Rain ☔ #10

34 2 0
                                    

#SuperSablayShamefulScene2

#comfortroomcase

#umbrellaboyintherain

MONIQUE'S POV:

Because of the hallway incident, I am going to make a slogan for toilet cubicles. Humingi ako ng tulong sa bestfriend ko para gumawa nung slogan. Actually hindi ko pa nga nakikita ang slogan na gawa niya ehh, kasi sabi niya siya na daw mismo ang magpapalagay nun sa janitor. Ohh, di ba? Wala na akong aalahanin pa! Kaya naman ang gaan sa pakiramdam na sa wakas matatapos na ang obligation ko sa guidance.

Teka... bakit parang wala yata akong bag na dala ngayon? Kung mamalasin ka nga naman! Sa lahat ng maiiwan ko sa bahay ay ang bag ko pa at talagang ngayon ko lang napansin nasa loob na ko ng campus. Nagiging makalimotin na yata ako ehh! Siguro dala na din sa pagmamadali ko kanina dahil excited na akong makita ang slogan na gawa ng bestfriend ko.

Anyari? Bakit kaya nila ako pinagtitinginan? Yun ibang girls nagtatawan nung dumaan ako sa group nila. Yung iba naman nag-hello at nag-hi sa'kin! Wait a second...feeling ko may mali dito ehh! Whooo...I need to find it out!

Some of girls told me that was the best slogan written on the toilet wall. Nagmamadali akong naglakad papuntang Cr para tingnan kung ano ang sinulat niya dun. Pag dating ko sa Cr ang daming mga girls na kanya-kanyang kumpolan at bulungan with looking at me. Ano kayang problema ng mga toh? Pumasok ako at unang hinanap ng mga mata ang slogan then I read it...

"Treat me well, keep me clean, then I will not tell anybody what I have seen"My goodness!!! Bakit? Bakit ganito ang ginawa niya? I am expecting more than this but why? Hindi ba niya alam na maaring ikapahamak ko ang ginawa niya. Ang sarap talagang maging Bestfriend nung Bestfriend ko nuh? Bakit ba kasi hindi kami magkaalyansa sa prank time ehhh... Kaya pala ang aga niyang umalis at hindi niya pinakita sa'kin ang gawa niya. Now I know kung bakit isang note lang iniwan niya for me kaninang umaga sa table ko.

I am trying to call him but he's not answering his phone. For sure alam na niya kung bakit ako napatawag and if I know he already knew it na tatawag ako sa kanya. Nakakainis diba? Nakakailang calls na ako sa kanya pero wala man lang kabalak-balak sumagot. Until ako na mismo ang pinatawag ng Guidance at pumanta ako. Hindi naman ako binigo ng instinct ko dahil tama ako sa aking hinala na bad ang aabutan ko dun.

Hiyang-hiya ako kay ma'am dahil dun sa slogan nayun! Syempre kailangan kong tanggapin ang charge, alangan namang isisi ko kay bestfriend ang lahat. As if naman papaniwalaan nila ako dib a? ano bang pakialam nila sa bestfriend ko at kahit sabihin ko pa ang katutuhanan wala din akong sulot dahil magbaback fire lang ang lahat sa'kin. Oo nagkamali nga ang best friend ko pero hindi naman aabot sa ganito kung hindi ako naging tamad para ipagawa sa iba ang bagay na dapat ako mismo ang gumagawa. At least may natutunanan naman ako sa nangyaring ito.

Dahil sa slogan na iyon, here I am and ready to clean the girls comfort room "CR" for short naparusahan ako lalo. Pinag-tatawanan pa nga ako ng mga girls kasi natulala na ako sa subrang pag-iisip kung saan ba ako mag-uumpisa sa paglilinis. Wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay. I am going to be crazy sa mga nang-yayari.

Nung pumasok si Christal, natuwa ako kasi atleast may makakausap na ako kaya lang kung anong kamalasan ang dumikit sa kanya, nadulas siya at naitulak pa niya ako. And accidentally nasira ko yong faucet kaya nag-burst out ang water sa direkyon sa kalalabas lang sa cubicle na Teacher. Nung nakita ko yun agad akong nag-panic dahil hindi ko alam kung papaano pigilan yong tubig kaya hinarang ko nalang ang body ko sa tubig pati nga ang SAJ nakitulong na din sa akin.

Gosh!!! Super basa na nang uniform naming lahat ng nandun! Paglabas naming sa Cr lahat yata ng students napapatingin sa'min. Sinamahan ko muna ang SAJ papunta sa locker para makapagbihis na sila. Hindi muna ako nagbihis dahil pinapatawag na naman ako sa guidance office. Lahat ng madaanan ko napapatingin sa'kin mastudents man o teacher yan. Pagdating ko sa office ang daming nagreklamo sa akin sa guidance office kaya confirm na hindi pa tapos ang bond ko sa Guidance. Masyado na yata akong attach sa Guidance office na parang magnet na hinihila ako sa office nila.

Miss Popular MagnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon