Chapter 34 His Anger

11.6K 368 367
                                    

Ace's Point of View

Sumiklab ang di matawarang galit sa buong sistema ko oras na lumagunos ang isang bala ng baril sa katawan ni Zein. Di ko halos mapangalan ang galit ko. Nandidilim ang paningin ko.

Isang baril pa sa kanya Rivera, di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.

Pasikretong kumuyom ang magkabila kong palad ng umugong sa pandinig ko ang hiyaw ni Zein.

"Isang maling kilos nyo pa at sa bungo na nito tatama ang sunod na bala." Pagalit na sabi ng Headmistress.

Subukan mo lang.

"Zein!" magkasabay na sigaw nina Mia at Vanessa sa ngarag na boses na wariy maiiyak na. Maya maya pa'y pinakatitigan ko ang Headmistress na noo'y sumesenyas na. Pinipilit ko ang sarili kong iwasang mapatingin kay Zein na puno ng dugo ang mukha maging katawan, dahil baka mapatay ko sa loob lang ng segundo ang Headmistress at hindi nya magugustuhan yon' kung sakali.

Inihiga ang katawan ni Shark sa harapan ng Headmistress. May kung anong ginawa ang isa sa mga tauhan nya para tuluyan itong magkaroon ng malay. Agad naman siyang itinayo ng lalaki. Sa gilid ng mata kita ko ang pabalyang pagbato ng Headmistress sa katawan ni Zein. Malinaw sa paningin ko ang pagguhit ng matinding sakit sa mukha ni Zein ng itinayo siya ng ayos nung bantay nya. Napatiim ako ng bagang. Damn it!

Inilipat kong muli ang paningin sa unahan. Ramdam ang rahas ng pagkakahawak ng Headmistress sa panga ng anak ng Raze.

"Hayop ka Rivera! Hayop ka!" puno ng galit na bulong ni Raze para sa dinadanas ng anak nya sa apelyidong isinusumpa nya.

Nabalik lang ang tingin ko sa harapan sa biglaang pagsigaw ni Zein.

"Raze! isa yong' droga!" pilit nitong sigaw.

Nagkukumahog namang kumawala si Raze sa pagkakaantabay sa kaniya ng dalawang lalaki. Di na pinansin kung malagay man sya sa panganib sa biglaang pagkilos mailigtas lang ang anak nya.

Itinuon ko ang paningin muli sa harapan sa pag aasam na wala akong malilikdangan na pangyayari at di nga nakaligtas sa paningin ko ang pagbaril muli ng Headmistress sa katawan ni Zein.

Namuhay sa buong sistema ko ang kanina ko pang pinipigilang galit. Magsisisi ka Rivera na muli mong ginamit ang baril mo sa babaeng pinaputukan mo.

Kusang kumilos ang katawan ko dala ng umaapaw na galit. Inikot ko ng sabay ang braso ng dalawang taong nakahawak sakin at pabalyang itinulak sa lupa, bago pa ang mga ito makasigaw ay malakas na sipa ang iginawad ko sa mga mukha nila. Tinitigan ko ang ilang tauhan na biglang napaatras sa matalas kong tingin.

Walang kaide ideya ang Headmistress sa nangyayari sa puwesto naming ngayon. Sakop ng mata ko ang pabalyang pag alis ng headmistress sa panga ng anak ni Raze. Nagtitimping inihirap niya samin ang baril at man lang napasing nakawala na ako sa pagkakahawak.

Mabilis na humugot ang kamay ko palikod at agad na pinaputok ang baril sa kamay ng headmistress dahilan para mabitawan niya ang hawak na baril.

Walang pag aalinlangang inaro ko ang baril sa may bandang puso nya. Sinasabi ko sayo Rivera, kaya kitang patayin sa loob ng Segundo.

"You will fucking regret that you shoot her fucking twice Headmistress."

Punong puno ng galit ang mata ko, lalo pa itong nadagdagan ng dumapo ang paningin ko kay Zein na unting unti ng pinapanawan ng lakas at pagsasara ng talukap. Unti unting kinakain ang pagtitimpi ko hanggang sa wala ng matira.

Diretso akong naglakad sa pwesto ng Headmistress. Wala akong pakialam kung namamatay ang halos lahat ng pinaputukan ko ng bala ang mga nagbalak humarang sa dinaraanan ko papunta sa pwesto ng Headmistress. Naging blangko bigla ang paningin ko. Parang bumalik ako sa dating ako ilang taon na ang nakalilipas. Walang awa kung pumatay.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now