Kinabukasan, nakipagkita si Jillian sa mga kaibigan nya sa paborito nilang coffee shop. Dahil sa dami ng nangyari nang nakaraang mga araw, bigla na lang nawala sa isip nya ang kasal ni Zara. Kung hindi pa ipinaalala ng supervisor niya kagabi ang tungkol sa one week leave nya, baka pumasok pa sya sa Vega nang araw na yun.
"Ja, hindi ko talaga kayang pumunta doon nang mag-isa. Samahan mo nalang ako, please!" pagmamaka-awa niya rito.
"Hindi nga kasi ako pwede this week. Ngarag ang madam Lana dahil mababa ang ratings namin kaya halos araw-araw kaming may meeting. May mga ire-rewrite na naman kasing scenes." Ang tinutukoy nito ay ang boss nito at head writer ng teleserye kung saan ito nagsusulat. "Lalo na at may tabloid issue pa dun sa second lead. Kaya kelangan niya munang mawala sa mga eksena for a while. Ka-stress!"
Obvious naman sa itsura ng pinsan niya na stressed nga ito sa trabaho kaya hindi niya na ito pinilit pa.
Binalingan niya na lamang ang babaeng katabi ni Jaelie— si Yumi. Bestfriend ito at apartment roomie ng pinsan niya na sa kalaunan ay naging kaibigan niya na rin. Yumi also owns a bar called MaKi. And she's probably the wildest and most spontaneous person she ever knew. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na nang bigla itong magpunta ng Mindanao para mag soul-searching ay muntik na itong makidnap ng mga NPA.
"Wag mo akong tingnan. Wala ako dito. Nananaginip ka lang," ani Yumi. Ayon kay Jaelie ay kaka-break lang ulit nito sa jowa nitong teacher. At kapag ganoong may pinagdadaanan ito ay mahirap itong iwanan dahil nawawala sa sarili kaya minabuti na ni Jaelie na isama ito sa lakad nila.
"Wala kayong mga kwenta eh. Ba't nagpunta pa kayo rito?"
"Pinalabas ko si Yumi sa bahay dahil ilang araw na siyang hindi nasisinagan ng araw," sagot ni Jaelie.
"Photosynthesis," dagdag ni Yumi.
"Gaga. Ano ka, halaman?" Nagpapadyak sya. "Eeeh! Ano na nga ang gagawin ko?"
Naisipan niya na rin namang palabasin nalang na isang oil sheik sa Saudi ang boyfriend niya o kaya isa itong austronaut na kasalukuyang nakikipagtuos sa mga aliens sa Mars, kaya hindi nito magawang samahan siya doon. Ngunit alam niyang hindi iyon paniniwalaan ni Gretchen. She was evil. Hihingi at hihingi ito ng matibay na ebidensya. Baka mabuko lang siya.
"Sabi ko naman sa'yo diba, kailangan mo ng dyowa," anang pinsan niya. She just rolled her eyes.
"Alam mo babae, hindi naman kailangang si Mr. Right agad ang iharap mo sa kanila," singit ni Yumi. "Maghanap ka lang ng magpapanggap na boyfriend mo. Basta yung marunong umarte at yung lamang ng isandaang paligo kay Ed."
"Magpapanggap na boyfriend? Sino?" Taken na ang lahat ng mga kaibigan nyang lalaki. At kilala nina Zara ang lahat ng mga pinsan niyang lalaki.
"Don't worry, be happy pinsan. I know exactly kung sino ang bagay na bagay para sa role na 'to." Bigla syang kinabahan nang ngisihan siya ni Jaelie. Anong palabas na naman kaya ang niluluto nito?
"Oh, don't tell me nag-hire ka ng isang theatre actor?" she asked, full of curiosity.
"Hmm... Something like that."
"Baka naman mahal ang talent fee niyan. O kaya baka mamaya psychotic pala yan at ma-murder lang ako."
Tumawa ito. "Wag kang mag-alala pinsan. Hindi ko ire-recommend to kung alam kong mapapahamak ka sa kanya." Pagkuwa'y bumaling ito sa kanyang likuran. "He's here na pala eh," excited na sambit nito.
Napalingon na rin siya. At kamuntik na syang malaglag sa upuan nang makilala nya ang lalaking kapapasok lang sa coffeeshop at diretso ang tingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Falling For The Enemy
RomantikJaco need not say a word. One smile from him and you have no other choice but to fall for him. Magaling na journalist si Jaco. Bukod pa roon, guwapo ito at maraming fans. Walang babaeng tatanggi na maging kapitbahay ang binata. But not Jillian. Pa...