Zein Point of View
Unti-unti kong minulat ang mejo inaantok ko pang mga talukap ng tamaan ito ng sinag ng araw. Bumangon na ako sa kama saka nagtungo sa banyo para maghilamos. Nagtungo ako sa may sink saka binuksan ang faucet.
Umagos don ang malamig at mala crystal na kulay ng tubig. Inilapat ko ang kamay ko roon at ipinanghilamos saking mukha. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Ipinugong ko ang gulo gulo kong buhok saka lumabas sa banyo. This will be another Hell day for the students.
Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko ay bumungad sakin si Shark na nakasandal sa may gilidan ng pader malapit sa may pintuan ko habang nakakrus' ang dalawa nitong braso. Well, wearing his usual poker face. Naagaw ng atensyon ko ang isang pusang itim na nakapasan sa kaliwang balikat nya.
Nang mapansin nya ang presensya ko ay naalis na ito sa pagkakasandal sa pader saka tumingala para makasalubong ang mata ko since hanggang bewang ko lang sya. Panandalian akong yumukod para hindi na ito mangalay pa.
"Raze wants to talk to you. Follow me " ilang saglit pa ay nagsimula na itong magmartsa papunta sa unang palapag since sa ikalawang palapag ang kwarto ko. Pero teka, Raze? Kala ko ba dad na ang tawag nya kay Raze? Bakit parang balik na naman sila sa back to start? Cold treatment?
Iniling ko ang ulo ko sa dami ng katanungang bumabagabag sa isipan ko. Wala ng lugar sa utak ko para isipin pa ang ganoong kaliit na problema. Baka wala lang sa mood ang batang yun'.
Ilang saglit pa ay dinala ako ng paa ko sa kakasunod kay Shark sa may garden kung saan mayroong kubo. Ng maihatid ako nito walang pasubaling agad itong umalis. Tinitigan ko si Raze pero tanging kibit ng balikat lang ang iginanti nito.
Di pa man ako nakakapagsalita para itanong kung bakit nya ako gustong makausap ay inunahan na nya ako.
"We don't have time now Zein " seryoso nitong wika.
"Masyado na tayong maraming nasayang na oras para mabawi muli ang PHU. Kelangan na nating magstick sa panibagong plano" pagdudugtong pa niya.
"Anong klaseng plano? " ani ko.
"Iyan ang pag-uusapan natin" wika nya sabay lingon sa likudan ko. Out of curiosity sinundan ko kung saan nakatingin ang mga mata nya.
"Mpabuti naman at dumating na kayo" ang kaninang seryosong mukha ni Raze ay mabilis na napaltan ng maaliwalas na aura.
Agad na nagsipasukan sa kubo ang mga bagong dating na sina Dave, Mia, Matt at Jerome. Saglit si Vanessa?
" Si Vanessa? " bungad kong tanong sa kanila ngunit lumingon lang yung tatlo kay Jerome.
"Maaga raw umalis sabi nung katulong na nakakita sa kanya. Nakapagtataka raw na medyo madilim dilim pa ng umalis ito. " pagpapaliwanag ni Jerome. Napatango naman kaming lahat sa tinuran nya. San naman kaya pupunta ang babaeng yun'? Masyado na syang malihim sa mga kilos nya at hindi ko iyon ikinatutuwa. Vanessa must be hiding something.
"Shall we start?" pagbubukas ng usapan ni Raze samin. Agad naman kaming nagsitanguan.
"Plano." Panimula ni Raze
YOU ARE READING
The New Generation (Hell Univesity FANFICTION)
FanfictionZein Shion expect their time spending on Hell University had already ended, where killing is legally said by the Headmistress of the University. Everything run smoothly but the tie still binds at them and make another generation to continue what was...