"Matagal pa ba yan? Langya naman, sa dami ng araw sa kalendaryo bakit ngayon pa napiling magloko ng kotse mo?" reklamo niya sabay sipa sa gulong ng sasakyan.
Nasa Laguna na sila. Ngunit kung kailan naman malapit-lapit na sila sa beach resort na pagdarausan ng kasal, saka pa naisipang ma-flat ng gulong ng sasakyan ni Jaco.
"Hoy! Wag mong sipain yan dahil mas mahal pa yan kesa sa suot mong sapatos na mukhang kailangan pa ng lisensya dahil pwedeng maging deadly weapon."
"Ano ba ang problema mo sa mga suot ko at kanina mo pa pinag-iinitan, ha? Naiinggit ka ba? Gusto mo palit tayo?" pang-aasar niya rito. Ngunit hindi na sya pinansin ng binata, ipinagpatuloy nito ang pagpapalit ng gulong.
Kanina pa kasi nito pinupuna ang buong attire niya. Kesyo masyado raw maikli ang suot niyang dress. At bakit daw tube pa ang napili niya, hindi naman daw bagay sa kanya. Pinuna rin nito ang mataas na takong ng sapatos niya. Kung maka-reklamo ito parang ito ang nagsusuot. 'Kaasar talaga.
Ngunit habang patuloy niyang pinagmamasdan ang binata ay bigla nalang tinubuan ng habag ang puso niya. Sa ilang oras pa lang na pagmamaneho ay alam niyang napagod na ito. Tapos ngayon naman, nakabilad pa ito sa ilalim ng araw upang magpalit ng gulong. Hindi lang basang-basa ng pawis ang suot nitong itim na t-shirt, gusot-gusot na rin iyon. Marumi na rin ang mga braso nito at may kaunting dumi rin sa mukha nito. Her conscience was starting to nag at her. Imbes kasi na tulungan niya ito at magpasalamat dito dahil sa pagsama nito sa kanya, sinigaw-sigawan niya pa ito.
Tinungo niya ang passenger seat at kinuha ang pamaypay at panyo sa loob ng kanyang bag. Pagkuwa'y pumwesto siya sa tabi ni Jaco upang paypayan ito. Kunot-noo naman itong tumingala sa kanya.
Nag-iwas sya ng tingin. "B-Bilisan mo na," aniya, pero sa malumanay na tinig.
"Wag ka dyan. Dun ka," pagtataboy nito sa kanya.
"Pinapaypayan ka na nga nag-iinarte ka pa!"
"Hindi ako nag-iinarte. Salamat sa concern pero kung pwede... dun ka sa likod ko dahil n-nasisilaw ako," sagot nitong bahagya pang nautal.
Nagtaas sya ng kilay pero sinunod na rin ang sinabi nito. Nasisilaw saan?Ang arte talaga.
Ilang sandali pa ay napalitan na ni Jaco ang gulong. Nang tumayo ito ay sinulyapan niya ang suot na relo. Labinglimang minuto na lang at magsisimula na ang kasal. They wouldn't make it on time. Sisinghalan niya na sanang muli ang binata kung di nya lang nakita ang itsura nito. He was trying to wipe the dirt off his face ngunit dahil marumi rin ang kamay nito, nadagdagan lamang ang dumi nito sa mukha.
"Para kang tanga," aniya atsaka lumapit dito. Gamit ang hawak niyang panyo ay sya na ang nagtanggal ng dumi nito sa mukha.
Habang ginagawa niya iyon ay hindi niya maiwasang mailang dahil na rin sa ginagawang pagmamasid ni Jaco sa mukha niya. Was there something wrong with her face?
Sinalubong niya ang tingin nito. "What?" Umiling lamang ito. But he was smiling. Nang mapansin niya ang biglang pagdako ng mga mata nito sa kanyang mga labi ay biglang nag-freeze ang kamay niya. And when Jaco bit his lowerlip, napalunok na lamang siya.
Unti-unting bumaba ang mukha ng binata. Agad bumilis ang tibok ng puso niya.Was he going to kiss her? Bakit parang na-e-excite ata sya? Pipikit na ba sya? O itutulak niya ito? Ba't mo itutulak? Tanga!
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinintay ang halik nito. Ang tagal!
"Ang sweet mo naman."
Bigla syang napadilat. Nakatayo na ng maayos si Jaco at nakapaskil ang isang nang-aasar na ngiti sa mga labi nito. Pinaglalaruan lang pala siya ng damuho! Gusto niyang higupin na siya ng lupa dahil sa kahihiyan. Inirapan niya na lamang ito upang kahit papaano ay maibangon ang kanyang dignidad.
![](https://img.wattpad.com/cover/124030984-288-k550090.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling For The Enemy
RomanceJaco need not say a word. One smile from him and you have no other choice but to fall for him. Magaling na journalist si Jaco. Bukod pa roon, guwapo ito at maraming fans. Walang babaeng tatanggi na maging kapitbahay ang binata. But not Jillian. Pa...