1

1K 21 0
                                    

"Angel praktis natin ngayon, tara na!", sigaw ni Carla sa akin.

Tumango lang ako at isa-isa kong pinasok ang mga libro at notebooks ko sa bag.

Ako nga pala si Angel Cruz. Twelve grade at coming 18 years old ngayon buwan na ito. Mahilig ako maglaro ng volleyball at pangarap kong mainlove. Sa edad ko ngayon pangarap ko talagang magkaboyfriend. Naiingit kasi ako sa mga kaklase kong may mga boyfriend na. Ang iba pa nga ay nag totwo timer or three timer pa. Yan na siguro ang uso sa panahon ngayon. Kapag walang boyfriend pangit ka daw! Sabi-sabi sa mga naririnig ko.

Hindi naman ako pangit sabi ng bestfriend kong si Carla ngunit wala lang akong arte sa aking katawan. I'm just being me and a very simple girl. Pero hindi ibig sabihin non ha na hindi ako naliligo! Tama na nga ang pagpapakilala sa sarili...

Nagsuot na ako ng volleyball attire at pumasok na sa loob ng gym upang mag insayo. Tinali ko na aking buhok na naka ponytail and I'm ready to go. Ito lang ang palagi naming ginagawa ni Carla. Pagkatapos mag-insayo ay uuwi na sa bahay upang mag-aral o gagawa ng assignments o projects sa school.

Napalakas yata ang pagpalo ni Carla sa bola kaya tumalon ito ng malakas papasok sa lumang stock room ng gym. Nagtaka ako kong bakit nagsitilian ang lahat ng mga babaeng kasama ko sa pagpraktis. Napalingon ako kay Carla na puno ng pangamba at takot. Nilapitan ko sya kong bakit takot syang nakatingin sa stock room na yon.

"Sinong kukuha ng bola sa loob?", tanong ng aming kasamahan.

"Beshy, ayokong kunin ang bola sa loob, may multo kasi dyan. Isa pa bakit ba bumukas ang pintuan na palagi naman yang nakalock.", wika ni Carla.

"Bakit ka ba natatakot, beshy?", tanong ko sa kanya.

Sinabi sa akin ang dahilan ni beshy na haunted daw ang stockroom na yan. Tuwing gabi ay may nag-iingay sa loob at minsan nadinig pa nyang may umuungol doon. Kaya simula noon ay hindi na ito muling nabuksan pa.

Nagsisituro na sila kong sino ang kukuha sa loob. Wala namang ni isang lalaki na nandito sa gym. Wala kasing practice sa basketball ang mga boys ngayon.

Muling tinuro ng kasamahan ko si Carla dahil sya daw ang nagpalo kaya pumasok ito sa loob ng stockroom so ibig sabihin sya rin ang kukuha. Todo namang tanggi tong si besh. Ayaw nya talagang pumasok sa loob dahil natatakot sya.

"Ako nalang ang kukuha!", pagpresenta ko sa aking sarili.

Nanlaki pa ang kanilang mga mata sa pagsabi ko. Ganon lang ba katakot doon na walang ni isang nagpresentang kumuha ng bola sa loob? Pero sa totoo lang takot din naman ako. Naniniwala kaya ako sa multo. Hindi pa nga lang ako nakakita non. Baka ngayon na ang tamang panahon na makakita ako ng isa.

Sinundan nila ako ng tingin habang papahakbang ako palapit sa stockroom.

"Mag-ingat ka besh ha."

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay nakita ko na ang dilim nga talaga sa loob. Puno ng alikabok ang sahig nito. Lumingon ako sa gilid upang buksan ang ilaw. Pagpindot ko ay walang ni isang bombilyang umilaw.

"Carla pakikuha nga yong cellphone ko sa bag."

Nagmamadaling kinuha ni Carla ang cellphone sa bag ko at agad naman tong inabot sa kamay ko. Binuksan ko ang flashlight sa cellphone. Humakbang ako ng konti sa loob. Nagulat akong may tumapik sa likod ko.

"Mag-iingat ka!"

"Anak ng tipaklong! Aatakihin ako sa puso sa yo beshy eh! Wag ka ngang manggulat."

Napakagat sya sa labi. Nakita ko sa kanya ang pag-alala.

"Sorry na. Kinakabahan kasi ako sayo. Pero beshy, labas ka kaagad ha kapag nakuha muna ang bola."

"Oo na ito na o papasok na ako. Sssshhh.. ako ang nenenerbyos sayo eh."

Pumasok na ako sa loob. Habang papahakbang ako ay nakita kong ang raming nakatambak na mga libro, mga school projects at mga kahon na puno ng alikabok. Padilim na ng padilim ang kwarto. Malayo na ako sa pintuan ng stockroom ngunit hindi ko paring nakita ang bola. Tumingin ako sa itaas. Sa kisame naman nito ay napapalibutan na ng bahay gagamba. Pagbalik ng paningin ko sa baba ay laking gulat kong may bumulaga sa akin. Dahil sa gulat ko ay nahulog ang hawak kong cellphone sa sahig.

"Nyaaah!!", sigaw ko.

Kasama ding tumili ang mga kasama ko sa labas dahil sa aking sigaw.

"Beshy okay ka lang!?"

"Ahh, oo okay lang ako."

Kinuha ko ang cellphone sa sahig. Inilawan ko uli ang nakaharap sa akin na isang istatuwang gawa ng kahoy. Istatuwang lalaki ang nanggulat sa akin na akala ko ay isang multo. Pinagmasdan ko ito. Nagtataka ako kung bakit ito lang ang bagay dito na walang alikabok. Sobrang kinis nya at nagspark-spark pa ang kanyang balat.

"Ang ganda naman ng pagkakagawa nito."

Pinagmasdan ko ang mukha nito. Una kong napansin ang matangos nyang ilong, kasunod ang singkit nyang mata at ang manipis at mapupula nyang labi. Sa pagtitig ko ay inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Hindi ko alam kong sino ang nag-udyok sa akin na idampi ang labi ko sa kanya.

"Angel nakita mo na ang bola!?", tanong ni Carla sa kalayuan.

Doon lang bumalik ang huwisyo ko sa pagtawag ni Carla sa akin. Pagtingin ko sa baba ay nandoon lang pala ang bola sa paanan ng istatuwa. Kinuha ko agad ito. Pahakbang nako uli palabas sa stockroom ngunit sinulyapan kong muli ang istatuwang nandon bago ako tuluyang lumabas.

~~~

Kindly inspire me by follow and vomment below po.. Thanks!!!

"My Spirit Angel" (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon