"Pero syempre, Parang lang yun."
Ow. K. :-/
Parang nabingi ako bigla. Parang yung effects sa mga pelikula na pag may sumabog na bomba nag so-slow motion lahat. At tibok na lang ng puso mo yung naririnig mo? Ganun.
Tapos paulit ulit na nag replay yung sinabi niya sa utak ko. "Pero syempre, Parang lang yun."
Oo nga naman. PARANG LANG. Hindi PA. Umasa ka naman kasi agad Happy, tumalon na agad ang puso mo eh sinabi lang naman niya na PARANG hindi na niya mahal. Malaking kaibahan nun sa hindi NA mahal. Kahit pa PARANG, mahal pa rin niya. PARANG tanga ka lang, parang lang. Hindi pa tanga.
Eto na naman ang isip ko, nag oover-react na naman para bigyan ng mahaba-habang litanya ang umaasa kong puso. Oo na, nasaktan na nga eh. Humahanap pa ng dahilan ang isip ko para i-deny ang sakit. Ang puso ko naman gumagawa na lang ng paraan para makahinga, feeling ko kasi biglang sumikip ang dibdib ko, parang momentarily na nag stop ang pagtibok ng puso ko. Yung feeling na kapag piniglan mo huminga for about 30 seconds? Parang ganun yung nangyari, tapos paghinga mo ulit nakakabingi na ang tunog na nagmumula sa dibdib ko.
Hayy. Mahal pa niya. Wala na ako magagawa sa katotohanang iyon. Gagawin ko na lang ang part ko, tutulungan ko siya. At magiging masaya ako.
Pagkatapos ko maidigest kahit papano ang mga sinabi niya, sinubukan kong ngumiti. At kahit papano nagawa ko naman.
"Hay Iago, sabi nga ni Charlie sa Perks of Being a Wallflower 'We accept the love we think we deserve' so mahal ka naman siguro niya, I think hindi naman nawala yun dahil may pinagsamahan kayo. Kung napapagod ka, pwede mo naman itigil nang gustuhin na maging kanya ulit. Pero hindi naman ibig sabihin nun titigil na agad ang pagmamahal mo sa kanya" I looked and smiled at him again. Parang feeling ko yung advise ko sa kanya, sinasabi ko rin sa sarili ko eh.
"Siguro nga. Thank you Happy. I'm really lucky I have you."
Yeah right I just smiled...bitterly.
****
Grabeeee :D Hindi ko ineexpect na ganito karami ang alak at pagkain. =))) Yeheeeeey. At least kung malalasing ako ngayon hindi nila iisiping nasasaktan ako, kasi talagang marami eh :D perfect timing lang.
"LET'S PLAY A GAME! DALI GUYS, PWESTO NA."
Spin the bottle daw suggest ni Lucas! Hahahaha. Nagsawa na siguro sila mag toast ng marshmallow kaya nagyaya maglaro. Oh well.
Pumwesto na kami at nagmaiba taya kung sino ang unang mag si-spin. Si Cindy ang nag spin at kay Rica tumapat :D
"OHMYGOOOOOD" :D
"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"GRABE! NAKAKADIRI PARE!"
"EXPERT NA EXPERT NGA ANG DATING EH =)))))"
"OKAY NA! TAMA NA RICA. NASUSUKA NA KO"
"HAHAHAHAHAHA"
Ang sakit sa tyan =)))) nag sexy dance ang bruha. hahahaha. unti unti pang hinubad ang bra kaya nalaglag ang dalawang water balloons. Sa muka pa ni Iago nahulog ang isa, kaya tama na daw. Peste talaga. ang sakit sa tyan.
"Eto na ho, mag si-spin na ko 8D. Humanda ang matatapatan nito." sabi ni Rica sabay tawa ng nakakaloko.
dugdug. dugdug. dugdugdugdug.
Iago.Cindy.Lucas.Rica.Waki.Sandy.Happy........tuloy tuloy ang ikot ng bote...hangang sa bumagal. At tumigil kay...
@__@
>__<
Tumigil kay Iago. Ugh -__-
"HAHAHAHAHAHA. Ang swerte ko nga naman oh, kay fafa Iago pa tumigil. ::)"
nalintikan na talaga.
"truth or dare?" ^-^
"Dare syempre 8D" sagot ni Iago sa kanya.
"Sige, eto gagawin mo..."
Grabe. tahimik at poker face lang ako most of the time dahil kinakain ako ng kaba. Baka kung ano ipagawa ni Rica e.
"Sing a song for Happy. Kahit ano." :D whew Okay, fair enough
Mejo nagulat pa kami nang iabot ni Iago yung gitara mula kay Lucas, hindi ko alam na marunong pala siya nun. You don't really know him. :-[ Narealize ko lang, kabataan lang pala ang pinagsamahan namin. Maraming nagbago mula nun.
Nagsimula na siyang tumipa at tumingin sa'kin bago nagsimulang kumanta.
Moving forward using all my breath
Making love to you was never second best
I saw the world thrashing all around your face
Never really knowing it was always mesh and lace
Shemay ang ganda ng boses niya -___- hindi na ba talaga mauubusan ng sorpresa ang lalaking to? hindi ba siya mauubusan ng dahilan para lubusan kong mahalin?
I'll stop the world and melt with you
You've seen the difference and
It's getting better all the time
There's nothing you and I won't do
I'll stop the world and melt with you
Nakatingin siya sa'kin habang binibigkas yung lyrics. Kaya wala na naman. Yung natitirang hibla ng tama ko naglaho na. Na-sapawan na naman ng tama ko sa kanya.
Dream of better lives the kind which never hate
Dropped in the state of imaginary grace
I made a pilgrimage to save this human race
Never comprehending a race that long gone by
I'll stop the world and melt with you
Wala akong ideya kung bakit yan ang kinanta niya, pero bahala siya. Siya na lang nakakaalam nun.
You've seen the difference and it's getting better all the time
There's nothing you and I won't do
I'll stop the world and melt with you
The future's open wide
I'll stop the world and melt with you
I've seen some changes but it's getting better all the time
There's nothing you and I won't do
I'll stop the world and melt with you
The future's open wide
It's just getting harder and harder. Kahit gusto ko na sabihin yung nararamdaman ko syempre hindi ko magawa. Alam ko kasi kung ano nararamdaman niya eh.
I'll stop the world and melt with you
You've seen the difference and it's getting better all the time
There's nothing you and I won't do
I'll stop the world and melt with you
I'll stop the world and melt with you...
![](https://img.wattpad.com/cover/1289066-288-k521443.jpg)
BINABASA MO ANG
Somebody Else's Fairytale
Genç KurguHello and Welcome to my world =). I'm Happy Sabine Bernardo Fortalejo and this story is about ME. But hey, one thing's for sure. THIS IS NOT MY STORY.