CHAPTER TEN

440 9 3
                                    

It was their last year in college at kabi-break niya lang noon kay Ed nang ipakilala siya ng pinsan nyang si Jaelie kay Jaco. Schoolmates silang tatlo ngunit magkalayo ang mga departments nila. She was taking up Hotel and Restaurant Technology samantalang Journalism naman ang kurso ni Jaco at ng pinsan niya. Kilala ang binata sa paaralan nila dahil ito ang team captain ng basketball varsity nila. But he wasn't her type then. He was lanky. Mukha itong kawayan na hinihipan ng hangin sa kanyang mga mata.

But everything changed when she finally stood right infront of him. Nang matitigan niya ang mga mata nitong kasing-itim ng gabi at bigyan sya nito ng isang matamis na ngiti, she had to bite her tongue to keep herself from screaming. At nang makipag-kamay ito sa kanya, she almost hyperventilated. Doon niya nalaman kung bakit maraming babae ang nagkakagusto rito. Jaco need not say a word. One smile from him and you have no other choice but to fall.

Eventually, they became friends. Madalas silang magkatext at magka-chat. She was not that dense to not know that Jaco was trying to flirt with her. Hindi niya rin naman itinago dito ang damdamin niya. She flirted back. Kaya naman asang-asa siya na may mutual understanding na sila.

Then one day, nakita nya itong nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Tatawagin nya na sana ito kung hindi niya lang narinig ang pangalan niya na binanggit nito.

"Si Jillian? Hindi siya ang nililigawan ko. I'm courting Kristina."

Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isipan niya ang sinabing iyon ni Jaco. Iyon ang dahilan kung bakit halos isumpa niya ang binata. Pinaasa lang siya nito.

Nang magkita silang muli pagkatapos ng ilang taon ay totoong natuwa siya nang makilala siya nito. Pero nakita niya kung gaano kabilis magpapalit-palit ng babae si Jaco. Muling nanariwa sa isipan niya ang nangyari noong college sila. Baka paasahin lang sya ulit nito or worse, ihanay sya sa mga girlfriends nito na pagkalipas lang ng tatlong araw ay nage-expire rin kaagad. She wouldn't let him do that to her. Doon nagsimula ang pag-iwas niya rito. Since then, she never let her guards down... until days ago.

Jillian, hindi ka nasa Maalaala Mo Kaya. Bakit nagdadrama ka riyan?

Biglang nag-pause sa isipan niya ang pelikula ng buhay niya. Bakit nga ba sya nagre-reminisce?

Nagbuga sya ng malalim na buntong-hininga atsaka nangalumbaba sa bintana ng kwarto niya. Ipinagpatuloy niya na lamang ang pagbibilang ng mga bituin sa madilim na kalangitan. Nang umabot sa sampu ang nabilang nya ay sumuko na sya. Masyadong marami ang mga bituin. Mauuna pa syang masiraan ng bait bago niya mabilang ang lahat ng iyon. Kaya pinagmasdan niya na lamang ang langit. It's funny how the darkness of the night reminds her of something. Baka someone? ungot ng isipan niya.

Automatic na napalingon siya sa kabilang bahay nang biglang mamatay ang ilaw na nagmumula sa kwartong kaharap ng bintana ng kwarto niya.

"Goodnight," bulong niya sa hangin.

Muli syang napabuntong-hininga. Ofcourse she was referring to 'him'. Si Jaco lang naman ang kilala niyang may mga matang kasing-itim ng gabi.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang makabalik sila galing sa Laguna. Siguro nga baliw talaga sya. Sinaktan na siya ni Jaco't lahat, pero ang galit niya dito ilang oras lang ang itinagal. Mas na nangingibabaw ang kalungkutan sa dibdib niya. Hindi niya na nakakausap pa ang binata. Hindi niya na ito nasisigawan. At hindi niya na rin nasisilayan ang mahiwaga nitong abs tuwing umaga dahil hindi na rin napapadpad sa bakuran niya ang abnormalin nitong alaga. She hasn't seen him for a week. And she missed him. So much.

Natigil ang pag-eemote niya nang mahagip ng paningin niya ang isang pamilyar na pigura sa madilim na terrace ng kabilang bahay. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya.

Falling For The EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon