Chapter Nine

20 0 1
                                    

Sandrina's Point of View





Mission 'MMMO'






Okay!! I can do this!!









Lakad...






Lakad...







Hanap...









Hanap...








AYUN!!








"Marc!!"

Napalingon naman siya agad sa akin. Kinawayan ko naman siya.. Ngumiti rin siya saka na ako tumabi sa kinauupuan niya..

"Asan si Third??" Tanong ko, kahit alam ko kung nasan yun..

"Ewan ko.. Late na naman yun.. Malamang naliligo palang yun.."

"Ganun?? Eh ang akala ko magkasama kayo kasi umalis na siya ng bahay nila kanina.."

"Aba malay ko!!" Hala nagalit..

"Ayy grabe.. Wag ka namang magalit.."

Hindi nalang siya sumagot at bumuntung-hininga..

"Ba't ba bad mood ka??"

"Wala..."

"Suuuuss... Bakit ayaw mong sabihin sa akin?? Hindi mo ba ako kaibigan??"

Doon siya napatigil saglit..

"K-kaibigan.."

"Oh.. Kaibigan mo naman pala ako ehh.. Bakit ka nagsisikreto sa akin??"

"Pagsisikreto ba yun??"

"Oo.. Diba ayaw mong sabihin sa akin kung bakit ka bad mood?? Kasi sinisikreto mo sa akin yung dahilan.."

"Ganun ba yun??"

"Oo.."

"Ayy, ganun??"

"Oo nga..."

"Talaga??"

"Kulet mo!! Sabi nang oo ehh.. Oh, bakit ka nga bad mood??"

"Si Thea kasi ehh.."

"Si Thea??"

"Oo.."

"Bakit??" Hindi niya ako sinagot.. Kundi tumingin lang sa kung saan.. At nung tiningnan ko kung alin yung tinitingnan niya......










Si Thea na may kaharutang lalaki...



"Matagal nang may gusto si Peter kay Thea.."

"Peter??" Sino si Peter?? Yung lalaking kasama ni Thea??

"Hindi pa man naging kami ni Thea, gusto na siya ni Peter.. Kaya nang ako ang sagutin ni Thea at hindi siya, nagtanim na ng galit sa akin si Peter.. Maski nga paglapit ko sa kapatid niyang si Clea pinaginitan niya rin.. Nasaktan na nga niya si Clea dahil nakikipagkaibigan siya sa akin.. Kesyo daw bad influence ako, mapapahamak lang siya pag kasama ako, at kung ano-ano pa ang sinabi sa akin.. Pero tingnan mo naman ngayon, abot-langit yung ngiti niya habang kasama niya si Thea.. Malamang nagsasaya na yan dahil alam niyang wala na kami at alam niyang pwede na niyang kunin si Thea sa akin.."

"Marc...."

"Salamat, Jei, at andito ka para pakinggan ako.. Ang sarap sa feeling na may kaibigan ako tulad mo at ni Third na kaya akong pakinggan at intindihin.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon