Don't Flatter #5

43 1 0
                                    

#DirtyMindedPart2

MONIQUE’s POV: If you are going to ask about my weekend hmmMm ang masasabi ko lang ay wala lang, usual weekend lang, nothing special happened.

Sino ba naman ang makakapag-enjoy kung ang isip mo parating nasa problema sa school.

Monday na ngayon at kailangan ko pang harapin yung reklamo na hindi ko maintindihan kung merong ganun sa guidance.

Nagkasalubong kami ni Mr. Handsome Ghost sa hallway papuntang Guidance office.

Hindi man lang ako pinansin? Wala kahit isang tingin. hi o hello...

As dedma na parang hindi man lang niya nakita. Galit pa din? Hindi maka-move on?

Kung sa bagay hindi naman kami close para pansinin niya!

Sabay kaming naglalakad yung tipong same ang every step namin but ang layo ng distance namin sa isat-isa nasa kabilang side siya at nasa kabilang side din ako.

Nahiya na nga space sa aming dalawa ehh super welcome ang lahat na makasalubong namin sa laki ng space sa center.

Pag-dating namin sa door ng office hmmp nagkatinginan kami maybe nagtatanongan using tingin kung sino ang mauuna kasi nagkaipitan kaming dalawa nung last ehh..Nauna na akong pumasok sa kanya sa guidance.

Hayy!!! Mas Masaya sana kung kasing gwapo niya ang kasabay mo kapag naka-smile, in his case?

Parang parating galit na iwan… umupo siya sa chair na kaharap ko at super cool niyang tingnan...

"Wala pa pala si Ma'am nuh?" Gosh finally nasira ko ang katahimikan sa pagitan namin. wala pa kasi si ma'am at 5mins na kaming dalawa naghihintay dito.

"Obvious ba?" -> Owen

"Sabi ko nga ehh" hmm ang sungit talaga nitong taong toh at ang rude & cold pang kausap.

Teka kanina ko pa napapansin ka nakatingin siya sa akin... OMG!!! Bakit sa tuwing tumitingin cya sa akin parang kinakabahan ako at nahihiya? kaya para hindi halata na affected ako sa kanya, i open my book para busy-busyhan.

"Anong ginagawa moh? Busy ka pala huh?" -> Owen

"Huh?" OMG!!! napansin niya? ganun ba ako ka obvious? mas pinili kong wag siyang pansinin kaya patuloy ako sa busy-busyhan umano. Nagulat nalang ako nung hinablot niya ang book ko at... gosh! Pahiya ang beauty ko.

"Stupid nerd...Anong bang nababasa mo kung baliktan ang libro? Hey, don't flatter yourself because I am looking the painting behind you" -> Owen

GOSH!!! What to do? Ayan naman kasi wag mag-assume para hindi mapahiya... "For your information hindi ako nag-babasa, okay? Nag-memorize ako at technique ko na talaga na ibaliktad ang book para hindi ko masilip...Gets?" pweew!!! Sana naman tanggapin niya ang alibi ko...

 
"Whatta lame alibi" -> Owen 

"Mr. Handsome Ghost please don't flatter yourself because i'm not even affected in your presence..stares pa kaya?" Syempre in calm and nice way kong sinabi sa kanya yun. Kununot lang ang noo niya at patuloy lang sa katitig sa painting umano kaya ako naman I ignore him nalang din kasi nadala na ako nung unang kahihiyan ehh... Pero bakit feeling ko talaga na ako ang tinititigan niya ang I really hate that feeling. Malaki ang pasasalamat ko nung dumating na si Mrs. Montes.   

Miss Popular MagnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon