Sandrina's Point of View
"Malaya na akong mahalin ka ulit, Rina.."
"Elton??"
Hindi pwede..
Hindi pwedeng si Elton itong nasa harapan ko..
"E-elton Helveta??"
"Nice to see you again, Rina Castillo.."
Napatayo ako bigla.. Imposible.. Ang layo ng itsura ni Gerald kay Elton..
"IKAW SI RINA?! SI RINA NA EX NI GERALD?!"
Nagulat naman ako kay Pres. Ava.. Napuno naman ng bulungan sa loob ng room..
"Siya yun??"
"Siya yung ex ni Gerald??"
"Yan si Rina?? Yung naging dahilan ng pagiging babaero ni Gerald??"
Ako?? Ako ba ang naging dahilan kaya naging babaero si Elton??
"See?? Ito ang naging resulta ng pag-iwan mo sa akin.. Madami na akong napag-laruang puso.. Pero nang makita ko si Jae Geun (Ma'am Yoon), bigla kitang naalala.. Nakita kita sa kaniya.. Yung tangos ng ilong mo, kulot na buhok, katamtamang height, at ang ganda na sa iyo ko lang nakita noon.. So I loved Jae Geun the way I loved you too.. Pero pareho lang kayo.. Pareho lang kayong nang-iiwan.."
"Elton../Gerald.." Sabay naman naming sabi ni Ma'am Yoon.. Katabi ko na pala si Ma'am Yoon..
"Nagsama pa talaga kayo.. Grabe naman.. Ang ganda niyong dalawa.." At tinanggal ni Gerald yung kamay niya sa bulsa niya at hinagod yung buhok niya.. Pero may dalawang litratong nalaglag sa bulsa niya.. Kinuha namin ni Ma'am Yoon yung dalawa at tig-isa kami.. Pagkatingin ko sa litrato, yung picture namin ni Gerald nung kami pa..
Flashback.....
Nakita ko si Elton na binubully na naman ng mga kaklase namin.. Lalo na si Annie.. At siyempre, bilang Class President, kailangan ko siyang protektahan..
"Hoy, tigilan niyo na si Elton..." At tumigil sila sa sandaling nagsalita ako..
"Rina..." At tumakbo siya sa likuran ko.. "Please, patigilin mo na sila.. Nakakasakit na sila.." Tumango lang ako kay Elton at hinarap si Annie na inunahan ako sa pagsasalita..
"Hoy, Sandrina, hindi porket President ka ehh magrereyna-reynahan ka na dito sa room.. For your information, ako ang Campus Queen, at mas mataas ako kesa sayo.. At isa pa, mas maganda ako sayo.. Eh ikaw?? Sa beauty pageant nga hindi ka manalo-nalo kasi nakasalamin ka.." Sabi ni Annie..
"Pero pwedeng bumawi sa Q&A..." Bulong ko na mukhang narinig pa niya..
"A-ano?? Bumawi sa Q&A??"
"Oo.. Alam mo bang ang winning chance ng isang participant sa isang pageant ay lalong lumalaki pag nagustuhan ng judges ang sagot mo sa Q&A.. What's the use of beauty if you don't have the brains??"
"So what are you saying?? Na tanga ako?? Bobo?? Walang pinag-aralan?? Puro ganda lang??"
"Haha.. Ikaw nagsabi niyan, hindi ako.." At nakita ko naman ang barkada ni Annie na tumawa nang bahagya.. Buti nga sa kaniya.. Pahiya..
"Rina, halika na..." At hinatak na ako ni Elton palabas ng room bago pa lumaki ang away namin ni Annie na pwedeng maging World War III.. Habang papalayo kami, narinig namin si Annie na sumigaw..
"PAREHO LANG KAYONG NERD!! ARGH!!"
•••••••••••••
"Ayos ka na ba, Elton??" Tanong ko habang inaayos ang salamin niya.. Malabo kasi ang mata niya, tulad ko.. To be honest, gwapo siya.. Bagay sila ng muse namin..
BINABASA MO ANG
Hidden Love
Teen FictionMeet Jeisendle Sandrina Robson.. The typical nerd at Cresta Verde Academy.. Siya nalang ang hilig pagtripan ng mga feeling-mataas-ang-sarili na mga estudyante ng CVA.. Kahit pamangkin siya ng pinakamagaling na English teacher ng CVA, wala paring sin...