Twenty One

322 8 1
                                    

Para akong nakakita ng ahas. Pero kahit alam kong pwede akong matuklaw, hindi pa rin ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Biglang naging blurred lahat ng nasa paligid ko at ang tanging malinaw ay ang nasa harapan ko :|

Inipon ko ang natitirang lakas ng loob at naglakad na palabas bago ko pa masira ang "moment" nila.

Mission Accomplished Happy.

Congratulations sa sarili ko. Dapat masaya ako di ba? Kasi nangyari na yung dapat naman talagang mangyayare. Pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Masaya ba ako? Hell No!. Malungkot ba ako? Hindi rin eh. Masakit? Hindi ko na rin feel.

Manhid na ata ang pakiramdam ko. Ayaw na rin mag voluntary exit ng mga luha ko. Wala lang, feeling ko na lang lutang ako. Hindi ko alam. sobra na siguro ang sakit kaya wala ng maibuga.

Kung tutuusin ayos na rin eh, hindi ko na naramdaman ang sakit ng nangyari dahil nasaktan na ako. Dahil alam ko na ring dadating to. Pero bakit kaya ganun? Kahit gaano pa natin paghandaan ang masakit na katotohanan, kapag dumating na masakit pa rin. Nasasaktan ako, pero sabi ng puso ko, time out na muna.

Ayos na rin yung pinaghandaan ko. Nagdrama na ako habang wala pa, para atleast ngayon kahit nashock man ako, Hindi na ako nagmukang tanga at umiyak ng walang tigil.

Pumunta na lang ako sa dalampasigan, kahit tirik ang araw sige lang. Naupo ako sa buhangin at hinayaang mabasa ng tubig ang mga paa ko.

o__()

Blanko na ang isip ko. Wala na, tumahimik na siya. Ayoko na rin kasi magisip dahil hindi ko na alam kung ano iisipin ko. Tulala lang ako, yung feeling kapag nakakita ka ng Math Problem na wala kang ideya pano isosolve. Kaya ayun, makikipagtitigan ka na lang at mawawalan ng pagasang simulang sagutin. Ganun ang pakiramdam ko. Helpless.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatunganga sa walang katapusang dagat. Nagtaka na lang ako ng biglang natakpan ang init ng araw na tumatama sa'kin.

Tumingala ako.

"Red?" :? nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hi Sab." Sabi niya sabay smile. Tapos umupo sa tabi ko at binuksan ang payong na dala niya.

"Uh, Hi din" :-/

"Hindi ka ba naiinitan? :D Kanina pa kita nakita dito eh. Ang init init tapos dito ka pa nakaupo. Hindi ka naman nagtatan dahil naka damit ka pa." Joke yun? Harhar. Nagsmile na lang ako sa kanya.

"Kumusta ka na?"

"h-ha? ako?"

"Syempre. Dalawa lang tayo dito eh" :D

"Ayos naman ako. Ikaw?" Sagot ko na parang wala sa sarili, nakatulala pa rin kasi ako

"I'm not really sure" :-/ Sabi niya. Sabagay, sino ba namang magiging okay eh yung girlfriend niya together na ulit with her ex. Ang galing noh? -_-

I just sighed. Sa totoo lang wala na akong pakealam kung okay siya o hindi. Wala rin ako sa mood makipag chikahan sa kanya.

Hindi na ako nagsalita kaya nanahimik na din siya. Maya maya may sinabi siya na hindi ko ineexpect.

"I really regret what happened between us before." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko kasi gusto ang itinutumbok ng sinasabi niya.

Kung siya nagsisisi, ako hindi. Dahil kahit nasaktan ako may lesson naman, at nalaman ko rin na ang minahal kong ex best friend ay wala naman palang malasakit sa akin. Okay na yun, two birds in one stone. Isang sakitan lang dalawang hindi deserving na tao ang nawala sa buhay ko.

"It's over and done with. Naka move on na ako." Pero parang wala siyang narinig at nagpatuloy pa din.

"It didn't worked out between the two of us. Hindi rin kami nagtagal dahil alam naman niyang ikaw talaga ang mahal ko. It was a big mistake letting you go because of her."

Tiningnan niya ako at kinuha ang kamay ko. "I really am sorry Sab. Sana napatawad mo na ako." I looked him in the eye and saw how sincere he is. Matagal ko na siyang napatawad, alam ko naman na hindi niya rin ginustong masaktan ako. Hay.

"Matagal na kitang napatawad. And I'm really happy na okay ka na." Mejo tumamlay ang mga mata niya pagkatapos ko sabihin na okay na siya.

"I don't wanna do the same mistake again Sab." :o what? so may ibang babae siya? o__O

"I need your help." Help ko na naman. Why does everybody needs my help? Pwede bang wag muna ngayon? Sawi ako eh. Kailangan ko namang tulungan muna ang sarili ko. Hay buhay.

"Okay. what help?" sinabi ko na lang para matapos na to.

"Kara is jealous of you." I know. Plano nga yun eh. Siguro kaya siya malungkot kasi naaagaw na ng iba si Kara. Haaay. Karma siguro =)) loljk

"Why?" I asked, pretending like I have no idea.

"Because she thinks I'm still in love with you." huh? :o Bakit parang mali? Dapat nagselos siya dahil ako at si Iago, bakit napasok si Red? hala.

"Huh?"

"Lately nagaaway kami dahil nga sa iyo. I need your help to convince her that what's left between us is just friendship, na siya ang mahal ko. Please Sab. I know wala kang dahilan para tulungan ako, but please do."

Teka. >_____< Naguguluhan ako. I thought Iago and Kara are back? So bakit sinasabi ngayon ni Red na siya ang mahal ni Kara? WTF!

Bakit sila magkayakap kung mahal ni Kara si Red? Siguro Iago was trying to convince her and she refused. Ano bang malay mo? Baka si Iago lang yung yumakap. Arggggggggggggggh. Baka nga naman, baka nagusap lang sila.

But still, kung mahal ni Kara si Red at mahal ni Red si Kara, ano ngayon? Hindi pa rin naman ako mahal ni Iago. :'(

"Sigurado ka bang ikaw ang mahal niya?" Parang nagtaka siya sa tanong ko.

"Of course!" muka namang sure na sure siya sa sagot niya kaya sabi ko na lang "Okay, I'll talk to her."

"Thank you. Thank you so much Sab." Niyakap niya ako bigla. Wala naman ako nagawa, it would be impolite to push him back. Hinayaan ko na lang. May pinagsamahan rin naman kami eh.

"Red?" :? It's Kara.

Kumalas si Red sa yakap at tumayo bigla. I saw the look on Kara's face, parang natuklaw ng ahas. Haaay, muka ngang totoo ang sinasabi ni Red.

She's with Iago. Hindi ko alam kung bakit, siguro nagusap sila. Ewan.

Tiningnan ko si Iago. He looked angry. Siguro nga kasi sinabi na sa kanya ni Kara na wala na silang pagasa. Masakit na hindi niya ako mahal, pero mas masakit dahil hindi siya mahal ng mahal niya samantalang nandito lang naman ako.

"Kara, It's not what you think." Pageexplain ni Red, pero tumalikod lang si Kara at tumakbo pabalik sa Hotel. Sinundan siya ni Red and I thought na kasalanan ko kung bakit siya nasaktan. I should help Red explain.

Sinubukan ko silang sundan pero pinigilan ako ni Iago sa braso.

"Let him go Happy, masasaktan ka lang."

Why? Mas masasaktan ako kung mananatili ako sa tabi niya dahil nakikita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Nasasaktan na ako ngayon pa lang. Let me go. I have to talk to Kara." I said. Natigilan siya at pinakawalan ako.

"I'm sorry." He said. Lagi naman niya sinasabi yan. Sorry siya ng sorry, ngayon hindi ko alam kung para saan. Siguro nagsosorry siya dahil iniisip niya mahal ko pa si Red. Tsk.

"I'm sorry too." >:(:-[ sorry kung hindi ko siya natulungan. Sorry dahil hindi siya mahal ng mahal niya. Ang saklap. Pareho kaming nasasaktan. At pareho kaming walang magawa.

Somebody Else's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon