Napaiwas ako sa kanya at pinigilan ko ang paglanghap ng aking ilong. Nagtaka pa sya sa ginawa ko. Sino bang hindi iiwas na.
"Yucks! Ang baho ng hininga mo! Ilang araw ka bang hindi nagtoothbrush!"
Napaatras sya at inamoy ang sarili nyang hininga. Kahit mismo sya ay pumangit ang hitsura habang nilalabas ang dila nito. Para syang nakainom ng sabaw na kulang nalang ay ibuhos ang tubig ng dagat sa sobrang alat. Pero infairness ang cute parin nyang tingnan ha. Tumingin sya sa akin.
"Mga sampung taon na yata!"
Aba'y sinagot pa ako ng badbreath na stalker na to.
"Pffffttt...."
Hindi ko napigilang tumawa. Napahawak ako sa aking bibig dahil humagikgik ako sa pagtawa.
"Aba't itong babaeng to!"
Mabilis kong tinakpan ang ilong sa hintuturo kong daliri. Na-offend yata sya at lumayo na sa akin at tuluyan ng lumabas sa kwarto ko.
Paglabas ko sa kwarto ay hinay akong humakbang upang tingnan kong lumabas na sya sa bahay namin. Napahawak ako sa dibdib ng nalaman kong wala na sya sa aming bahay. Nakita ko sa main door ay nakalock naman pala ito. May pagkagentleman din pala tong stalker ko at sya pa ang naglock ng maindoor namin.
~~~~••••~~~~
"Angel bangon na!"
"Angel gising na!"
"Angel..Angel..."
Kinabukasan ay maaga akong nagising. May kong anong ingay sa loob ng kwarto ko. Tinatawag nya ang pangalan ko. Tika pamilyar ang boses ng lalaking to ha! Pagdilat ko sa aking mata ay nakita ko na naman ang pagmumukha ng stalker na to.
"Nyaaaahhh!!!"
Bumangon ako at napaupo sa aking kama. Lumingon ako sa pintuan ng nagsalita ang lola ko sa baba.
"Anong nangyari sayo anak?"
"Lola may badbreath na stalker sa kwarto ko!!!"
Nanlaki ang mga mata ng binata sa sinabi ko. Nilapit nyang muli ang mukha nya sa mukha ko.
"SssshH! Hindi na kaya ako badbreath. Amuyin mo oh... Ha! ha! ha!"
Mabilis ko naman pinikit ang mga mata ko at pinigilan ulit ang paglanghap sa ilong ko ngunit naamoy ko parin ang hininga nya. Ngayon ay ang bango bango na nito. Napadilat ako sa aking mga mata ay tamang binuksan din ni lola ang pintuan.
"Bakit ka ba sumigaw ha?"
"Sya po kasi eh! Stalker ko!"
Tinuro ko pa ito ngunit sa paglingon ko ay wala na yong binata na nakaupo sa kama ko.
BINABASA MO ANG
"My Spirit Angel" (SPG)
FantasiSi Drake ay isang gwapong badboy, masungit, womanizer at palaging mainitin ang ulo. Isang araw ay nakabangga sya ng isang estrangherong matanda na gusot ang damit at puno ng dumi sa mukha. Hinayaan lang nya itong nakadapa sa putikan. Hindi nya alam...