CHAPTER THREE

397 10 3
                                    

Bilang club lounge manager, si Jillian ang in-charge sa pagsalubong at pag-aayos ng accommodation ng mga VIP guests ng Vega Hotel. Trabaho nyang siguraduhin na maayos at komportable ang kalagayan ng mga kliyente habang naroon ang mga ito.

Kasalukuyan niyang kausap ang limang Japanese VIP guests na kadarating lamang. Pawang mga CEO ng pinakamalalaking business companies sa Japan ang mga ito. Naroon ang mga ito para sa isang malaking business meeting. Kasama niya dapat ang big boss nya sa pagsalubong sa mga Hapon ngunit bigla na lamang itong nagkasakit kaya naman ibinilin na lamang nito sa kanya na maging extra accommodating siya sa kanilang big clients. Ayaw raw nitong makarinig ng negatibong feedback mula sa mga ito. Or else, sa housekeeping ang bagsak niya.

"Your butlers will show you to your rooms now, gentlemen," nakangiting wika nya sa mga nag-gagwapuhang guests. Mukhang mga anime characters ang mga ito. Kung wala lang suot na wedding rings ang mga ito tiyak kanina pa siya nagpa-cute.

"Ah, later Miss. We're still waiting for someone else," anang pinakamatangkad sa lahat.

"I thought there will only be five of you?" Limang Royal Suites lamang ang ipina-reserve ng mga ito. Iyon ang pinakamahal na suite sa hotel nila. Ang madalas na nagche-check in sa mga Royal Suites nila ay mga Presidente galing sa iba't-ibang bansa, mga sikat na businessmen at mga myembro ng elite families.

"Oh, don't worry. The guy we're waiting for is a Filipino so he won't be staying here with us."

Tumango na lamang sya at ngumiti. "I see."

"I heard that guy's popular here so I think you might know him. He's quite goodlooking. Like us." Nagtawanan ang mga Hapon.

Bigla syang na-excite. Sino kaya ang tinutukoy nitong "that guy"? Sikat daw at good-looking? Artista kaya? O businessman na gaya ng mga ito? Pasimple nyang sinipat ang kanyang repleksyon sa salaming nasa dingding, ilang dipa ang layo mula sa kinatatayuan nila.

"Ah, finally! The bishounen is here. Ohayo!" rinig niyang pahayag ng isa sa mga Hapon.

Automatic syang napabaling sa entrance door. Nalaglag ang panga niya habang pinagmamasdan ang lalaking naglalakad patungo sa direksyon nila. Nalusaw ang excitement niya.

"Goumenasai, I'm late," hinging-paumanhin ng bagong dating.

"It's okay Jaco-kun. We just arrived anyway."

Kulang ang salitang 'nagulat' para i-describe ang nararamdaman nya ng mga oras na yun. Sa dami ng sikat at good-looking na lalaki sa Pilipinas, bakit si Jaco pa ang naging "that guy"?

"Jillian?" Ilang beses syang napakurap nang marinig ang boses ni Jaco. He was staring at her. Hindi nya alam kung bakit biglang tinambol ng kaba ang dibdib nya. Isa iyong masamang pangitain.

"H-Hi," bati nya rito. Pinilit nyang ngitian ito.

"Oh, you two know each other?" tanong ng isang Hapon.

Humalukipkip si Jaco, nakatingin pa rin sa kanya. "Sort of."

Sort of? Napataas ang kilay nya. Kung hindi lang sila nasa harap ng mga kliyente, malamang naibato nya na rito ang sapatos nyang five-inches ang heels.

Imbes na patulan ito ay binalingan nya na lamang ang mga Hapon. "Would you like to go to your rooms now?" Ngunit bago pa makasagot ang mga ito, bigla na lamang itinaas ni Jaco ang isang kamay nito.

"Chotto matte," anito atsaka humakbang palapit sa kanya. "This is a five-star hotel. Pano ka nakapasok dito? Hindi nila alam na may sayad ka?"

Saglit nya munang binalingan ang mga Hapon. Salubong ang kilay ng mga ito, halatang hindi naintidihan ang sinabi ni Jaco. Kahit gusto nya nang paduguin ang ilong ng binata, nanatili syang nakangiti. Alang-alang sa mga guests.

Falling For The EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon