"Oh God, not again!" bulalas ni Jillian sabay subsob ng mukha sa unan.
Nasa kasarapan pa siya ng tulog nang bulabugin siya ng isang pamilyar na tunog na nagmumula sa likod ng bahay niya. Pikit-mata niyang inabot ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table. Alas dyes pa lang ng umaga. Tanginang life oh!
Linggo nang araw na iyon at day-off niya sa mula sa hotel na pinagtatrabahuan. Ang plano niya sana ay matulog buong araw dahil stressed siya sa trabaho- physically, mentally and financially. Hindi biro ang trabaho niya bilang club lounge manager sa Vega Hotel. But she loved her stressful work, nonetheless. Hindi siya tatagal ng limang taon doon kung hindi niya gusto ang ginagawa. Ngunit nang mga oras na iyon ay gusto niya lang talagang magpahinga.
"Damn it!" inis na usal niya nang magkaroon ng part two ang ingay sa likodbahay. Napilitan na siyang bumangon.
Hindi maipinta ang mukha niya habang pababa siya ng hagdan. Isa kasi sa mga pinaka-ayaw niya ay iyong iniistorbo ang tulog niya dahil nahihirapan na siyang matulog ulit. Kaya naman sa ganoong mga pagkakataon, lumalabas ang halimaw sa banga.
Nang marating niya ang likodbahay ay hindi na siya nagulat pa nang mapagmasdan ang dalawang basag na paso at nagkalat na lupa at mga bulaklak sa kanyang mini-garden. Hindi niya na kailangan pang manghula kung sino o ano ang may kagagawan ng krimen na iyon dahil ang salarin ay nasa mismong harapan niya at mukhang cool na cool lang habang dinidilaan ang mga paa nito. Natutop niya na lamang ang kanyang noo.
"Alam mo, kung hindi ka lang cute, ipina-chop-chop na kita sa palengke."
Ang tinutukoy nya ay ang alagang itim na Shi Tzu ng kapitbahay niya. Isang hanggang beywang na bakod lamang ang nakapagitan sa mga bahay nila kaya madaling nakakatalon doon ang aso kahit na may kaliitan ito. Matagal niya nang inilayo sa bakod ang mga nakapaso nyang halaman ngunit mukhang ginawa nang panata ng may saping aso ang magbasag ng paso sa tuwing napapadpad ito sa bakuran niya. Sa susunod nga, isusupot nya na lang ang mga halaman niya.
"Ginutom ka na naman ba ng amo mo?" patuloy na kausap niya sa aso atsaka pumalatak. "Itakwil mo na kasi yun." Isang kahol lamang ang isinagot nito sa kanya. Napa-iling na lamang siya atsaka kinarga ito papasok sa bahay.
Mag-iisang buwan nang alaga ng kapitbahay niya ang naturang aso at ganoon katagal na rin itong 'bumibisita'sa bahay niya. Noong una talagang binalak nyang ipa-chop-chop ito sa kakilala nyang matadero sa palengke dahil sa pamemerwisyo nito sa mga halaman nya. But then again, ayaw niya namang makasuhan ng animal cruelty. Isa pa, cute naman ang naturang aso kahit na topakin ito gaya ng may-ari nito. Kaya naman buong puso niya na lamang na tinanggap ang papel nito sa buhay niya. Katunayan may stock na siya ng dog food sa kitchen cabinet niya dahil naliligalig ang aso kapag hindi niya ito binibigyan ng pagkain bago ito iuwi sa amo nito.
Pagkatapos nyang pakainin ang aso ay kinarga niya itong muli atsaka siya nagtungo sa kabilang bahay. Isang maluwag na t-shirt at pajamas lamang ang suot niya. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit dahil tinatamad na siya. Hindi naman party ang pupuntahan niya. Ang importante, naghilamos siya.
"Jaco! Buksan mo 'to!" sigaw niya habang pinanggigigilan ang doorbell. Nang di siya nakuntento ay malakas niya ring binayo ang pinto.
Maya-maya pa ay narinig niya na ang pagpihit ng doorknob. Sa wakas! Mabubugahan niya na ng apoy ang kaaway. Bwahaha!
"Hoy mister! Sa susunod na..." her voice trailed off when instead of her neighbor, isang matangkad na babae ang nagbukas ng pinto. Naiinis siya dahil kailangan niyang tumingala dito. 5'2 lang ang height niya at tumatangkad lang siya kapag nakatakong. Kung alam niya lang na ito ang masisilayan niya nang mga oras na iyon, nag-heels sana siya.
BINABASA MO ANG
Falling For The Enemy
RomanceJaco need not say a word. One smile from him and you have no other choice but to fall for him. Magaling na journalist si Jaco. Bukod pa roon, guwapo ito at maraming fans. Walang babaeng tatanggi na maging kapitbahay ang binata. But not Jillian. Pa...