Twenty

329 7 2
                                    

I woke up feeling like a zombie. Well, not really a zombie. Basta yung patay na buhay. ::)

Nanatili muna akong nakahiga ng mga 10 minutes. Nakatulala sa kisame at nagiisip kung ano gagawin ko sa buhay ko. Nagiisip ng kung ano ano na lang, mas maigi yun kesa mafocus sa isang tao lang.

Bumangon na ako at nakiramdam saglit. Wala. Wala pa rin kahit anong bakas ng 'Iago' sa napakalaking kwartong to.

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Wala namang nagbago, maganda pa rin ako ::).

Ngumiti ako. Okay naman, kaya ko pa. kaya ko pang lokohin ang sarili ko.

Kung titingnan sa salamin, ako pa rin si Happy Sabine Fortalejo. Pero sa sarili ko, alam kong iba na. May nagiba na sa Happy na ako. Dahil ngayon namamanhid na naman ang puso ko at hindi na kayang ngumiti ng mga mata ko.

Hindi bale, kaya ko to. Nakaya ko naman nung una bakit hindi ngayon? Hindi naman niya kasalanan na nasaktan ako. Hindi ko rin naman kasalanan na minahal ko siya. Walang may kasalanan. Siguro sadyang may mga bagay na nangyayare para matuto tayo kahit masakit, at hindi ibig sabihin nun may dapat sisihin. Talagang nangyayare lang. Parang gravity. Talagang nanjan na siya at walang may kasalanan kung may nasasaktan man dahil sa kanya.

Ginawa ko na lahat ng morning rituals at lumabas ng room. Pinuntahan ko yung room nila Sandy. Yayayain ko na lang siya mamasyal. Sabi nga ng Kuya ko "Cherish the moment while it's there". Edi sulitin na, libre naman to.

Pumunta muna kami sa coffee shop at umorder ng makakain. Habang naghihintay ng order, parang hindi namin alam kung sino ang unang magsasalita. Halata naman na pareho kaming may gustong sabihin.

"What--"

"Okay--"

"Ikaw na mauna." sabi ko sa kanya.

"Okay ka lang?"

"Oo naman, dapat nga sayo ko itanong yan." Muka naman akong okay ah? Sure naman ako na hindi niya alam ang nangyare kagabi.

"Happy naman, hindi tayo magbestfriend kung hindi ko alam pag nagsisinungaling ka." sabi ko nga :-[

"Okay lang ako. Ikaw nga itong mas may dapat sabihin sa'kin." namula siya sabay nagiwas ng tingin. Haay.

Bumuntong hininga siya bago tumingin ulit sa'kin. "It's Waki. He's a friend. It's gonna be so complicated." Buti nga siya mahal ni Waki eh, ano pang complicated dun?

"Sands naman. Para namang sinabi mo na hindi pwedeng maging lovers ang friends. Mahal mo ba?" Hindi siya nakasagot agad. Parang may balak pang magsinungaling eh bestfriend nga niya ako di ba? I read between the lines at syempre nakikita ko.

"Y-yes..but--" :-/

"YES naman pala. Wag na yung BUT. Yan yung panira eh." Hindi siya sumagot, huminga lang ng malalim. Haay. Kahit nasasaktan ako ngayon gusto ko pa rin na kahit papano, may isang gusot akong maayos.

"Mahal ka nung mokong. Matagal na. Dati pa daw kahit nung nagmuka kang kinawawa pagkatapos ng ex mong chumorva." Mejo nashock siya sa sinabi ko. Syempre, akalain mong matagal nang may secretly inlove sayo? Kahit ako mashoshock.

Bumuntong hininga na naman siya at hindi sumagot. Dumating na rin yung order namin kaya hindi muna ako nagsalita.

"Hindi pa kasi ako sigurado sa kung ok na ba talaga ako. Ayokong basta sumige dahil lang mahal niya ako at mahal ko siya. Alam mo naman na hindi napapatakbo ng pagmamahal magisa ang relasyon. Saka gusto ko muna maging deserving sa pagmamahal niya. Ayokong mawala si Waki. Kaya gusto ko muna pagisipan. Give it time muna. Hinay hinay lang." pageexplain niya.

"Kung yan ang gagawin mo, ewan. Baka mawala din siya sayo. Nasasaktan na yung tao. Wagas na "time" na yung ginugol niya para sa pagmamahal sayo. Pwede naman kayong friends habang lovers, pero hindi na kayo pwede maging friends kung lovers kayo pero gusto mo friends lang." Parang ang labo ng sinabi ko. haha. Hindi pa rin siya umiimik

"Parang takot ka bilhin yung bagay na gustong gusto mo dahil nanghihinayang ka sa pera. Kung di mo yun bibilhin magagastos mo rin naman yun pera. Baka sa huli, wala ka ng pera, wala pa yung gustong gusto mo. Baka masayang yung friendship niyo, wala pa si Waki sayo."

Natigilan siya sa sinabi ko at matagal bago nakasagot.

"Haay. Bahala na muna. Kakausapin ko si Waki, sa ngayon magiisip muna ako." Hindi na ako sumagot. Alam ko namang alam ni Sandy ang ginagawa niya.

****

Pagkatapos namin magbreakfast. Naglakad lakad muna kami at nagwindow shopping. Habang nasa isang shop, nakita namin si Kara at Red. Lalapitan sana namin para batiin ng mapansin kong parang nagtatalo sila. Kaya umalis na lang kami.

"Muka namang hindi effective ang plano niyo ni Iago." sabi bigla ni Sandy habang tumitingin ng mga t-shirts.

"Ha? Bakit naman?"

"Eh nagaaway yung dalawa eh, edi parang malabo na mabawi ni Iago si Kara."

"Ahh." Nawalan ako bigla sasabihin. Naisip ko na naman kasi na gusto nga palang bawiin ni Iago si Kara. Si Kara :-/

Tinitigan lang ako ni Sandy "Hay nako Sabine, hindi ka pa rin magkukwento?" ::)

"Kasi...kasi nangyari na nga yung kinatatakutan ko simula pa lang...Mahal ko na siya." :-[

"Araaaay!" Binatukan ba naman ako. Brutal talaga tong babaeng to.

"Nakakaramdam ka naman pala eh. Akala ko hindi" ::) Aba! tiningnan ko siya ng masama.

"Hindi mo pa ba feel na labidabs ka ni fafa Iago?" tanong niya sa'kin.

"feel na feel nga eh."

"So what's the problem?" :o

"The problem is...I mean, how can he love me and want his ex back at the same time? Ang labo eh. Gusto ko malinaw. Hindi ako sure kung mahal niya ba ako o nakikita niya lang ako as a substitute girlfriend. Iniisip ko na baka miss niya lang si Kara kaya sa'kin niya naipapakita yung pagmamahal para kay Kara." Haaay. bumuntong hininga na lang ako, parang ang sikip na naman kasi sa dibdib.

"ARAAY. PANGALAWA NA YUN AH." >:( Binatukan na naman ako.

"Grabe teh, akala ko sa ating dalawa ako lang ang bobo sa pagmamahal. Nahawaan ata kita :D" Kasi daw kapag matalino ka pa rin sa pagmamahal, hindi talaga pagmamahal yun. haha.

"Ang dami daming mong tanong, bakit di mo itanong sa kanya para malinaw di ba? Hindi yung nasasaktan ka jan hindi mo pa naman alam kung dapat kang masaktan. Sayaaaaang. Wag kang excited masaktan ha, itanong mo muna kasi kung ano ba talaga." Litanya ni Sandy. Eh kasi naman...bakit ang hirap sabihin ng totoo talaga? -__-

Haay. Napaisip ako sa sinabi ni Sandy. Oo nga naman, bakit nga ba hindi ko muna linawin. Para at least kung masasaktan man ako ulit, sa siguradong dahilan na.

"Oo na po. Tara na, balik na tayo para malinaw na." Hila ko sa kanya.

"Aba, ikaw tong kakausap. Kailangan mo ng back up? :D Go na. Magiisip isip din ako."

"Sige."

Umalis na ako at nagmamadaling bumalik sa Hotel. Parang biglang bumuhos ang adrenalish rush ko. Parang bigla akong naexcite na kinabahang makausap si Iago. Once and for all, sana malinaw na. Nababaliw na kasi ako kakaisip.

Habang nakasakay sa elevator, parang hindi ako mapakali. Feeling ko ang bagal ng elevator. Kaya pagbukas, nagmamadali akong maglakad papunta sa hotel room namin. Sana nandoon si Iago

Pagtapat ko sa pinto, parang hinipan ng hangin ang lakas ng loob ko. Biglang naubos ang tapang ko at nakakabingi na naman ang tibok ng puso ko.

dugdugdugdugdugdugdug

Unti unti kong binuksan ang pinto at, gugulatin ko pa sana si Iago. Hindi ko alam, ako pala ang magugulat. >__<

Now here's the truth Sandy said I be sure of. And it's happening before me.

It's Kara, in the arms of the man I love

Somebody Else's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon