Zein's Point of View
"Me and you..."
Panandaliang tumigil ang pag inog ng mundo ko.
Ang target. Nasa harapan ko.
"Yes, this game is literally hell. Hindi lang ang hunter ang maglalaro kundi pati ang target. It's either kung ikaw ang mamamatay o ang target."
"Finally. We've met again Miss Shion." Umangat ang isang sulok ng labi nito.
"Nasaan si Vanessa?" matapang kong tanong. Pilit kong isinantabi ang namumuong kaba sa dibdib ko.
Humakbang ito papalapit sa akin dahilan para maiatras ko ang lakad ko ngunit sadyang mabilis itong kumilos na ngayon ay ilang metro na lang ang pagitan nito sa akin.
Naramdaman ko ang mainit nitong pagbuga ng hininga malapit sa aking bandang tenga.
Sa gilidan ng mata ko ay nakita ko ang lalong pagtaas ng sulok ng labi nito.
"Nakakalungkot namang si Vanessa ang hinahanap mo gayong hindi sya ang kasama mo sa mga oras na ito." bulong nya at marahang inilayo ang sarili sa akin.
Mabilis na napapintig ang puso ko.
Me and you...
Si Mr Razon!
Mabilis kong iginala ang paningin ko sa paligid nagbabakasakaling matagpuan siya ng mata ko bagama't naghahalo na ang dilim sa liwanag. Subalit walang nagpakitang Mr. Razon.
Ilang sandali pa ay ibinalik ko sa dating headmistress ang mga mata ko. Galit at pagtitimpi ang emosyong naglalaro dito.
Sa kabila kong kamay ay nanginginig ang ilang bahagi ng daliri kong nakahawak sa gatilyo ng baril.
"Anong ginawa mo sa kanya?" nagtitimpi kong tanong subalit inilingan nya lang ako senyales na wala syang balak sumagot.
Biglang nandilim ang buong paningin ko. Mabuti na lamang at idinistansya nya ang sarili nya dahil hindi ako magdadalwang isip na putukan sya ng baril mismo sa kanyang bungo.
In just a split second I witnessed how her eyes flickered.
"Bakit hindi na lang tayo maglaro?" pag-iiba nya ng usapan.
Segundo ang lumipas at nakatutok na sa ulo nya ang hawak kong baril. I'll fucking sue her until she begged for my forgiveness shit.
Natigilan lang ako ng pumalatak sa ere ang isa nitong kamay na animo'y may kinokontrol na isang bagay.
Napasigaw ako sa sakit ng maramdaman kong may hiwang naganap sa aking leegan. Mabilis kong naidampi ang isa kong kamay sa may bandang leeg ko. Sa pagdampi niyon ay naramdaman ko agad ang malapot na likidong nagmula roon.
Dugo. Dammit!
Napapiksi ako ng hindi lamang likido ang nadampian ko. Isang tansi. Namilog ang mga mata ko.
Kagyat kong ibinalik ang tingin sa kanya. Nanatili ang isa nitong kamay sa ere. Batid kong sya ang may gawa ng sugat ko.
Crap! It's her goddamn set up!
Seryoso itong nakatitig sa akin." You left me with no choice Miss Shion. "
Mabilis akong umatras sa kinatatayuan ko dahilan para malinaw kong makita ang tansi na nahaluan ng dugo ko. Bahagya pa itong gumalaw sa pag atras ko.
Kung sa unang titigan ay malabo mong makikita ang bagay na iyon kahit pa sabihin nating ikaw ang nagmamay-ari ng pinakamalinaw na mata. Bagama't nadampian ito ng dugo ay madali kong nasundan kung saan nanggaling ito.
YOU ARE READING
The New Generation (Hell Univesity FANFICTION)
FanfictionZein Shion expect their time spending on Hell University had already ended, where killing is legally said by the Headmistress of the University. Everything run smoothly but the tie still binds at them and make another generation to continue what was...