Migration #21

3 0 0
                                    


#Migration1

#MsRecordBreaker

#SurveyLangPo!

Monique's POV:

Ito na ang araw na kinatatakotan ko. Sa totoo nga lang wala akong ganang pumasok ngayon ehh! Pero kailangan kong harapin toh. I hate this feeling yung parang wala ka nang mukhang ihaharap sa mga tao. Kaya pala Ms. Record Breaker ang tawag ng SAJ sa'kin kasi first time of the history ever na nangyari ito dito sa academy. Ang kinakatakotan ng lahat ng student na mangyari at ano bang kamalasan ang dumikit sakin at ako pa talaga ang makakaexperience nito. And it will surely bring shame on my family but what can I do? Nangyari na ehh wala na akong magagawa kundi ang tanggapin nalang.

I am praying na hindi malaman ng grandparents ko dahil for sure madidisappoint na naman yun sa'kin. Buti nalang ang parents ko natanggap nila. As my Daddy said "In every step of innocent brings you in new things and move you further" at sabi ni Mommy "Never use your failure of yesterday as an excuse for not trying again today, we may not be able to undo the damage but we can always make a new start. Learn to suffer but never learn to surrender". Ang supportive talaga ng parents ko at dapat ko daw gamitin ang name ko to give hope to anyone and encourage them to have faith in GOD.

Ang mga kuya ko at si bestfriend binigyan nila ako ng lakas ng loob. Exciting daw ang mga happenings sa life ko at good luck din daw sa migration ko sa boys world. Ewan ko sa mga yun kasi mas Masaya pa sila sa nangyayari sa akin. This is my first day sa boys building... OO umabot na 10 warnings ang records ko sa guidance kaya nalipat tuloy ako sa boys building. Kapag more than 10 na ang guidance warnings mo for sure malilipat ka sa boys building & everyone find it so kahiya. Even the mean girls & bullies iniiwasan nilang mangyari kasi turn off yan!!!

Paano ba ako makikisabay sa mga lalaki? Kung sa bagay, I grew up with my male cousins and my bestfriend...as in sa iisang bahay lang kami nakatira kaya masasabi kong mas comfortable akong kasama ang boys kaysa mga girls. Sabi ni Mommy namana ko daw kay Daddy ang pagiging late kaya ngayon unfortunately late na naman ako. Naglalakad na ako ngayon sa hallway nang may nakita akong group of students kaya I will try yong itinuro ni kuya baka sakaling effective din.

"Hey guys! Sinong matapang dito?" Inaamin kong kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang kakalabasan nito. Tumingin silang lahat sa'kin yung isa nakapamiwang tingin sakin from head to foot at yung isa naman umakbay sa katabi niya then nagsmile sa'kin.

"Abat kung makasigaw naman toh!" ->BOY 1

"Kababaing tao ang lakas ng loob" ->BOY 2

"Narinig niyo ba ang isinigaw ko?" It's not that further now..hmmm...I am getting nervous. I knew I would pero lumapit pa din ako sa kanila. Naexperience niyo ba yung every step mo ay subrang kaba ni heart at nangingig ka na. "Bilis sagot!"

"We don't take orders from you nerd. Who do you think you are?" ->BOY 3

"Pasensya na guys, wala akong time para sa mga katanungan niyo ehh" He said something nervous-makin'. But...Ahhh! Whatever!!! hindi dapat mag-step back ehh nasimulan ko na kaya dapat taposin. "Ako naman ang naunang nagtanong diba? Baka gusto niyong sagutin kasi I don't have enough time at nagmamadali talaga ako. Sagot na please!!!"

"Look at her she's not afraid of anything. Talagang sinadya pa talaga niya tayo dito sa building natin" ->BOY 4

"Ako ang matapang dito! Bakit? Lalaban ka?" ->Xander

"Hindi ahh" Wow! Ako daw hindi natatakot? Ehh Suicidal na yata itong ginagawa ko. Kung alam lang nila ehh parang gusto ko na ngang mahimatay ngayon ehh. Tiningnan ko si matapang guy hmm Gwapo na nga tapos matapang pa? Good catch! And kilala ko pa siya. Si Xander ang Member ng Baketball team. Pero Lord...kinakabahan na ako sa mga pinagsasabi ko. "Survey lang po!"

"Sira ulo ka pala ehh! Ang angas-angas mo tapos survey lang? At dumayo ka pa talaga dito sa teretoryo namin para sa survey na yan. Gusto mong masaktan?" ->Xander

"O-M-G! Ikaw na nga ang hinahanap ko" Clap-clap with talon-talon dahil sa tuwa kasi nakita ko na ang lalaking hinahanap ko. Alam kong naguguluhan sila sa reaction pero Masaya ako ehhh!

"Hoy! Babae pinagloloko mo ba talaga kami?" ->Xander

"Hindi ahh...Dude!" I am referring to Boy gwapo na nga matapang pa Xander. "Ihatid mo naman ako sa classroom namin ohh. Late na kasi ako ehhh. Natatakot ako sa teacher"

"Hahahahaha....laugh trip toh! Ayos ka rin nuh? Ang lakas mong mangtrip. Wag mo nga kaming idamay dyan sa kalukohan mo" ->Xander

Hala may nakakatawa ba sa sinabi para mag-unahan sila sa pagtawa? Duh! Hindi ba nila nakikita na seryoso ang face ko? "Hindi ko..." kahit kailan sapaw.com talaga itong si Ma'am Guidance.

"Ms. Murallon kabago-bago mo palang sa boys building tapos naghahasik ka na ng lagim?"->MRS. MONTES

"Good morning ma'am" With my signature bow and smile kasi may naisip na naman akong new plan. Hay!!! Umaayon talaga ang kapalaran sa akin. Sure kasi ako na mas effective ang new plan ko ehh.

"Ibang klase ka talagang bata ka. Nalipat kana nga dito tapos good vibes ka pa din? Hanep!" ->MRS. MONTES

"Ma'am siya po pala yung record breaker? Hindi halata sa looks niyang nerd..." ->BOY 2

"Hindi nga makakaila kung bakit nandito yan. Ang pilya ehh! (Tingin kay Monique) you're worthy for your title" ->Xander

"Ms. Murallon late ka na sa first class mo. Ano pa ba ang ginagawa mo dito?" ->MRS. MONTES

While staring to Xander napastep back ako kasi naman ngayon ko lang narealize at pumasok sa brain cells ko ang facts about Xander na he's reputed na pumapatol nga siya sa mga girls. Hindi para maging gf kundi as in black eye talaga! Scary diba? Inayos ko ang Eyes glass ko at ngumiti sa kanilang lahat. "That's the reason why I conduct a survey ma'am. Aha! What if ikaw nalang po ang maghatid sa akin sa classroom ma'am baka sakaling matakot din sayo ang teacher namin"

"Hay naku! Kahit kailan pasaway ka talaga. Mas mabuti pat pumasok ka na bago pa kita bigyan ng panibagong punishment" ->MRS. MONTES

"Opo!!! Salamat nga po pala sa oras mga kuya" With my signature bow at umalis na ako sa harapan nila. Kailangan ko nang matapang na tao na maghahatid sakin sa classroom. Yung tipong pati teacher hindi makakapalag? Para naman hindi ako mabigyan nga punishment dahil late. 

Miss Popular MagnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon