Chapter 33 Riot

4K 118 19
                                    

Zein's Point of View

Naging mabilis ang pagkilos namin sa pagtahak papunta sa malawak na field. Gaya ng inaasahan, nakaukit ang malaking ngisi sa mukha ng Headmistress, animo'y sa kanya ang pagkakataon na ito.

Sa kabila ng engkwentro kanina, may mga tauhan pa din syang nakaantabay sa kaniya. Matibay ka Headmistress, saludo ako sa tapang na pinapakita mo, tsk.

"AHCK!" palahaw ng isang tinig. Napunta ang paningin naming lahat sa pinagmulan ng tinig at lumitaw sa paningin namin si Shark na mariing hawak ng isa sa mga tauhan ng Headmistress sa buhok. Sa oras na ito, napawi ang nakasanayan naming mga malalamig na mata ni Shark, pinupunan ito ngayon ng sakit dahilan para maramdaman ko ang nag uumapaw na galit ng mag asawa sa kalagayan ng anak. Mismong ako ay di mapangalanan ang galit na nararamdaman sa oras na mapadapo ang paningin kong muli sa Headmistress.

Umihip ang malakas na hangin . Pero hindi niyon napawi ang kaba at galit naming lahat nung oras na hatakin ng Headmistress si Shark sa tauhan nya.

Sa ikalawang pagkakataon muling nangibabaw ang hiyaw ni Shark ng hilahin sya ng Headmistress sa buhok, batid kong mahigpit ang hawak nito dahil halos lumabas na ang mga ugat nito sa kamay. Tumawa ito ng pagkalakas lakas.

"Masakit ba?" turan ng Headmistress sa hawak hawa nya.

Kahit nakaangat ang paningin ni Shark dala ng pagkakasabunot hindi nakaligtas sa paningin namin ang maliit nitong pagngisi. "Damn you woman" Sagot nito pabalik.

Umakopa ang gulat sa mukha ang headmistress, maging kami sa isinagot ni Shark. Agad din namang nakabawi ang headmistress sa narinig. Nanggigilaiti nitong ihinarap sa kanya ang bata at pagkalakas lakas na sinampal. Dahil sa nakatalikod samin si Shark, napunta sa kanang diresyon ang mukha nito sa lakas ng pagkakasampal. Kahit nakatagilid ito alam kong mabilis na namula ang kabuuan ng kaliwang pisngi nito.

Unti unting pinaling samin ni Shark ang paningin kahit nanatili itong nakatalikod.

"Wala kang modo na bata ka!" gilalas na saad ng headmistress dito. Ngunit nanatili ang paningin naming kay Shark ng iminuwestra nito ang bibig na wala man lang lumalabas na tinig pero sapat na para maintindihan namin ang sinabi niya.

"I got this." Aniya saka tipid na ngumiti na madalas nya lang gawin. Muli syang humarap sa Headmistress at sinalubong ang nagbabaga nitong mata para sa kanya.

Natigilan kami. Hindi mo deserve ito Shark, masyado ka pang bata...

"Ang hina naman nun Headmistress." walang galang ganti ni Shark. Kahit nakatalikod ito, batid naming umarko pataas ang sulok ng labi nito. Mas dumoblepa ang galit ng Headmistress para dito dahilan para biglaang kunin ang hawak na baril ng tauhan nya at walang prenong isinampiga ito sa mukha muli ni Shark.

Muling napaling sa kaliwang direksyon ang mukha ng kaawa awang si Shark. This time tuluyan ng may lumabas na dugo sa labi nito.

"Itigil mo na yan Rivera! Maawa ka bata pa yang pinapatulan mo!" Pakiusap ni Mr. Razon na bakas ang pagkaawa para kay Shark. Napatingin ako kay Raze ng magsalita ito, ang paningin nito ay nasa baba na. Di masikmura ang kawalanghiyaan na ginagawa ng Headmistress sa anak nya.

"Tumigil ka na Violet." Aniya , pero mukhang hindi sya narinig nito dahil kasabayan nyang nagsalita ang Headmistress sa pasigaw na paraan.

"E kung tinuruan sana ng magulang nito ang mayabang na batang to na rumespeto sa nakatatanda edi di nya nalasap yan!" pagdadahilan nito.

Sa ikalawang pagkakataon muling nag angat ng tingin si Shark saka nagsalita. Tama na Shark... bulong ko sa isip ko.

"Unang una pinalaki ako ng magulang ko ng maayos." Dipensa ni Shark sa sinabi ng Headmistress laban sa magulang niya. Napaangat bigla ng tingin si Raze at napatingin sa anak.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now