The logic is mine, do not intend plagiarize this. Thank you! :<) If you want, try to answer this logic don't worry it was easy!
"PLAGIARISM IS A CRIME"
-kuya KIBZein Point of View
Pagsapit ng gabi napagpasyahan naming lahat na magbonfire sa beach. Since medyo malamig lamig ang klima ngayon.
"Nazzer ano na?" nakangising tanong ni Jerome.
Actually silang dalawa ni Nicky ay nandito at kasama namin. Nagulat nga kami ng makita namin sila kanina sa beach kung saan kami nakapwesto kanina.
Kumunot ang noo nya " Anong, ano na?"
"I mean, naka score ka na ba?" napailing na lang ako sa biglang pagtingin ni Jerome kay Nicky.
Natawa kaming lahat ng pinamulahan si Nazzer at Nicky. Mga kalokohan talaga ni Jerome.
Lalo kaming natawa ng sakalin sya ni Nazzer "S-score s-sa ba-basketball ang t-tinutukoy k-ko tama na!"
Itinigil naman ni Nazzer ang pagsakal saka muling umupo "alam mo na di ako maalam magbastketball" sagot ni Nazzer.
Dahil dun nagsitawanan sina Matt, Dave at Jerome. Bakit anong nakakatawa?
"Guys! simula na tayo!" sabay sabay kaming napalingon kay Raze na may dala dala isang box.
Umupo naman sya katabi ni ate. Wala si Shark dahil di sya pinayagan lumabas nina Raze at Ate.
"What's the game?" tanong ni Mia
Nginitian muna kame ni Raze bago tuluyang sumagot "Logictimate"
Napakunot lahat kame ng noo, logictimate? "It comes from the word lagitimate. To make it unique, let's change it into Logictimate"
Sabay sabay naman kaming napatango maliban sa katabi kong si Ace na malalim ang iniisip na nakatingin sa may apoy.
"Ganito ang rules, since sakin nagmula ang mga logic ako ang magtatanong at kayo naman ang sasagot. Simple lang ang gagawin, ang unang makasagot sa una kong tanong ay ligtas na at ang huli naman na walang katamang tamang sagot" ngumiti sya "will face the consequences. Hahalikan nya ang naunang nakasagot sa tanong ko. Don't worry kahit saan pede, kahit sa kamay ayos lang"
Meaning kapag ako ang naunang nakasagot at ang huling nakasagot naman si vanessa ay hahalikan ako ganun?
Aapela sana kami ng pigilan kaming lahat ni Raze "Hep-hep! walang aangal. Edi kung parehas babae man o lalaki, a friendly kiss will do" tumayo sya sa pagkakaupo at hinila nya naman patayo si ate Allison.
"syempre, di ka pedeng sumali" hirit ni Raze. Nakatanggap naman sya ng batok kay ate pero nanatiling tahimik si ate at hindi na kumontra pa.
YOU ARE READING
The New Generation (Hell Univesity FANFICTION)
FanfictionZein Shion expect their time spending on Hell University had already ended, where killing is legally said by the Headmistress of the University. Everything run smoothly but the tie still binds at them and make another generation to continue what was...