Maganda ang mood ni Jillian nang magising siya kinabukasan. Nasa hotel siya at may usapan sila ni Jaco na sabay silang mag-aagahan. Nang maalala ang binata ay hindi niya mapigilang mapangiti. Hanggang ngayon hindi pa rin nila napag-uusapan ang tungkol sa 'something' na namamagitan sa kanila but she didn't need words anyway. Mas mahalaga sa kanya ang mga halik ni Jaco at ang kakaibang damdaming ipinadarama nito sa kanya.
It was just sad that they had to leave the place later in the afternoon. She'll definitely miss the sea. Lalo na't naroon ang alaala ng mga kissing scene nila ni Jaco. Napahagikgik sya habang inaalala ang mga moment nila ng binata. Kinikilig sya talaga.
Sinulyapan ni Jill ang cellphone niya. Pasado alas syete na. Ang huling text ni Jaco ay katatapos lang daw nitong maligo, and that was almost thirty minutes ago. Nagpahuli na nga sya dahil alam niyang mali-late na naman ito, pero nauna pa rin sya rito. Pambihira talaga. Napa-iling sya ngunit napangiti na lang din. Well, he won't be Jaco if he came on time.
Tinext na lamang niya ito na sa restaurant na lamang sila magkita at siya na ang bahalang um-order ng mga kakainin nila. Ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok sa restaurant ay isang pamilyar na mukha ang nakita niya sa di kalayuan, dahilan upang matulos sya sa kinatatayuan. Ang model ng napkin!
Nang maisipan nyang tumalikod ay huli na ang lahat. Nakita na siya ni Mailene. At ngayon ay taas-noo na itong naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Madapa ka sana!
"Hi. Jillian, right?" anito nang tumigil sa harapan niya. Hindi maarok ng isipan niya kung bakit kailangan nitong ngitian siya at magpaka-plastic gayong obvious namang ayaw nila sa isa't-isa.
"Pano mo nalaman ang pangalan ko?" she asked instead.
"Jaco told me he came here with you."
Saglit syang natigilan. "N-Nagkita na kayo ni Jaco?"
"Ofcourse. Hindi niya ba sinabi sayo?" Ngumisi ito. "Nagkita kami kagabi. Nag-explain siya sa 'kin. And he begged me to take him back. Ofcourse, I forgave him. And you know what else happened after that," makahulugang sabi nito.
Biglang nanlambot ang mga tuhod niya sa narinig. How could she have forgotten everything? Paano nga ba nagsimula ang lahat ng ito? Diba dahil sa ginawa niyang pagsira sa relasyon nina Jaco at Mailene? Ginawa siya nitong alipin dahil gumaganti ito.
For all she know, baka pakana ni Jaco ang lahat. Malamang sinadya nitong akitin sya habang naroon sila upang sa huli ay wasakin ang puso niya. At ngayon, narito na ang girlfriend nito... So bigla na lang syang mawawala sa litrato? Or was she even there in the first place?
Biglang nanikip ang dibdib niya at naramdaman niya ang panunubig ng mga mata niya. Gusto niyang kastiguhin ang sarili kung bakit hindi niya iyon naisip sa simula pa lang. How could she have let her guards down? Noon pa ma'y sinasabi niya nang hindi siya magpapaloko kay Jaco. Pero anong nangyari? Hinalikan lang sya nito ay bumigay agad ang puso niya. Ang tanga-tanga mo talaga Jillian!
"Anyway, it was nice seeing you. Goodbye, Jillian." Isang nang-uuyam na ngiti ang ibinigay nito sa kanya bago ito tumalikod.
Nang tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin ay saka lang nagpakawala ng hininga si Jillian. Ngunit ni hindi pa sya tuluyang nakaka-move on sa mga pangyayari ay heto at bigla namang sumulpot sa harapan niya si Jaco.
"Hey. Are you okay?"
Habang nakatingin sa mga mata nito ay gusto niya na talagang umiyak. He looked so sincere. He looked like he cared. Ganoon ba ito kagaling umarte at nagawa nitong bilugin ang ulo niya? He should've been an actor. Not a journalist.
"I-I'm fine," she answered, trying so hard to fight back her tears.
"Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?"
BINABASA MO ANG
Falling For The Enemy
Storie d'amoreJaco need not say a word. One smile from him and you have no other choice but to fall for him. Magaling na journalist si Jaco. Bukod pa roon, guwapo ito at maraming fans. Walang babaeng tatanggi na maging kapitbahay ang binata. But not Jillian. Pa...