CHAPTER FOUR

363 12 1
                                    

Nagising si Jillian nang maramdaman niya ang marahang pagyugyog ni Jaco sa balikat nya.

"Andito na tayo. Labas na," pagkasabi niyon ay umibis na ito mula sa sasakyan.

Nag-inat muna sya sa upuan bago nya inilibot ang paningin sa lugar. Nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanya ang walang katapusang kakahuyan at bukirin. Hindi niya alam kung saang panig ng daigdig siya dinala ng binata dahil tulog sya sa buong byahe nila.

"Nasa Pilipinas pa ba tayo?" tanong niya kay Jaco pagkababa niya ng kotse.

"Hindi. Nasa Mars na tayo. Halika nga dito, tulungan mo akong magbitbit ng mga gamit." Nasa likuran ito at kinukuha ang mga gamit sa trunk. Sumunod sya rito.

"Ang dami naman nyan!" bulalas nya nang makita ang dami ng mga bagaheng dala nito. Bakit hindi nya iyon nakita kanina? "Dinala mo ba ang buong bahay mo? Dito ka na ba titira?"

"Ang dami mong tanong. Tulungan mo nalang akong magbuhat."

"Okay ka lang? Naka-dress kaya ako." Isang spaghetti-strapped floral sundress ang suot niya at strappy sandals.

Humalukipkip ito. "Sino ba kasi ang nagsabi sayong yan ang suotin mo?"

"Eh hindi naman kasi ako na-inform na mag ma-mountain climbing pala tayo ngayon. Bago pa naman 'tong sandals ko tapos putik lang ang makikinabang? Tapos wala pa akong dalang payong o sombrero manlang. Buti nalang at nag-sunblock ako. Diyos ko! Ang init sa Pilipinas!"

"Alam mo ang dami mong arte. Kung ayaw mong sumama edi bumalik ka na sa bahay mo!"

"Pano ako babalik don?" pinameywangan niya ito.

"Maglakad ka!" sigaw nito. Nagsukatan sila ng tingin. Ngunit sa huli ay sya rin ang sumuko. Kahit labag sa loob nya ay dumampot sya ng bag at isinukbit iyon. Isang nang-aasar na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Jaco.

Paakyat ang maputik at makitid na daanan kaya kailangan nilang iwanan ang kotse. Tagaktak na ang pawis nya at lawit na rin ang dila nya dahil sa init at pagod. At ilang beses nang lumubog ang paa niya sa maputik na daan. Bagong pedicure pa mandin sya.

"Malayo pa ba?" maya-maya ay tanong niya.

"Ang OA mo! Wala pa ngang limang minuto tayong naglalakad," sagot ni Jaco.

"Excuse me! Five minutes and thirty seconds na kaya!"pang-aasar niya rito. "Atsaka ang bigat kaya nitong bag mo! Ano bang laman nito? Sofa?"

Biglang tumigil sa paglalakad si Jaco. At dahil nasa harapan niya ito, napatigil na rin sya.

"Isang bag na nga lang ang pinadala ko sa'yo tapos nagrereklamo ka pa. Kung tutuusin ikaw ang alipin dito kaya ikaw dapat ang nagdadala ng lahat ng 'to!"

She pouted. "Mas malaki kaya ang katawan mo!"

Apat na bag ang dala ni Jaco. Dalawang malalaking bag ang nakasukbit sa magkabilang balikat nito at ang dalawa pa ay bitbit naman nito. Nakasuot iton ng kulay green na t-shirt, itim na pantalon at rubbershoes. Habang nakatingin sya rito ay hindi niya mapigilang mapangiti.

"Oh. Anong ngini-ngiti-ngiti mo riyan?"

"Bagay sa'yo. Mukha kang christmas tree," nakangiting wika niya. Iningusan lamang sya nito.

Naglakad na silang muli. Ilang sandali pa ay may narinig syang mga tinig.

"Kuya Jaco!" Sa dako pa roon ay dalawang batang lalaki ang nakita nyang tumatakbo patungo sa direksyon nila ni Jaco. She saw how Jaco's face lit up when he saw the two boys. Tila wala na ang bakas ng pagkakakunot ng noo nito kanina nang magsagutan sila.

Falling For The EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon