Zein's Point of View
Naalimpungatan ako sa lamig ng temperaturang yumayakap sa katawan ko.
Nang makabalik ako sa katinuan, saka ko lang napansin ang paligid. Halos pang experimento ang pulos na kagamitan na pumupuna sa buong silid.
"Z-zein..." Usal ng isang tinig.
Inilibot ko ang mata ko, hanggang sa mapadako ang tingin ko sa larawan ng babaeng nakaupo sa medyo may kalumaang silya.
Umahon ang galak sa sistema ko.
"Vanessa!" Sigaw ko. Mababakas ang saya sa tinig ko.
Balak ko sanang takbuhin ang ilang metrong pagitan namin ng may biglang humigit pabalik sa dalawang braso ko.
Nagpumiglas ako para makawala, subalit di hamak na mas malakas ang nakahawak sa akin.
"You're awake, finally Zein..."
My jaw clenched. Isang iglap naalala ko lahat ng nangyari kanina.
"Plat, ready everything. We're going to start immediately. " nakangising ani nito.
"Alright madam." Segunda ng isang babae saka kumilos. Maging ang headmistress ay umalis malapit sa pwestuhan namin. Ang lahat ng tao sa laboratoryo ay muling naging okupado. Sa kasamaang palad, hindi kami iniwan ng mga nagbabantay samin.
Gayunpaman, isinantabi ko na lang ang narinig ko dahil tutok ang paningin ko kay Vanessa. Mabuti na lamang at ligtas sya.
"Zein."
Napalingon ako sa gawing kanan ko, nasulyapan ko si Mr. Razon. Nagpapasalamat akong ligtas din sya matapos nyang maglaho kanina.
Lumingon muli ako kay Vanessa ng may isinasatinig ito gamit ang mababang tono ng boses.
Luminga linga ako sa paligid nagbabakasakaling may makakita sa ginagawa ni Banessa. Mabuti't abala parin ang lahat, idagdag pang parang walang pakialam ang tagabantay ko. Muli kong binalik ang pasada ng tingin kay Van.
Pinagmasdan ko ang bawat paggalaw ng bibig nito ng sa ganon ay makuha ko ang pinapahiwatig nito.
Una nitong binigkas ang letrang "W", pumangalawa ang "A", sinundan ng "T", at pumanghuli ang "O".
Sinubukan kong bigkasin ito ng buo.
"WATO..." (Where are the others)
Kusang kumunot ang noo ko. Binigkas ko pabalik sa kanya ang sinabi nya sakin ng wala ding nililikhang tunog sa bibig.
"WATO?" kunot noo kong tanong.
Saksi ko ang mariin nitong pagpikit. Nahuli ko ang paggalaw muli ng labi nito na di ko gaanong naintidihan. Animo'y pinapagalitan ang sarili.
"Shit."
Ano bang meron sa sinabi nya?
"Wato... wato..." Pag-uulit kong bigkas sa isip ko. Posible kayang may ibig sabihin iyon?
Sa pagmulat ni Vanessa ay napalabi na lang ito. Ano bang ibig nyang sabihin?
"COTM." aniya. Mas dumoble lalo ang pagkakunot ng noo ko.
"Zein..." Sabad ng isang tinig, batid kong si Mr. Razon ito.
"Bakit?" Sagot ko pero kay Vanessa pa rin ako nakatingin na ngayo'y mayroon muling sinasabi na di ko gaanong muling maintindihan.
YOU ARE READING
The New Generation (Hell Univesity FANFICTION)
ספרות חובביםZein Shion expect their time spending on Hell University had already ended, where killing is legally said by the Headmistress of the University. Everything run smoothly but the tie still binds at them and make another generation to continue what was...